Chapter 04

43 2 0
                                    


"Jiryuu," kaagad akong nag-angat ng tingin kay Tito Eon. He's been my father's employee for years. Kilala ko siya bilang mabait at loyal friend ng aking ama. Kaya naman nuong mamatay sila, siya kaagad ang lumapit sa 'kin to comfort me. "Pasensiya na." anito. Sa araw na nawalan ako ng mga magulang, siya ang tumayo bilang pangalawa kong ama.

Tumango lang ako.

"Okay lang po."

"Mahahanap din natin kung sino ang gumawa nito," bahagya niyang ginulo ang buhok ko. Sa mga oras na 'yun, wala na akong pwedeng puntahan. Wala akong malalapitan. Nasunog ang buong bahay namin. Marami ding utang sina Mommy mula sa mga shareholders nila at wala na akong magawa kung bawiin nila ang lahat ng shares ni Dad sa corporation. May natira pa naman sa 'kin. But, hindi 'yun magtatagal at mauubos 'yun.

Tito Eon insisted me to temporarily lounge at their house. Na hindi ko na matanggihan dahil wala rin namang ako mapupuntahan. Wala kong kilalang kamag-anak nila Dad. Nahihiya man ako pero ang sabi ni Tito, mas nahihiya pa daw siya kung hindi niya tutulungan ang anak ng kaibigan niya. Mabait naman ang buong pamilya ni Tito Eon. Lalo na ang dalawa niyang anak na si Arren at Aceter. Medyo ilag nga lang sa iba si Aceter pero ramdam ko ang pagiging mabait nito. Medyo istriko si Tita Aliya pero mainit na mainit ang pagbati niya sa 'kin nuong sinalubong nila kami sa terminal.

Natuwa nga ako at sinabi sa sarili na hindi ko bibiguin ang pamilya nina Tito Eon.

"May kapatid kaming babae," biglang sambit ni Kuya Arren. Nagulat pa ako sa sinabi niya dahil pagdating namin sa bahay nila, wala naman akong nakitang rito. "Pasaway at basagulera. Kasing-edad mo." dagdag ni Kuya, "Sakit sa ulo ni Mama." natatawa nitong dagdag. "Wina-warningan na kita na 'wag mong ma-offend ang isang 'yun." tumango na lang ako sa sinabi niya bagama't nawiwindang. Bakit babae pa tuloy 'yung basagulera sa kanila?

Marami silang pictures sa Salas. Nakita ko na maraming achievements si Kuya Arren. Maraming medals na nakasabit sa dingding, certificates na kadalasang champion o 1st placer ang makikita. Maraming trophies. Ganuon din si Aceter. Nagtaka talaga ako sa sinasabi nilang kapatid na babae dahil wala naman siyang picture dito sa salas. O sadyang wala lang talaga dahil wala itong achievements dahil tulad ng sinabi ni Kuya, basagulera ito at sakit sa ulo.

"Nitong nakaraan, she even made a big fight. Muntik na siyang mapakulong." dagdag na kwento ni Kuya Arren na ikinagulat ko. Kulong? As in kulong?! "Kinalaban niya kasi ang anak ng first Kagawad. Sinasabi niyang pino-protektahan niya lang ang kaibigan niya."

"Hindi naman po siya napakulong?" alala kong tanong. Kaya ba wala siya rito sa bahay kasi nakulong na siya? O nasa kustodiya na ng DSWD kasi kung kaedad ko siya, malamang minor pa lang 'yun.

"Hindi naman," bahagyang ngumiti si Kuya Arren, "Sa katunayan 'yung nabugbog niya ang nakulong. He deserves it anyway." ngumiti ito bahagya, "Imagine, nagawa niyang makahanap ng ebidensiya upang maipakulong 'yung nangharass sa kaibigan niya." nakangiting sabi pa ni Kuya Arren, nakikita ko tuloy sa mga mata niya kung gaano siya ka-proud sa kapatid. Napangiti na lang ako dahil hindi ko maiwasan ang humanga. She's awesome!

That very evening, lalabas lang sana ako sa terasa ng bahay nila upang magpahangin. Subalit nang buksan ko ang pintuan ay nagulat ako nang makita ang babaeng akma rin sanang bubuksan ang pintuan.

Bigla akong kinabahan but I manage to smile at her, shyly. Is she the sister of Kuya Arren? 'Yun kaagad ang pumasok sa isip ko. I was about to greet her when she suddenly turned her back, she ran off, leaving me behind.

"Gan'yan talaga siya," si Tita Aliya na nasa likuran ko, "She hates visitor." anito. Napatango na lang ako bagaman nag-aalala. Gabing-gabi na, saan siya pupunta? Baka mapahamak siya. Bigla ko tuloy sinisi ang sarili ko. If something happened to her, malamang kasalanan ko 'yun.

MARIGOLDWhere stories live. Discover now