Chapter 06

46 1 0
                                    

“Hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko.” reklamo ko kay Gia when I once visited her house. Nakanguso akong tumingin sa kanya. “I don’t know how much longer that I can stay like this! Hindi ko alam kung paano ko pa siya pakikitunguhan ng maayos. I’m just trying my best.”

“Masasanay ka din, Aster.” pampalubag ng loob ni Gia sa ‘kin, “Sa amin nga nina Joven, nasanay ka eh.”

Napabuga na lang ako ng hangin. Dahil sa totoo lang talaga, hindi ako sigurado kung masasanay ba talaga ako sa presensiya ni Jiryuu. Isa pa, nasa bahay siya namin, at ang malala pa, he’ll stay longer, longer—na hindi ko na alam kung kailan siya aalis sa ‘min. Baka nga habang bubay na siya diyan! Hindi ko alam, pero pakiramdam ko talaga, hindi kami magkasundo ni Jiryuu. Sinusubukan ko naman pakitunguhan siya ng maayos, pakitang-tao ganun. Pero hanggang duon lang ‘yun.

“Tapos baka malaman mo, ma-inlove ka sa kanya.”

Malakas akong napaubo sa sinabi ni Gia. Pakiramdam ko, may bumara sa lalamunan ko at may kumati sa bandang ngala-ngala ko kung kaya’t sunod-sunod akong napaubo ng malakas. Hinampas ko pa siya nuong makabawi ako samantalang tawang-tawa naman ang gaga.

“Mandiri ka nga sa pinagsasabi mo!” inis na reklamo ko. Hello, sino ba naman kasi ang matutuwa sa joke na ‘yun ni Gia. Pwe! Nakakadiri kaya! “Ako ma-inlove duon? He’s Papa’s adopted son. Parang kapatid ko na siya.”

Sa halip ay tumawa lang ng malakas si Gia.

“Marami kayang nangyayaring gan’yan. Especially, duon sa mga novels na nabasa ko. Besides, you’re not blood related naman, so it’s not a problem. Tapos gwapo pa ‘yung guy, you’re not lugi kaya.”

Kumunot ang nuo ko at napangiwi.

“Naririnig mo ba ang sarili mo?” hindi makapaniwala kong tanong kay Gia. Sinuklay ng gaga ang kanyang buhok, ngumiti sa ‘kin.

“Yes, obkurs naman missy.” itinaas-taas niya pa ang kilay niya, “Wala pang damage sa eardrums ko ‘no.”

Napangiwi na lang ako. ‘Yung as in, hindi na talaga kayang maipinta ang mukha ko.

“Iw.”

Isang malakas lang na tawa ang natanggap ko kay Gia. Napabuga na lang ako ng hangin sa asar, ayoko mang tanggapin pero asar na asar talaga ako sa pinagsasabi ng gaga. Pinagtitripan niya yata ako eh. Sinamaan ko tuloy ng tingin ang gaga upang tumigil-tigil ito sa pagtawa. Ngumiti lang siya sa ‘kin, na para pang way niya upang asarin niya ako lalo.

Padabog tuloy akong tumayo.

“Bahala ka nga. Aalis na lang nga ako. Wala ka namang maitulong.” asar na reklamo ko.

“Loh, may naitulong kaya ako.” sabi ni Gia upang kumunot ang nuo ko.

“Asarin ako?”

Ngumiti siya at tumango.

Sabi na nga ba.

“Yup!” parang proud na proud pa niyang sabi. Naparoll eyes na lang.

“Alis na nga ako.” naglakad ako papunta sa bintana ng kwarto niya kasi nga mahirap na kung makita pa ako ng Mama ni Gia. Kung ano-ano na naman ang sasabihin nuon sa ‘kin, tapos isusumbong ako kay Mama na panay daw ang tambay ko sa bahay nila. Isa pa, she hates me kasi nga, hate ako ng buong Baranggay. Nakikihate na din sila sa ‘kin but wala akong paki. Basta may mga taong tanggap ako, go lang ako sa buhay.

“Huy teka lang!” pigil sa ‘kin ni Gia. Kunot nuo ko tuloy siyang nilingon.

“What?” nagsusungit kong tanong. Lumabi ito sa ‘kin.

MARIGOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon