Mothers love

0 0 0
                                    

ANAYA POV

"Pa, pwedeng tanggapin mo na lang po na wala na si Mama?" Pambabasag ko sa katahimikan, napatingin naman silang tatlo sa'kin. "Tanggapin nyo naclang po na hindi na sya babalik sa'tin, pwede ba yun Papa? More than twenty years na po s'yang wala sa'tin" bigla ata akong nabusog kaya uminom na lang ako ng tubig at tumayo

"Ate naman..."

"Nga pala, Mama Eliya. Sa palagay ko tama na po ang lahat nang ginawa n'yo po para samin. Malaki na po kami, kaya na po namin tumayo sa sarili naming paa ngayon. Also, kahit si papa. Pwede naman na sya namin alagaan ni Noah, kaya po bumalik na po kayo sa asawa't anak n'yo... They also waited for you to come home. Unlike kay Papa na there's no more Mrs. Amara Noara Shimen ang babalik sakanya kahit kailan" seryoso kong sabi. "Your husband and son, Mr. Seiyu and Kairo waiting you for a long time. Umuwi na po kayo sakanila. Nung bumisita ako sa Restaurant, the first person welcomed me was Mr Seiyu, and asked 'Watashi no tsuma, eriya wa genkidesu ka? Kanojo no taichō wa ryōkōdesu ka? Kanojo wa daijōbudesuka? (How is my wife, Eriya? Is she in good health? Is she okay?)'." Panggagaya ko sa mismong tinanong ng asawa nito.

"Anaya, please. Stop" mahinang sabi ni Mama Eliya.

"Siguro naman po enough na ang more than twenty years para mapatunayan na ikaw lang ang minahal ni Mr Seiyu at wala syang kahit sinong babae sa buhay nya"

"Y-yes, that's enough. Kaya nga tumatawag ako sakanila every free time nila"

"But that's not enough po. Siguro nga masaya sila sa tuwing tumatawag ka sakanila pero mas sasaya sila kapag nasa tabi ka na nila. Alam mo po? Whenever i get close to them, my heart feels so heavy... knowing na ako yung nakakaramdam ng pagmamahal at pag aaruga n'yo na dapat sakanila... Alam ko po, namin ni Noah at Papa ang pakiramdam ng pinagkaitan ng pagmamahal ng isang ina, pero ang kaibahan po ng sitwasyon namin sakanila ay ang ina namin ay patay na habang ang kanila ay buhay pa at nasa ibang pamilya nagpapaka nanay" napaiwas ng tingin si Mama Eliya.

Lumapit sakin si Noah at niyakap ako. "Tama na Ate, buhay nila yan. Let them decide what they want to do, they're already old. Older than us to well know what's the best thing to do"

"Eriya, this time sasabihan na rin kita kahit ate kita. Tama si Anaya, bumalik ka na sakanila. Kaya ko na, wag kang nang makonsensya sa mga nangyari noon, wag mo nang sisihin ang sarili mo at hayaan mo nang maging masaya ka" sabi ni Papa.

Napatingin kami kay Mama Eliya at ilang saglit ay umalis sya sa lamesa. "Then, is it okay if leave this house? If i leave all of you?"

"Yes, very okay" ngiting sagot ni Noah, na tinanguan ko naman at ni Papa.

"Pero gabi na, hatid ko na po kayo" ngiting sabi ko at pinunas ang luha ko sa damit ni Noah.

Umiling si Mama Eliya. "Susunduin nila ako" ngiti n'yang sabi at sa huling pagkakataon ay dumaloy muli sa mukha ng haponesang pangalawang anak ng pamilya Shimen ang dalisay na luha.

Nasa tenga nito ang kanyang cellphone habang papalabas na may ngiti sa labi.

Nang magsara ang pinto ay si Papa naman ang t-target-in ko, pero alam kong mabibigo lang ako buksan ang puso at isip nya.

Alam ko namang nakasarado na ang puso nito at tanging si Mama, ang tunay naming Ina lang ang makakabukas nito. Wala nang iba.

"Pa, please stop being Hachiko" sabi ko nang tumabi s'ya sakin at tumulong sa paglilinis.

"Alam mo naman siguro ang sagot ko d'yan, Anaya anak hindi ba? I love your mother so much, na kahit ang kaluluwa n'ya ay nanaisin kong makausap nang walang takot"

"I know, ayan ang isasagot mo. Tatay kita e" ngisi kong sabi.

"Paniguradong babalik na rin ang pamilyang yun sa Japan" sabi ni papa na tinutukoy ay sila Mr. Seiyu.

LET'S GET MARRIED!Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu