Chapter 10

45 1 0
                                    

“Ako ang kasama mo,” nakakrus ang braso kong sambit kay Jiryuu nang nasa salas na kami kinaumagahan. Panay kasi ang palinga-linga niya upang hanapin si Jethro na hindi niya naman makikita kasi maagang umalis si Jethro. Hindi ko nga alam kung sinasadya niya ba talagang maglinga-linga upang iwasan lang ang mga mata ko.

Agaran namang napatingin sa akin si Ryuu at kaagad na kinamot ang likod ng ulo. Sus, alam ko na ‘yang galawan na ‘yan. Pakunwaring hindi ako nakikita dahil sa nangyari kagabi. Though, Ajin Rio talaga ang pangalan niya, I prefer on calling him Ryuu from now. Bukod sa madali siyang bigkasin kasi one syllable lang siya ay mas komportable ako sa Ryuu rather than Jiryuu, Ajin or Rio.

“Kanina ka pa diyan linga nang linga, andito lang ‘ko sa harap mo.” napaparoll-eyes kong sambit, obvious naman na kinakabahan pa siya sa ‘kin, or so I thought. Baka napapahiya pa.

“Sorry, h-hinahanap ko kasi si Jethro.” dahilan ni Ryuu.

“Tsk.” napa-ismid ako.

“Tara na. Wala ‘yung kapatid ko, obvious naman.” masungit kong sambit bago siya talikuran habang bitbit ko ang bag ko. Naramdaman ko naman na sumunod siya sa ‘kin.

Nadaanan pa namin si Kuya Arren sa terasa nang makalabas na kami ng bahay. He greet Ryuu.

“Bagay naman pala sa ‘yo ang uniform ah,” puri pa ni Kuya. Panong di magiging bagay, eh pag pogi ka na maputi na, lahat na lang bagay sa ‘yo.

“Salamat, Kuya Arren.” isa pa ‘tong si Ryuu eh, masiyadong pa-humble.

“Ikaw, Aster.” mabilis tuloy akong napatingin kay Kuya. Tinaasan ko siya ng kilay.

“What?”

“Nakapajama ka again,” pansin nito, “Hindi ka ba naiinitan?” naparoll-eyes na lang ako dahil napansin niya na naman ang suot kong pajama bilang pang-ilalim sa skirt ko. Wala eh, wala akong magagawa, eto na lang ‘yung paraan upang hindi ako makitaan ng legs. Nuong junior high kami, okay lang sa ‘kin ang palda naming checked na kulay light blue and royal blue kasi 2 inches before the knee ‘yun. Kapag senior high na kasi, iba na ang uniform. Iniklian na nila ‘yung checkered naming palda at naglagay na ng pesteng necktie sa both men and women which is minsan ay nakakasakal para sa ‘kin.

Dami kasing kaartehan ng school eh. Daming pakulo.

“Paki mo ba!” singhal ko kay Kuya. Napailing na lang ito sa inakto ko kung kaya’t inirapan ko siya sabay talikod.

“Ang sungit talaga ng isang ‘to. Ganiyan ka ba talaga sa Kuya mo na aalis na?”

“Paki ko. Buti nga kung umalis ka, bawas palamunin.”

“Bakit, pamalumunin ka din ah?” akusa ni Kuya.

Nilingon ko siya, “May sinabi ba akong hindi?”

“Edi wow.” nabanggit na lang ni Kuya nang tuluyan ko na siyang talikuran.

Hindi ko siya pinansin at nagtuloy-tuloy sa paglalakad. Nanatili namang nakasunod sa akin si Ryuu subalit narinig ko siyang nagpalaam kay Kuya bago kami makalabas ng gate ng bahay. Naglakad lang kami ng 3 minutes sa pathway bago makarating sa mismong highway at duon na nag-antay ng tricycle. Kung hindi ko lang talaga kasama si Ryuu ngayon, maglalakad na lang talaga ako patungo sa school. Sayang pa ng pera na pampamasahe eh, dagdag pa sana ‘yun sa ipon ko. 

Maya-maya pa ay may dumating ng tricycle na kaagad ko namang pinara. Sa unahang bahagi kami sumakay dahil wala pa namang pasahero si Kuya. Sa malas nga lang, katabi ko si Ryuu. Pero yaan na. Hay naku, sabi na kasinh ayokong maglalapit kay Ryuu, kasi baka pagchismisan na naman ako ng mga higad. Kasi nga diba, kasasabi ko pa lang kahapon na wala kaming relasyon ni Ryuu. Tapos eto, makikita kami na magkasama uli at ang malala pa ay katabi ko pa ang gunggung sa tricycle. Hays, iba pa naman ang takbo ng isip ng mga tao ngayon. Pinabayaan ko na lang ‘yun at nag-isip na lang ng panibagong ipang-rarason sa mga kaklase ko. Teka, bakit kailangan ko pang magrason? That’s not so mee!

MARIGOLDWhere stories live. Discover now