Viara Madrigal

0 0 0
                                    

ANAYA POV

Nagising ako sa lakas ng alarm clock na nasa bandang uluhan ko nakalagay. Agad ko 'yong pinatay at bumangon sa kama kahit nananakit pa ang ulo ko.

Pagkalabas ko ay may pagkain na sa lamesa at may notes na nakasulat sa tabi.

(Kainin mo 'yan. Ayan talaga napapala ng magagaling lumagok ng alak. Inom pa)

"Wow, nice. I appreciate it wholeheartedly very much, nice nice" pagkabukas ko ng takip ng pagkain ay medyo may kainitan pa ang champorado agad naman akong kumuha ng bearbrand at evap para ilagay dun.

May timpladong hot chocolate na rin.

Tama, diabetic na ako pagkatapos ko rito.

Pagkatapos ko kumain ay naligo na ako at nagbihis ng pang opisina at kinuha na ang bag.

Tumingin ako sa orasan at hindi pa naman ako late, kaya lumabas na ako ng condo at dumiretso sa kompanya.

Habang nasa escalator ay kinuha  ko ang cellphone ko para kunware busy ako.

"Good morning Ms Shimen— oh ba't parang ang tamlay mo? Puyat ka ba?" Bungad sakin ng isang ka trabaho habang naglalakad ako papunta sa department

"Medyo. Birthday kasi ng kapatid ko kahapon kaya nagkaayaan mag inom" ngiti kong sagot. "Uh, good morning nga rin pala, sige mauna na ako" sabi ko bago pa may magawang istorya ang mga nakakakita samin.

As much as possible, hindi ako masyadong kumakausap ng mga lalaking katrabaho dahil kahit saglit lang kami nag uusap ay may nagagawang haka-haka na ang mga nakakakita aamin.

"Woah so puyat ka? Nag inom? Imposibleng walang nangyaring iba bukod sa makatulog ka matapos mag inom" and the reason of all the shit I've been going through for all fucking years was this woman.

Tumigil ako sa paglalakad at humarap sakanya. "Can you just please shut your freaking mouth? Bakit hindi ka na lang magtrabaho dun, kaysa intindihin ang buhay ng iba" pabulong kong sabi dahil ayaw kong magka commotion dito dahil sa simpleng pag uusap lang dapat namin.

Napangisi s'ya. "Why should i shut my precious mouth if all the words that came out from THIS FREAKING MOUTH you said was all real?" Sunod na itinutok n'ya sa mukha ko ang cellphone nya na ang nasa screen ay may litrato namin ni Koen habang karga ako sa likod n'ya— ito yata nung bumagsak na ako kagabi sa kalasingan. "Well, it just happened na may friend ako sa building na inaya akong tumambay sakanila then nung papauwi na ako nakita ko kayo"

Alam kong mag mumukha akong guilty kapag inagaw ko sakanya ang cellphone o tingnan man lang sya ng masama kaya nginitian ko na lang sya ng matamis.

Itinaas ko sa harap nya ang daliri kong may singsing. "Oh, tamang tama! Can you send me that picture. Para kasing ang cute asarin ng ASAWA KO ngayon" pabulong ngunit madiin ang pagkakabanggit ko bawat salita para mahimasmasan s'ya. "Wala ka na bang kailangan MS VIARA MADRIGAL? Kung wala na, then i shall excuse myself na kasi may aasikasuhin pa ako, hihintayin ko na lang yung photo ha?" Kininditan ko ito bago talikuran.

Ngunit hindi pa ako nakakalayo ay nagsalita sya.

"Asawa huh? Tingnan lang natin kung tatanggapin ka pa rin n'yan kapag nalaman kung gaano ka karuming babae— well nandito naman ako para i-comfort s'ya pagnagkataon, tamang tama at s'ya ang ideal guy ko. Thanks for finding that guy for me ha"

liningon ko sya at nagkatitigan kami ng ilang segundo, di kalaunan ay nginitian ko s'ya. "Welcone"

Viara Madrigal, the marketing manager and the second daughter of well known Architecture Vhong Madrigal and Famous Artist Hazel Madrigal.

And also my ex friend.

Sa pag trabaho n'ya pa lang sa pinagtratrabahuhan ko ay halata na ang intensyon n'ya; ang guluhin ang buhay ko.

"Sama ka Anaya? Bibili kami ng milktea sa labas" umiling ako

"Ay sya bilhan ka na lang namin ng paborito mo, libre ko na" ngiting sabi ni Ayesha at lumapit kay Piolo

Kailan pa naging ganto ka close ang dalawang 'to?

Umiling iling na lang ako at tumayo para lumabas dahil mukhang kailangan kong makalanghap ng sariwang hangin, makita pa lang sa umaga si Viara ramdam ko na ang ka toxic-an ng hangin sa loob ng mundo.

Dumiretso ako sa smoking area at kinapa sa bulsa ko ang lighter at kumuha sa lalagyan ng isang stick ng sigarilyo.

Pagkabuga ko ng usok na gawa ng sigarilyo ay sumulpot sa harap ko si Koen na nagsimula nang umubo dahil sa usok kaya agad kong binigay sakanya ang panyo ko para ipangtakip sa ilong n'ya

Anong ba'ng ginagawa ng isang 'to rito?

Kasabay nang pagkuha n'ya ng panyo ay ang pagkuha nya rin ng sigarilyo at kamay ko.

"Bakit, Boss Koen? Anong kailangan mo?" Tanong ko pagkatapos n'yang itapon ang sigarilyo sa basurahan pero di pa rin n'ya binibitawan ang kamay ko.

Napatingin s'ya sakin at pinitik ang noo ko. "Smoking is bad for health, Woman"

"Ganun?"

Napabuntong hininga na lang sya. "K-kilala mo ba yung Manager sa marketing team?" Tanong n'ya.

Ow, mukhang totoo ngang makarisma si Viara...

"Yes, gusto mo i-set ko kayo ng date?" Nakangiti kong tanong.

Napawi ang ngiti kong nang talagang sumagot s'ya ng "yes"

Kinuha ko ang kamay ko sakanya at muling ngumiti. "'kay, I'll book a table for you two to the restaurant that papa owned. T-text ko na lang sya na gusto mong makipag kita sakanya" pagkasabi ay nauna na akong naglakad kay Koen.

Dumiretso ako sa department nila Viara.

"You win again bitchy, balitaan mo ako kung sabihin ni Koen na gusto n'ya nang humiwalay sakin at nandidiri na sya" bungad ko sakanya at linapag ang adress ng restaurant, nangunot ang noo n'ya habang nakatingin sakin ngunit di kalaunan ay ngumisi rin.

Bubukas pa lang ang bibig nya nang talikuran ko na sya at lumabas na  dahil parami na ng parami ang pumapasok.

Hindi ko naman talaga dapat hahayaang mapalapit si Koen kay Viara dahil alam kong ang saktan ang kalooban ko ang tanging nais ni Viara na mangyari, pero sa ngayon hahayaan ko na lang muna sila at saka na gigitna kapag nasasaktan na ni Viara pati si Koen na dapat ay labas sa away namin.

Tinext ko si papa na ang patungkol sa reservation ng table for two ngayong gabi, kaya di ko na aasahan na may madadatnan akong Koen sa condo.

Didiretso tulog na lang ako pagkatapos kain mamaya at hindi na s'ya hihintayin pang umuwi, tama tama.

"Good night, Anaya. Have a sweet dreams" ngiting sabi ni Liam nang nasa harap na kami ng building.

"You too, have a safe ride" ngiti naman s'yang tumango at pinaandar na ang motor n'ya.

Mukhang umaasenso na 'tong si Liam ah.

Nasanay na rin akong lagi hinahatid ni Liam pauwi, pero tuwing nadadatnan ko si Koen ay mukha syang may dalaw at sumusunod sakin hanggang sa pumasok na ako sa kwarto ko at i-t-text ako na. "Ang sarap maglakad 'no?"

Pagkauwi ko ay wala nga akong nadatnan na Koen kaya naglinis na lang ako ng katawan at nag order ng grab dahil tinatamad akong magluto.

Habang hinihintay ang grab ay pumunta muna ako sa sala para manood ng paborito kong palabas.

Sa kalahating minutong paghihintay ay dumating na ang grab.

Kinain ko ang in-order ko pero nagtira pa rin ng iilan, baka sumbatan ako ni Koen na kung s'ya nga ay nililibre ako palagi tapos ako hindi manlang sya binibigyan ng binibili ko.

Hindi ko na napansin ang oras dahil sa pelikulang pinapanood ko na ipinapalanbas sa kabilang channel pagkatapos ng palabas na sinusubaybayan ko.

Tawa lang ako ng tawa pero pagkatalastas ay nakaramdam ako ng antok sa paghihintay pero pinipilit ko pa rin ang sariling maging gising.

LET'S GET MARRIED!Where stories live. Discover now