Chapter 03

32 2 0
                                    


MALAKAS akong napabuntong-hininga habang patuloy na nagpapalinga-linga. Pinagsisipa-sipa ko pa ang batong nadadaanan ko dahil duon ko na lang maibubunton ang inis ko. Ang kaninang batang naglalaro sa tabi ng kalsada ay nagsilayuan nang makilala ako. Pati kasi bata natatakot sa ‘kin, bakit naman kasi hindi? Kapag mainit talaga ang ulo ko, nadadamay sila at pinapatulan sila. So what kung bata sila? Mataas na ang sikat ng araw but here I am, finding for nothing. Nakakainis. Wala pa akong mapagtanungan kasi ultimong lalapit lang ako sa bahay nila, pinagsasara na nila ang mga pinto at bintana nila.

Okay, hindi na talaga ako welcome dito. Mas binilisan ko na lang ang paglalakad ko dahil para akong dumaang threat sa kabahayan na ‘to. Takot na takot yata. Napabuntong-hininga na lang ako bago lisanin ang lugar na ‘yun. Okay sa’n ba ako maghahanap? Ang laki-laki ng baranggay namin, sa’n ko ba hahanapin ang gagong ‘yun?

Sabi na kasing hindi ko siya hahanapin pero eto’t hinahanap ko na siya. Nakokonsensiya ako eh. Syempre sinundan niya ako kanina so parang kasalanan ko naman talaga kung bakit siya nawawala ngayon. I also appreciate his concern na sinundan niya pa talaga ako after naming mag-away ni Mama.

Pero sa’n ko ba kasi siya hahanapin? Ilang oras na nuong nawala siya. Malamang malayo na ang narating nuon. Damn it. Marami pa naman pasikot-sikot ang Baranggay namin kung kaya’t mawawala talaga ang mga baguhan pa lang rito. Hindi ito gaya ng ibang Baranggay na simple lang ang pasikot-sikot kasi iba ito eh. Maraming daanan, maraming pathways, para itong Maze kung susumahin. Ang mga taga-rito lang din ang nakakaalam ng pasikot-sikot ng lugar na ‘to. Kaya maraming nangyayaring krimen dito eh, maraming pwedeng daanan, taguan at tapunan. Marami din ang na-rarape dahil marami din ang talahiban sa Baranggay na ‘to.

Nasa sitio sais na ako nang matanawan kong may nagkukumpulanh kalalakihan sa di kalayuan. Nagtatawanan ang mga ito at mukhang may pinagti-tripan na naman. Napailing na lang ako dahil kilala ko na ang grupo ng kalalakihan na ‘yun, sina Ben at Yago, silang dalawang ang lider ng kilalang frat sa Baranggay namin. Sinubukan na nila akong akayin na sumali sa grupo nila subalit hindi ko ‘yun pinaunlakan. ‘Yun ang dahilan kung bakit sila ang mahigpit kong kalaban sa Baranggay na ‘to.

Minsan kapag mag-isa lang ako, they tried to pick a fight on me. At pareho kaming umuuwing bugbog sarado. Malalakas ang grupo nina Yago at Ben, pero sa taktika sa pakikipaglaban talo ko sila kung kaya’t kahit pa grupo sila, katapat lang nila ang galing ko. Hindi ko na sana sila papansinin dahil ayokong makigulo sa kanila dahil may hinahanap ako ngayon subalit napatigil ako nang makita ang pamilya na damit ng lalaking nakahandusay sa lupa.

My eyes grew bigger.

“What the?!” nangungulat kong bulalas. Hindi na talaga ako nagpatumpik-tumpik pa at mabilis na napunta sa pwesto nila. Malakas ko pang sinapak si Yago na akma sanang sisipain si Ryuu.

“Pucha!” malakas nitong mura dahil halos mapasubsob ito sa lupa. Napaatras pa ang ilan sa mga kagrupo ni Yago at masamang tumingin sa ‘kin si Ben na akmang aambahan na ako ng suntok.

“Problem mo, Aster?” galit nitong wika. “Hindi ka namin ginugulo.” sinuntok niya ako subalit mabilis naman akong nakailag at hinawakan ang malaking braso ni Ben. Tumalikod ako sa kanya habang hawak-hawak ko pa rin ang braso niya at malakas na malakas siyang binagsak sa lupa. “Ugh!” daing nito nang tumama ang ulo nito sa lupa.

“Problema ko? Binubugbog niyo ang kapatid ko.” madiin kong sabi, hindi ko alam kung bakit kapatid ang sinabi ko, siguro dahil ‘yun ang pinakaakma lalo na’t ampon siya ng pamilya namin. Matalim akong tumingin sa kagrupo nina Yago na napaatras nang makitang bagsak pareho ang lider nila. Malakas sina Ben at Yago, ang kaibahan lang nga, hindi sila marunong ng tamang proseso ng pakikipaglaban kung kaya’t angat ako sa kanila. Ang alam lang nila, suntok at tadyak. Pero ang tamang pagtiyantya, agility, lakas at taktika, wala sila kung kaya’t mabilis ko lang silang matalo. Tatayo pa sina si Yago nang mabilis na lumanding ang kamay ko sa batok niya making him fall asleep. Si Ben naman ay mukhang na-shock pa dahil sa pagtama ng ulo sa lupa at hindi makagalaw.

MARIGOLDTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang