Chapter 12

29 1 0
                                    

Ryuu’s point of view

Saturday morning.

I was busy searching a food in the fridge kasi late na ako nagising ngayong araw. Mukhang hindi naman ako ginising ni Tita Aliya dahil nakita niya ako kagabi na nagpupuyat sa paggawa ng assignments. Ginawa ko na kasi kagabi dahil ayokong may sagabal kapag weekend, kaya nga weekend kasi rest day sa school tsaka gusto kong maglakad-lakad ngayong araw sa baranggay nila para ma-familiar ko na.

Hindi ko nakita si Jethro ngayong umaga marahil nasa farm na naman ‘yun. Nanghinayang pa nga ako dahil hindi ako nakasama pero mamayang hapon na lang ako babawi. Magre-request ako sa kaniya kung pwedeng maabutan kami ng sunset duon kasi alam kong sa itaas ng burol ay masisilayan ko ang magandang paglubog ng araw. I want to take pictures of sunsets na pinakapaborito kong gawin. Marami na nga akong pictures ng sunset sa cellphone ko.

Habang naghahanap ako ng pagkain sa ref ay ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ko when I saw an apple jam. Napangiti ako sa isipan at kaagad na kinuha ang jar at buksan ‘yun. Hindi naman siguro magagalit si Tita Aliya kung lalantakan ko ‘to eh. Masarap pa namang papakin ang apple jam. Kumuha ako ng kutsara at kaagad na binuksan ang jar, unang sikmat ko pa lang pakiramdam ko biglang nabuhayan ang lahat ng sistema ko. Paborito ko talagang pumapak ng jam eh. Naalala ko nuong bata pa ako, kahit na ngayong teenager pa ako, palagi akong nahuhuli ni Mommy na pumapapak ng jam sa tuwing hatinggabi. Tapos itatago niya sa ‘kin ang lahat ng jam sa ref at iiyakan ko naman si Daddy kapag wala akong mahanap. Kukunsintihin naman ako ni Daddy at bibili siya ng ilang jars ng jam at itatago sa closet ko. Kapag nahuli siya ni Mommy, pinapatulog niya si Daddy sa terrace sa itaas.

Napangiti na lang ako ng mapait dahil sa mga alaalang ‘yun. How I wish na maranasan ko pa ‘yun. Na makikita ko pa sina Mommy at Daddy, kung paano pagalitan ni Mom si Dad dahil sa kakakunsinti sa ‘kin. I missed them. I missed my parents. Napabuga na lang ako ng hangin. Pinipilit na i-waglit ang lungkot. Kahit wala na sina Mom at Dad, buhay na buhay pa din sila sa puso’t alaala ko. ‘Yun ang pinanghahawakan ko sa ngayon na pinipilit kong magpatuloy kahit wala na sila.

Napatigil lang ako sa pag-iisip nang marinig ang paglagitnit ng pintuan ng kwarto ni Aster. Wala sa sariling naitago ko sa likuran ang jar ng pinapapak kong apple jam. Shit. Kabado akong tumingin kay Aster nang tuluyan itong makalabas. Nakakunot pa ang nuong tinignan ako.

“Dungis mo.” aniya. Napahiya ako at mabilis na pinunasan ang gilid ng labi ko gamit ang isa kong kamay. Hindi ko alam na may mga kalat na pala ako sa gilid ng labi ko.

Kinabahan pa ako dahil tumaas ang kilay ni Aster, mukhang napansin niya ang tinatago ko sa likod ko. Shit.

“Th—”

Bago pa man siya makapagsalita  ay kaagad ko na ‘yung pinutol, “S-Sorry! Hindi ko mapigilan. I-I really want to...” hindi ko mahanap ang dapat kong sabihin. “To...a-ano...” kinamot ko ang ilong ko.

Kinunutan lang ako ng nuo ni Aster. Kabado na tuloy ako dahil baka nagalit siya. Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko eh! Paborito ko pa naman ang apple jam.

“Don’t explain yourself. Go, eat that.” kapagkuwa’y tinalikuran niya ako. Napakurap tuloy ako at hindi makapaniwalang sumunod sa kaniya ng tingin. Hindi ba siya galit?

“B-Baka sa ‘yo ‘to,” nahihiya ko pang pahabol.

“Hindi.” ‘yun lang ang sagot niya bago pumasok sa CR. Hindi ko alam kung makakahinga ba ako ng maluwag sa sinabi niya o mas lalong kakabahan. Minsan talaga, iba ang dating ni Aster. Ang bigat ng aura niya to the point na kapag kaharap mo na siya, mahihirapan ka talaga sa paghinga.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 11 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MARIGOLDWhere stories live. Discover now