"My what? My husband?!"

0 0 0
                                    

ANAYA POV

"Kringg kringg"

Naalimpungatan ako dahil sa tunog ng alarm clock, kaya kahit ayoko pang bumangon dahil sa sakit ng ulo ko ay napabangon ako ng wala sa oras.

Pinatay ko ang alarm clock na apat na metro ang layo mula sakin, sinasadya ko talagang layuan ang alarm clock mula sakin para mapilitan akong bumango.

6:30 na ng umaga kaya may 30 minuto na lang ako para mag ayos.

Naligo lang ako saglit, nag toothbrush at naglagay ng sunscreen at lip balm pagkatapos nagbihis na.

Di ko na inabala ang sarili kong mag makeup dahil wala na akong oras at di rin ako sanay na mag kolorete.

Halos patakbo akong lumabas sa condo at di na inabalang mag kotse dahil ilang store lang naman ang pagitan ng company building sa building ng condo na tinutuluyan ko.

Nag kotse lang ako kahapon dahil sa pinuntahan ko ang dati naming bahay at ang kasalukuyang bahay ng pamilya ko, akala ko kasi kung ano nang importanteng pag uusapan yun pala nauwi lang sa pag aasawang topic.

Saka nagpaalam din ako sa manager na baka hindi ako makapasok o ma-late ako kahapon.

Mabilis kong tinakbo ang papasok sa elevator bago iyon magsara.

Bakit? Aabalahin ko pa ba ang sarili kong maghintay nang pagbaba muli ng elevator kung pwede ko namang abutan?

"Good morning, Shimen" bati sakin ng isa sa katrabaho ko sa departamento.

"Good morning din, Piolo" bati ko habang mabilis pa rin ang tibok at paghinga ko dahil sa pagtakbo.

Hindi pa naman lumalagpas sa kalendaryo ang edad ko pero mukhang maaga akong mamamatay.

Napatawa ito. "Late ka na naman ba nagising, Shimen?" At inabutan ako ng mineral bottle. "Uminom ka muna, para kang hinabol ng apat na kabayo e"

"Wala 'tong lason?" Paninigurado ko.

"Garantisadong walang lason yan"

Ilang saglit pa ay bumukas na ang elevator sa 8th floor kung sa'n ang departamento ko, namin ng kasama ko.

"Good morning, Anaya at Mr Guevara- ay teka ano yan? I smell something fishy ha" bungisngis ni Ayesha, isa rin sa katrabaho ko sa department at kaharap lang ng office desk ko.

"Hayaan mo hindi ko aagawin sayo si MR PIOLO GUEVARA" pabulong kong sabi nang dumaan ako sa harap nya.

Dahil magkatapat lang ang office desk namin ni Ayesha ay inabutan nya'ko ng sticky note.

"Sabing huwag maingay, Anaya e"

Nakasulat sa sticky note na binigay n'ya kaya naman tahimik akong napabungisngis at kumuha ng isang pirasong sticky note at nagsulat din.

"Halata ka naman, Ms Ayesha Ramos. No need to hide na, just damoves ka na lang"

Sulat ko at binigay iyon sakanya, drawing pa yun na naka wink na emoji.

Napabuntong hininga na lang ako at nag unat muna ng katawan bago simulan ang trabaho.

Noong nakaraang buwan lang ay na promote ako bilang assistant manager pero kinausap ko ang manager at pinakiusap na sabihin sa HR na tanggalin ang pangalan ko bilang assistant manager.

Ang dahilan? Ayokong magdagdagan ang gawain ko, hindi naman masama maging assistant manager dahil madadagdagan ang sweldo ko pero naisip ko na may mas karapat dapat pa sakin na employee dito sa marketing team na ma promote.

LET'S GET MARRIED!Where stories live. Discover now