dos.

3 0 0
                                    

Boring sa mansyon kaya naman na isipan kong puntahan sila lola. I got a call naman from Kuya Jeron kase tinext ko sya na tawagan muna ako bago magtungo sa mansyon.

After ilang minutes ay dumating na din si Kuya Jeron. Binuksan ko ang pinto ng kotse sa likod at saka pumasok doon. Dahil I forgot to bring a book ay tinanaw ko ang labas para malibang ako. Suddenly I notice someone who's familiar at hindi nga ako nag kakamali. It was Ino, he's talking with someone. With a... girl, both of them smiling big as if they were really close.

I didn't even know what I was doing and I immediately pull my seat belt and stop kuya to drive the car. Dali-dali akong bumaba ng kotse, ilang segundo lang ay nasa harapan na ako ni Ino. I faced him and look at him without any emotion. Nung kumunot lang ang noo nya saka ko lang hinarap yung babaeng nasa likod ko which is nasa harapan ko na ngayon. I looked at her and knew she looks like no harm but it doesn't mean she really is. Hinatak ko si Ino papuntang kotse at dali-daling ipinapasok siya sa loob niyon matapos ay pumasok na din ako sa kabilang pinto at iyon ay isinarado.

Tahimik lang kaming dalawa sa byahe matapos kong sensyasan si Kuya Jeron na paandarin na ang kotse. I know he tried to talked to me dahil kita ko sa itsura nya ang di maipintang mukha dahil sa inis niya. Sino ba naman hindi maiinis kung hinatak ka bigla ng kung sino at pinapasok sa kotse nang walang dahilan though I have my reason di ko lang sinabi sa kanya, it's too awkward to say it in the middle of silence.

Ilang minuto rin ang nakalipas at nakarating na rin kami sa Bahay nila Lola. Matapos huminto ng sasakyan ay bumaba ako ng kotse, ilang segundo din ay bumaba din si Ino dahil hinihintay sya ni Kuya Jeron na bumaba.

Nakita ko si Lola sa malayo at dali-dali akong sinalubong ng yakap.

"La!" Sigaw ko habang kayakap siya, di maipaliwanag kung gaano kaming dalawa kasaya ngayong ngayon ko lang uli siya nakita matapos nyang bumalik galing ibang bansa. Matapos ay niyaya kami ni lola pumasok sa loob dahil nag aantay daw si lolo sa loob ng bahay.

Tinignan ko si Ino at as usual wala pa ring expression ang kanyang mukha, tinawag ko siya at inaya nang pumasok sa loob ngunit hindi siya umalis sa kanyang pwesto kaya kailangan ko na naman siya hatakin papasok.

Pagpasok namin dumeretso kami sa dining table para makakain na ng meryenda. Habang kumakain nagku-kwentuhan sila Ino, lola, at lolo.

"Ano nga ulit pangalan mo iho?" Tanong ni lolo kay Ino.

"Savino ang pangalan niya. Kanina pa kayo mag kausap Emerson napaka makakalimutin mo talaga." sagot ni lola kay lolo, kaya't natawa ako sa sinabi nito.

"Ay oo nga pala, pag pasensyahan mo na ako iho makakalimutin na eh." ang sabi ni lolo kay Ino. Nakangiti lang ako na pinag mamasdan sila, kahit may edad na sila ni Lola ay makulit parin sila sa isa't isa.

Ngumiti lang si ino nang bahagya bilang sagot sa sinabi ni lolo. Hindi ko naman matiis ang ka-awkwardan namin kaya ako na ang nag salita.

"Lo, kamusta nga pala ang bukid? Kailan ba natin maaani ang patatas na itinanim ko?" Ngumiti ito at napailing na lang sa sinabi ko, halos lagi ko kase syang kinukulit tungkol sa itinanim kong patatas.

"Sa makalawa pa apo, hayaan mo at ikaw ang mag aani niyon. Isama mo si Ino, Iho ayos lang ba sa iyo?" Gulat naman na napatingin si Ino kay lolo at saka tumingin sa akin ng may pagtataka.

"Okay lang naman lolo kung ako na lang hehe iniyaya ko lang si ino rito para makilala nyo ni lola." Sa halip na si Ino ang sumagot ay ako ang nagsalita.

"Pero hindi naman makakasama si jeron sa iyo dahil ang alam ko ay pupuntahan niya ang magulang niya sa Probinsya nila." Ani ni Lola, magsasalita na sana ako upang kontrahin ang sinabi ni lola pero na unahan ako ni Ino.

"Pag pasensyahan nyo po pero hindi po talaga ako pupwede na samahan si... siya po dahil may trabaho po akong pinapasukan." Sagot niya, na gulat naman ako sa sinabi niya. I thought wala syang trabaho at tipikal na namamalimos lang siya sa daan.

Tahimik naman ang mga ito matapos ang salitang binitiwan ni Ino. Ilang minuto lang ay tapos na ang lahat na kumain. Mag gagabi na rin kaya’t na pag desisyonan ko na umuwi na kami ni Ino, sakto naman na dumating na si kuya jeron galing kung saan.

Nag paalam na ako kila lolo at lola, nag pauwi pa ito ng sinabawang isda para kay ino. Natawa na lang ako sa mukha niya dahil di nya akalain na sa kabila ng pagtanggi niya ay pinabaunan pa ito ng pagkain pa uwi.

Habang nasa byahe ay tahimik lang kami ni Ino, si kuya jeron na nag mumusik sa harap ay walang pakealam sa amin. Tapat ng mansion, nasa tapat na kami ng mansion bukas na din ang ilaw nito mula sa labas ng gate hanggang loob. Kaya pala natagalan ni kuya jeron ay iniayos nya pa ang mansyon.

Bumaba na si ino sa kotse, nakalimutan kase ni kuya jeron na ihinto ang kotse sa parke. Magpapaalam na sana ako ng bigla na lang siyang umalis, dali-dali naman akong bumaba din ng kotse para habulin si ino.

"Ino! Teka!" Sigaw ko at huminto naman siya.

"Bakit?" Sagot naman niya, walang emosyon itong humarap sa akin.

"Uhm... Ano... THANK–" Naputol ang sasabihin ko ng biglang tumunog ang cellphone ni kuya jeron. Nag peace sign naman ito nang humarap siya sa akin. Kuya jeron talaga!

"Ano?" Tanong ni ino, wala ng lalamig pa sa tanong niya. Kala mo pinaglihi sa Antartica eh!

"W-Wala! SIGE NA BYE!" Malakas na sabi ko habang papatakbo papalayo.

To be continued...

It's the Man Hater ; La Seríez #1Where stories live. Discover now