Chapter 07

47 1 0
                                    

2 days akong hindi umuwi ng bahay. Narito lang ako sa tree house ko. Nakahiga at nanghihina. Kaunting oras na lang ang hinihintay ko upang sunduin na ko ng kamatayan. Sana namatay na lang ako. Sana pala tinuluyan na ako ng stepfather ni Yolo. Wala naman palang halaga ‘yun. Palagi na lang akong nahuhusgahan dahil sa mga misinterpretation at misunderstanding sa nangyayari. Palagi na lang. Pagod na ako. Hindi ko na yata kaya. Napahikbi na lang ako. Pero ayoko pa namang mamatay. Marami pa akong gustong gawin sa buhay.

Dinama ko ang sugat ko sa tagiliran. Napaiyak nang makitang walang progreso, hindi pa din gumagaling. Mas lalo lang siyang humahapdi sa paglipas ng araw. Pakiramdam ko, na-infection pa ang sugat ko. Marami pa ang dugong nawala sa ‘kin. Hindi din ako makalabas ng tree house dahil sa sobrang panghihina. Ang init pa ng pakiramdam ko, nahihilo pa dahil sa dugong nawala sa ‘kin.  Napabuntong-hininga na ako at niyakap ang sarili. Diba sanay naman ako sa ganito? Bakit heto’t nasasaktan pa din ako? Bakit umiiyak pa din ako kapag ako na lang mag-isa?

“Ate? Ate? Andiyan ka ba?” napabalikwas ako ng bangon nang marinig ang boses ni Jethro. “Ate?!” ulit nitong tawag sa ‘kin. Sa tuwing naglalayas ako, siya lang palagi ang naghahanap sa ‘kin. Kaya hindi na ako magtataka kung siya lang ang tanging makakahanap sa ’kin kapag nagtatago ako sa kanila.

Binuka ko ang bibig ko, “J-Jethro..” namamaos ang boses ko, saka ko lang ‘yun napagtanto. Ilang araw ba naman akong walang salita. Nagkulong lang sa tree house ko. “J-Jethro,” nakangiwing uli ko dahil sa biglaang pagsakit ng sugat ko.

“Ate?” muling tawag nito, mukhang hindi niya narinig ang boses ko.

Naghintay ako ng ilang sandali subalit hindi ko na muling narinig ang tawag niya. Napabuntong-hininga na lang ako. Umalis na siguro siya. Malamang akala nuon wala ako rito. Pero kailangan ko si Jethro.

Pinilit kong itayo ang sarili ko bagaman nahihilo at halos nanghihina na ako. Subalit bigo lang ako nang muli kong maibagsak ang katawan ko. Napahiga na lang ako sa lapag ng tree house ko. Dahil sa pagbagsak kong ‘yun ay nakagawa ako ng ingay. Ipinapanalangin ko na lang na sana narinig ‘yun ni Jethro at hindi pa siya nakakalayo sa tree house. At hindi nga ako nagkamali nang makarinig ng kaluskos na tila ba may umakyat. Hindi na ako nabigla pa nang maramdaman kong bumukas ang maliit na pinto ng tree house. Nabuhayan ako ng loob dahil alam kong narito na ang kapatid ko.

“A-Ate?!” gulat na bulalas ni Jethro nang makita ang anyo ko. Nagmadali itong lumapit sa ‘kin upang siyasatin ako. “Ayos ka lang ba? A-Anong nangyari sa ‘yo?” hinawakan niya ang nuo ko nguni’t nailayo din kaaga ang palad. Gulat pang nakatingin sa ‘kin. “May lagnat ka!” gulat niyang bulalas.

Nanghihina lang akong tumango sa kanya.

“M-Masakit, J-Jethro...” mahinang sambit ko. Namamaos na ang nanghihina kong boses.

Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya. Mabilis niya akong dinaluhan at inayos ang pagkakahiga ko.

“Saan masakit, Ate?”

Itinuro ko ang dibdib ko, “Masakit dito.” gusto kong magsumbong kay Jethro. Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat ng sama ng loob ko pero hindi. Ayokong makita niya ang pagiging mahina kong babae. Ayokong makita niyang mahina ang Ate niya. Ayoko ding isipin niya na hindi ko kaya ang nangyayari sa ‘kin.

“Ate...” naawa niya akong tinignan, “S-Sorry.”

Nanghihina lang akong umiling.

“Dito, masakit, Jethro.” bumaba ang kamay ko sa tagiliran ko. Dinama ko ang sugat ko duon at napangiwi nang maramdaman ang paghapdi nito. Ang sakit. Napasunod ng tingin si Jethro sa kamay ko. Kaagad niyang siniyasat ‘yun at pagkabigla lang ang nakita ko sa mukha niya.

MARIGOLDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora