Chapter 09

54 1 0
                                    

Wala naman masiyadong pinagawa sa ‘min si Ma’am Ali dahil umalis din ito kalaunan. Pinatawag kasi siya sa faculty dahil mukhang may pinaghahandaan pa ang mga teachers. Kaya naman naiwan kaming lahat dito sa room. May mangilan-ngilan na nagsilabasan at may iba namang nanatili sa room, depende na lang trip nila sa buhay. Ako, nagpa-iwan lang ako sa room dahil tinatamad ako. Sina Joven at Pierre ay mukhang lumabas na naman ng room, ewan ko sa dalawa kung saan ang punta nila. Kami lang ni Ecia ang naiwan dito at ang iba pa naming kaklase.

May iilang sumubok na makipag-usap at makipagkaibigan kay Ecia dahil friendly at approachable talaga siyang tignan. Habang ako naman eto, walang lumalapit. Kasi sa totoo lang, ang walang buhay kong mga mata ang nagtataboy sa mga kaklase naming gusto akong kausapin, especially ‘yung mga baguhan. ‘Yung mga kilala na ako, malamang hindi talaga nila ako lalapitan dahil trouble-maker ako, masungit at masama. Napatingin pa ako ng palihim sa pwesto ni Jiryuu, at hindi na ako nabigla nang makitang pinagkukumpulan siya ng mga babae at bakla. Edi wow. Napailing na lang ako sa isipan.

“Ajin, Ajin! Saang school ka?” tanong ng kaklase kong si Lorraine. Napataas ng kilay tuloy ako dahil sa tono ng pananalita niya, ‘yung parang inipit ang boses na hindi mo maipaliwanag. Pabebe kung baga. Sarap sampalin ng nguso niya.

“Sa dela Paz Academy ako,” nakangiti lang si Jiryuu. Ang friendly niya ah?

“Wow, sa’n ‘yan?” singit ng isa pang bakla. Nag-wow, means humanga siya, kung kaya’t ba’t niya tinatanong kung saan? Hindi talaga nagtutugma ang ilang words na ginagamit ng iba eh. Napaismid na lang ako sa isipan.

“Sa Novelita, Cavite.” duon din dati nagtatrabaho si Papa, no wonder kung duon nga siya nag-aaral dati. Sa totoo lang, hanggang ngayon, palaisipan pa din sa ‘kin kung ano ang totoong nangyari sa mga magulang ni Jiryuu at kung bakit wala siyang pwedeng puntahan, hanggang sa napadpad siya sa pamamahay namin. Kung saan nag-offer si Papa na rito na muna siya manirahan. His family was rich. Owner ng isang malaking trading, and as for him, being an only child means he will inherit his parents fortune. Kahit nga mamuhay siya ng mag-isa ay kaya niya. Why not? Malamang mayaman nga siya! He can buy anything he wants, he can support him. Malamang sakto na para sa pag-aaral niya ang balance sa bank account ng mga magulang niya, or baka nga sobra pa. That’s keep me wondering.

May mali talaga. May hindi ako alam.

Pwede namang kailangan niya ng support from other, or sa mapagkakatiwalaang empleyado ng Mom and Dad niya kasi sa bata niyang ‘yan, malamang maraming sindikato ang susubok na patayin siya to get his family’s fortune. And kahit pa ‘yung mga kamag-anak niya who’s greedy enough para gawin ang bagay na ‘yun. Whatever reason it is, I must know that. Hindi natatahimik ang isip ko.

“Whoah, ang layo mo pala rito. Akala ko taga-rito ka lang din eh,” dinig kong sambit ng isa kong kaklase. Hindi ko nga alam ang pangalan ng isang ‘yun because I have a trouble in memorizing and recognizing names. Tsaka, wala naman akong balak na alamin ang mga pangalan nila. That’s not important though.

“Taga-Cavite ka pa pala,” sabat pa ng isa.

“Matalino ka siguro dahil nandito ka sa section A ‘no?”

“Is that true na you can play guitar? Omg, you’re so cool kaya!”

Sunod-sunod na komento nila na nakapagparindi na naman sa tainga ko. Ang ingay nila at bakit ba masiyado silang interested kay Jiryuu?

“By the way, kaano-ano mo nga pala si Aster? I saw you two kanina, magkasama kayo.” dinig kong tanong ng isa pang kaklase ko, kumunot naman kaagad ang nuo ko sa narinig. Napahalumbaba sa mesa at nag-iwas sa kanila ng tingin. Yuck, baka iniisip nilang may something kami ni Jiryuu. “Is she your girlfriend?”

MARIGOLDWhere stories live. Discover now