Chapter 01

81 2 0
                                    

Inis kong binato ang notbuk ko kung saan. Napasandal sa upuan at inis na napasipa. Ilang beses akong bumuga ng hangin upang kalmahin ang sarili ko subalit bigo ako. Sa huli, pinagsasabunutan ko ang sarili ko. Paisa-isang binubunot ang buhok ko na nakasanayan ko nang gawin sa tuwing namo-mroblema, stressed o naiinis ako. It is an impulse disorder, ika nila. Pero malay ko at wala akong pakialam.

“Jan! Ano ba?! Buksan mo nga ‘to!” rinig ko ang ilang ulit na pagkatok ni Mama sa pinto ng kwarto ko subalit wala akong planong pagbuksan ‘yun. Mas sumimangot ako at inis na sinabunutan ang sarili. “Ano ba?! Janzel!! Binabalaan kita, kapag hindi mo binuksan ‘to malalagot ka talaga sa ‘kin!” mas lumalakas ang bawat katok ni Mama. Alam kong galit siya. “Janzel! Sumagot kang bata ka!”

Nagitla ako nang tila may malakas na humambalos sa pintuan subalit ipinasawalang-bahala ko din.

“Janzel!”

Nagsalubong ang kilay ko. Nagsimula na akong mainis. Naiinis ako sa paulit-ulit na tawag ni Mama. Naiinis ako sa paulit-ulit niyang pagtawag sa pangalan ko na may galit na tono.

Alam ko naman na nagagalit siya. At palagi na lang siyang nagagalit sa ‘kin because I’m a failure! Marami akong nagagawang pagkakamali at ang mas nakakainis pa, kapag nakakagawa ka naman ng tama. Makikita at makikita pa din nila na mali ‘yung ginawa ko. Gaya na lang ngayon, my mother was furious because I just beaten up Paul, the bastard. Anak siya ni Kagawad Grace, first kagawad. Nakakainis lang dahil I’ve just protected my friend Gia na muntik nang i-harass ng gagong ‘yun tapos nuong pinabaranggay kami, ako pa ‘yung mali? Putangina!

Si Mama naman, galit na galit sa ‘kin kasi hindi niya daw ako pinalaking bayolente. Siguro nasanay na siyang ako talaga ang black sheep ng pamilyang ito kaya alam niyang hindi ako gagawa ng tama. Black sheep na nga, bobo pa. Ang dalawa kong kapatid almost perfect eh, hindi naman sa pagmamayabang pero maipagmamayabang talaga nila ang personality at mukha nila. Bonus pa ang pagiging matalino ng dalawa, eh ako? Walang makuhang award simula kindergarten. Namulat na ako sa reyalidad nuong bata pa ako, kung matalino ka, mataas ang expectations sa ‘yo at sigurado ang pressure kaya sabi ko nuon, ayoko, ayokong masali sa honors.

Na-eenjoy talaga ako sa pagiging loko-loko at pala-aaway ko nuong bata pa ako. Na nadala ko hanggang ngayon. Masama na kung masama.

Pero kahit naman palaging masama at puro lang pagkakamali ang ginagawa ko, pwede bang intindihin niya naman ang side ko? Why I failed? Anong rason ko kung bakit ko ‘yun ginawa? Because, all of my actions, my reasons to do that is valid.

Humina ang katok ni Mama sa pintuan. Marahil napagod na siya. Salubong ang kilay ko habang nakatitig sa labas ng bintana. Naiinis ako na naawa sa sarili ko. Parati na lang ganito. Parati na lang mali. Malakas akong napabuga ng hangin, saglit pa akong natulala. Gan’yan naman ako palagi, kapag napapagalitan, palagi akong natutulala ng ilang minuto o kung minsan ay inaabot pa ng oras. Kaagad din akong napabalik sa sarili ko nang may maalala. Tumayo ako at naglakad papunta sa drawer ko upang kumuha ng ilang damit at magbihis. I need to check on Gia first.

Saglit pa akong natigilan. Paano nga pala ako makakalabas?

Aist, bahala na.

Lumabas ako ng bahay through my window. Nagpasalamat ako dahil mukhang nasa kusina si Mama, at wala ‘yung mga kupal kong kapatid. Nagdahan-dahan akong papunta sa bakod namin na gawa lang baman sa alambre kasi di afford kung sementado ‘yung bakod. Kahit may mga talim ‘yung alambre, I managed to sneak out. Syempre, naging hobby ko na yata ang tumakas sa tuwing napapagalitan ni Mama. Tapos babalik lang kapag malamig na ang ulo nuon.

Medyo malayo sa bahay namin ang bahay ni Gia, pero narating ko naman siya matapos ang ilang minuto dahil mabilis naman akong maglakad. Mahahaba pa ang bawat hakbang ko kasi mataas ako.

MARIGOLDWhere stories live. Discover now