Chapter 08

47 1 0
                                    

Wala talaga ako sa mood ngayong araw. Hindi ko pa naibubutones ang suot kong blusa at nakalabas pa ang suot kong sando bilang pang-ilalim sa blouse ko. Una sa lahat, ayokong mag-uniform, ikalawa, ayokong pumasok at ikatlo, badtrip akong nagising. Sabay-sabay ‘yun kung kaya’t wala talaga ako sa mood ngayong araw. Bad mood ako. Napabuga na lang ako ng hangin bago i-butones ang gitna ng blouse ko, walang pakialam kung nakalabas pa ang pang-ilalim ko. I also hate our school uniform skirt. Masyadong maiksi! Is this for real? Are they a school or what? Bakit masiyadong revealing ang uniform?

I know that nakikisabay lang sila sa uso, the trends, at ang kagustuhan ng mga mag-aaral. But, isn't it too much? 3 inches above the knee skirt? Kita na ang hita mo habang nakatayo ka, pa’no pa kapag nakaupo ka na? Eh mas kita na ang singit mo? Fudge! I hate it! Ano ba kasi ang pinapauso nila sa ganitong skirt? Ano pakitaan ng legs? Pakinisan? Paputian? O parevealing na masiyado? Hindi na siya sa formal school eh. Hindi na yata school ang papasukan ko kundi fashion studio na eh.

Mas gusto ko pa ang uniform gaya nuong sa Harry Potter, pero hindi naman actually ganun na may parang kapa ka pa kasi masiyado namang mainit sa Pilipinas. 'Yung tama lang sana sa klima ng bansa, pero hindi naman nagpapakitaan na ng legs. Gusto ko pa ‘yung uniform na mahabang palda then longsleeve na blouse. O pinagsama, 'yung parang dress na para babae pero hindi naman old fashion, 'yung nakakasabay naman sa trend. Hindi ‘yung ganito kasi, it's kinda revealing at sobra na.

Kumuha tuloy ako ng jogging pants at isinuot ‘yun bagaman may skirt na akong suot. I just hate showing off my legs. Baka ma-rape ako. At nandidiri na ako sa tuwing naiisip ko ‘yun.

“Izel, male-late ka na.” dinig kong sigaw ni Mama mula sa labas ng kwarto.

“Palabas na.” tinatamad kong sagot bago buksan ang pintuan. Naabutan ko kaagad si mama sa kusina pagkalabas na pagkalabas ko pa lang.

Kumunot na kaagad ang nuo nito nang makita ang ayos ko.

“Jusko namang ayos mong ‘yan!” malakas na sambit ni Mama. She looked at me helplessly, na para bang kaawa-awa akong bata na hindi pa kayang ayusan ang sarili. “Bakit labas pa ang sando mo? At skirt? Tapos naka-jogging pants?” napasapo pa sa nuo si Mama nang bumaba ang tingin niya sa suot kong pants. “Jusko naman, Zel.”

Napangiwi na lang ako bago ayusin ang butones ng blouse ko.

“Oh, ayan na.” balewala kong sagot kay Mama.

“Yang pantalon mo?” hindi makapaniwala niya akong tinignan. I shrugged my shoulder.

“Hindi ko 'yan huhubarin.”

“Ang sama sa paningin. Alam mo naman na ganiyan ang skirt niyo tapos magpapantalon ka? Ano ka manang? Pagtatawanan ka nila.” nagsisimula na namang pumutak si Mama. “Hindi bagay, Izel. Ganda-ganda mong dalaga tapos ganiyan ka umayos.”

Kumibit-balikat lang ako.

“Mabuti nga ‘yun. I won’t attract guys.” kaswal kong sagot kay Mama. Hindi makapaniwalang napasapo na lang ito ng nuo.

“The skirt is too revealing,” reklamo ko kay Mama. Tinalikuran ko siya at hindi ko na hinayaan pang magsalita siya uli. Hindi ko rin siya narinig na sinigawan ako dahil bigla ko na lang siyang tinalikuran which is nakakapanibago.

Mama started to act that way a days ago, nuong pagkatapos kong umuwi ng bahay galing sa paglalayas ko. Akala ko nga papagalitan niya ako nuong umuwi ako but I was wrong. She asked me instead if I was okay. Even Jethro was shocked at that moment, malamang, pareho naming hindi inaasahan na biglang naging ganun ang asal ni Mama sa ‘kin. Tapos nagtuloy-tuloy ‘yun ng ilang araw hanggang ngayon. Pinagsasabihan pa din ako ni Mama just like now, pero hindi na siya sobrang lala to the point na sinisigawan niya ako o sinasaktan.

MARIGOLDWhere stories live. Discover now