tres.

3 0 0
                                    

Madaling araw na at di parin ako natutulog, dahil sa mga nangyari kahapon di ko alam ano na ang gagawin ko kapag nakaharap ko si ino or kahit nakasalubong man lang. Expected naman na di nya ako papansinin or kakausapin dahil matigas at malamig pa yun sa tipak ng yelo ng antartica. Bigla namang may pumasok na ideya sa isip ko kaya't nakatulugan ko ang pag iisip dito.

Kinabukasan.

Habang nag aalmusal ako, hindi mawala sa isip ko ang ideya na nabuo ko kagabi kaya't tinawagan ko si kuya jeron para sunduin ako sa mansyon upang pumunta sa bahay ng lola at lolo ko. Habang bumabyahe naisipan kong bilhan ng paboritong prutas ang lolo't lola ko dahil napansin kong paubos na ang stock nila nang bumisita kami kahapon. Pagdating sa palengke bumili ako ng mga prutas tulad apple, banana, grapes at iba pang prutas. Nang pabalik na ako sa sasakyan nakita kong nagta-trabaho si ino sa tapat ng tindahan na pinag bilhan ko. Gulat ako nang makitang papaharap na ito kaya naman agad akong tumakbo kahit hindi pa na ibabalik sa akin ang sukli ko.

Seryoso ba? Sa lahat ng pwedeng makita sya pa?

Sabi ko sa isip ko, agad naman akong sumakay ng kotse kaso wala naman si kuya jeron hindi ko alam kung nasaan sya kaya napag desisyonan ko muna lumabas ulit para kumain dahil hindi sapat yung breakfast na kinain ko kakamadali ko kanina.

At sa hindi mabilang na pagkakataon, nakita ko nananaman ang anak ng hari ng antartica. I saw ino sitting in the side of bench eating some orange ball filled with vinegar sauce I guess. Iniwasan ko na lang na maistorbo sya dahil baka mabugahan ako ng yelo at manigas ako. Namili na lang ako ng donut sa may kalayuan sa tindahan ng mga street foods, yun talaga ang binili ko para di na din ako mapansin ni ino.

Matapos ay bumalik na ako sa kotse, sakto naman ang pagbalik ni kuya jeron. Nagutom daw siya kaya't di na nakapagpaalam pa na mamili.

After ilang minutes ay nasa bahay na kami ni lola at lolo. Same parin ng kahapon, both of them were happy to see me kaso nag ask sila about kay ino kaya hindi na lang ako nagsasalita sa tuwing nababangit ang pangalan niya, nahihiya parin ako sa ginawa ko sa kaniyang paghatak papasok ng kotse at lahat ng nangyari kahapon.

Dahil nga may ideya ako kagabi at yun naman talaga ang pinunta ko dito ay iginaya ko ang grandparents ko sa hardin upang mag usap.

"What brings you here again, Eva?" My grandlola asked, pag kase ganito seryoso na kami like mahalaga ang pag uusapan namin.

"Uhm... you know naman, axisere top program." I said, my granlola give me a confused face kaya itinuloy ko ang sinasabi ko.

"I-i want..." Putol kong sabi habang nakangisi.

Isang linggo bago ang pasukan.

I'm already in senior high school, ang totoo nyan grade 12 na ako. I'm taking ABM strand since it was related to what course I will take in college. Dahil isang linggo na lang ay pasukan na, I ask Savino to get along with me para mamili ng school supplies.

"Tara na Ino! We need to hurry up!" Sigaw ko sa kanya, Hindi pa rin kase sya natitinag sa kinatatayuan niya.

"Miss, Ano ba kase ang kailangan mo sa akin? Bakit lagi mo na lang ako hinahatak kung saan? Kaunti na lang mapagkakamalan na kitang kidnapper." Malamig na sabi nito, walang expression ang mukha at seryosong seryoso. Mas malamig pa sa tubig galing Mount Fuji ang pagkatao nya. Nakita ko siya sa may daan kanina nag titinda at naglalako ng mga pagkain at gamit kasama ang isa nyang katrabaho.

"Ah eh..." Wala akong na-isagot sa sinabi nya. Ang totoo nyan kase isang linggo na ang nakalipas nung hatakin ko sya papasok ng kotse, Isang linggo na din na kinausap ko ang mga grandparents ko tungkol sa idea na sinabi ko.

"Alam mo Miss? Kung wala akong makukuhang sagot sayo ay aalis na lang ako. Hindi ko kailangan sayangin oras ko para lang dito. Marami pa akong ibebentang gamit at pagkain upang kumita, Wala akong ipambabayad sa mga bagay na naririto kaya aalis na ako." Mahaba niyang sabi at akmang aalis na nang siya'y hatakin kong muli, Hindi ko maintindihan kung bakit ko iyon na gawa. Humarap siya sa akin at nag hihintay ng sagot o salita mula sa akin.

"Ah eh... Sasamahan mo lang naman ako m-mamili ng gamit para sa pasukan. B-bilhin ko ang binebenta mo, basta s-sumama ka sa akin." Hindi nakatingin kong sabi, nakakailang ang tingin niya. Ang lamig galing sa mga salita niya ay baligtad sa init na nang gagaling mula sa titig ng mata niya.

"Hindi ko kailangan na bilhin mo ang binebenta ko upang samahan kita, marami naman diyan na iba na maaaring samahan ka." Muling sabi niya at saka hinawakan ang kamay kong nakakapit sa kaniyang braso at iyon ay tinanggal.

"Kung nais mong mamili ng gamit para sa pasukan may alam akong lugar, tiyak na mas mura ang presyo niyon kaysa dito. Mas mura ng double doon kaso dito." Sabi niya at naglakad na palalayo sa akin upang lumabas na ng mall.

Ilang metro lang naman ang palengkeng pinag tratrabahuhan niya sa mall na ito at malalakad mo lang. Sinundan ko siya dahilan upang makabili at malaman kung saan ang tinutukoy niya. Habang siya'y sinusundan ko ay tinext ko si Kuya Jeron na hindi nya na muna ako kailangan sunduin at itetext ko na lang siya pag ako ay uuwi na. Nang makapasok kami sa palengke may isang maliit na tindahan ng school supplies kaming pinasukan.

Nakita kong napangiti ang tindero rito ng makita si ino.

"Oh! Cieno! Mamimili ka naba nang gamit mo para sa paparating na pasukan?" Tanong ng may kaedaran na lalaki kay Ino. Iba ang pangalan na binanggit niya pero sigurado akong si ino ang tinutukoy niya.

Nakita ko ang ngiti muli ni ino, labas ang ngipin at biloy nito. Masasabi kong mas gwapo ito pag nakangiti at masaya. Tumango siya rito at ngumiti. Ilang salita pa ang pinalit nila ng kaniyang kausap saka ako namili ng gamit para sa pasukan.

Totoo nga ang sinasabi ni ino, mas mura ng double ito kaysa doon. Halos parehas lang ng kung ano ang meron sa mall at kung ano ang narito, namili ako ng tig 4 na yellow paper lahat ng size, 2 pack ng black ball pen, Isang pack ng blue at red, 10 correction tape, 20 notebook at iba pa.

Inilagay ko ang lahat ng iyon sa kamay ko, Hindi ko na kase pa inabala si ino dahil baka samaan nanaman niya ako ng tingin. Habang yakap-yakap ko ang bibilhin ay muntik na akong madapa ng may bumangga sa aking tao. Buti na lang ay nasalo ng Isang tao ang mga muntik ng malalaglag na gamit sa sahig. Tinulungan niya akong magbuhat.

"Ah S-Salamat nga pal–" Napahinto kong sabi, si ino pala ang tumulong sa akin. Hindi sya nakatingin sa akin habang dahan-dahan kinukuha ang nga gamit na yakap ko. Inilagay niya iyon sa counter upang bilangin.

"Ah Ino, Thank you nga pala." Mahina kong sabi at hindi naman sya kumibo, hinihintay nya lang na matapos yung cashier na ipunch lahat ng binili ko.

Matapos niyon ay binayaran ko na ang ipinamili ko, ipinahati ko rin ang bilang ng gamit na binili ko at ipinalagay iyon sa dalawang paper bag.

Hindi ko na sana iistorbohin si ino kaya lang ay binuhat niya ang gamit na binili ko at sinamahan ako ilabas ang mga iyon.

"Hays. Bakit di pa nag rereply si Kuya Jeron!" Medyo naiinip kong sabi, ang awkward kasi. Nandito pa rin si ino hawak hawak ang ipinamili ko. Sinabi ko na ako na lang ang hahawak nito pero sinabi nya na siya na lang ang hahawak muna.

Ilang minuto lang ay natanaw ko na ang kotse na gamit ni Kuya Jeron. Kumaway ako upang malaman na narito ako. Matapos niyon ay ibinigay na ni ino ang Isang paper bag kay Kuya Jeron na kasalukuyang binubuksan ang likod ng kotse upang ilagay doon ang gamit na ipinamili ko. Ibibigay na sana niya ang isa ngunit pinigilan ko siya.

"Sa iyo itong gamit na ito, wag mo sanang isipin na ibalik ito. Take this as my thanks to you for bringing me into one of the cheapest store here. At salamat sa pag sama mo sa akin for buying this." Sabi ko at hindi ko na hinintay pa siyang magsalita. Pumasok na ako sa loob ng kotse at saka iyon isinara. Nang makapasok si Kuya Jeron sa loob ay inutusan ko siyang buksan ang bintana ng back seat kung saan ako nakaupo at tapat ni ino na nakatayo pa rin dito.

Nang bumukas iyon ay nakita ko ang mukha ni ino, napangisi ako dahil dito at binitawan ang ilang salita na nagpakunot ng noo niya.

"See you next week in Axis." Sabi ko at ipinasara ang bintana at sinenyasan si Kuya Jeron na paandarin na ang sasakyan.

To be continued...

It's the Man Hater ; La Seríez #1Where stories live. Discover now