Chapter 05

57 1 0
                                    


MAAGA akong nagising kinaumagahan dahil nasabi sa 'kin ni Jethro na ipapasyal niya daw ako sa bukirin nila. Na-excite ako dahil bilang batang lumaki sa siyudad, bago sa 'kin ang mga bagay at tanawin sa probinsiya. Maganda at presko ang probinsiya kung kaya't tuwang-tuwa ako na makatuklas ng iba't ibang bagay at tanawin dito. Nasabi din ni Jethro na kung pupwede ay ipagpaliban na lang ang pamamasyal namin dahil sa mga natamo kong sugat subalit naging mapilit ako dahil nuong unang tapak ko lang sa bahay nila, iyon na anh gusto ko talagang makita at maranasan. Na sana, kahit sa ganitong paraan lang, maiwasan ko ang malungkot sa pagkawala ng mga magulang ko.

"Handa ka na ba?" bungad sa 'kin ni Jethro nuong nasa kusina kami. Katatapos ko pa lang maligo. Inaayos ko din ang band-aid sa sugat sa pisngi ko. Tumango ako kay Jethro, subalit nang makita ang pag-aalala sa mukha niya ay binigyan ko siya ng siguradong ngiti. "Okay ka na ba talaga? You know, pwede naman nating i-resched ang pamamasyal natin. Nakakapaghintay 'yan." dagdag pa niya. Umiling lang ako bilang sagot.

"Hindi. Okay na talaga ako. Mabuti nga 'tong magalaw-galaw ko ang mga muscle ko para naman mabawasan ang sakit." ngiting tugon ko. Nuong buhay pa kasi si Mommy, palagi niyang ibinibilin sa 'kin na dapat ang lalaking tulad ko, hindi bini-baby ang mga sugat o sakit. Kung kaya naman, i-galaw-galaw ang katawan para mainat ang mga muscle. Kung itutulog ko kasi 'to, mas matagal daw itong gagaling.

"Eh, pa'no kung makasalubungan natin 'yung nambugbog sa 'yo?" biglang tanong ni Jethro na nagpatigil sa 'kin. Pero kaagad din akong ngumiti ng matipid.

"Ayos lang naman, gusto ko nga silang kausapin."

Kumunot ang nuo ni Jethro, "Para saan?"

Ngumiti ako ng matipid, "May lilinawin lang." Binugbog kasi nila ako sa pag-aakalang manliligaw ako ni Aster eh. Kung malilinaw ko sa kanila na wala namang namamagitan sa 'ming dalawa, siguro hindi naman na nila ako guguluhin. Palagi kasing sinasabi sa 'kin ni Mama na mas mabuting ayusin ang away sa usapan kaysa away at paghihigante. Words and understanding is always better than violence.

"Hayst," bumuga ng hangin si Jethro.

"Ang ate mo nga pala?" bigla kong naitanong nang mapansin na wala rito si Aster. Palagi kong napapansin na halos wala siya sa bahay. Alam ko naman na ilag siya sa 'kin dahil sa pagigi kong bisita at bago sa bahay nila, pero sana naman, kahit paano masanay siya sa presensiya ko at hindi na niya ako iwasan. Gusto kong maging friendly sa kanya, gusto kong makuha ang loob niya, at gusto kong mapanatag ang loob niya habang narito ako sa bahay nila. Para naman kahit paano, masanay siya sa presensiya ko at hindi na palaging umalis sa bahay nila.

Kung parati siyang aalis sa bahay nila, baka mapano siya. At kung may mangyari mang masama sa kanya, malamang, may part duon na kasalanan ko 'yun. Why? Kasi kung hindi naman ako dumating sa kanila, hindi naman siya palaging aalis sa bahay nila.

"Wala si Ate. Sabi ni Mama, pumunta sa Lola ko."

Tumango ako sa naging sagot ni Jethro.

"Nakausap mo ba siya kahapon?" tanong niya pa.

Natigilan tuloy ako at napakagat ng labi.

"Hindi eh," bumuga ako ng hangin, "Ganun ba kasungit ang Ate mo?"

"Sa ibang tao, siguro." sagot ni Jethro, "Mabait naman talaga siya kung close kayo."

Kung magiging close pala kami, may chance na maging mabait siya sa 'kin. I'm looking forward to it. Pero una, kailangan ko muna siyang makausap at hayaang mapalagay ang loob niya sa 'kin. Kahit 'yun lang.

Matapos makapag-ayos ay pinuntahan na nga namin ni Jethro ang sinasabi niyang bukirin nila. Nawindang pa ako sa natuklasan na 'yung daang tinahak ko upang sundan si Aster ay parehas lang sa daan na tinatahak namin ni Aceter ngayon patungo sa bukirin nila. Nag-sink in tuloy sa isip ko na baka sa oras na 'yun, sa bukirin nila papunta si Aster. Maraming talahib at kukunti lang ang bahay, 'yon ang napansin ko habang naglalakad kami.

MARIGOLDWhere stories live. Discover now