The first time i met him

2 1 0
                                    

THIRD PERSON POV

"Let's get married" huling sambit ni Anaya bago ito tuluyang makatulog.

"Let's get married, huh?" ngising sabi ng lalaki at inayos ang nakaharang na buhok sa mukha ni Anaya at tinanggal ang coat nya para ipatong kay Anaya.

Ilang saglit lang ay dinapuan din ng antok ang lalaki, ngunit naalimpungatan din nang gumalaw si Anaya.

Muntikan pang mahulog si Anaya mabuti nalamang at agad na nahawakan sya ng lalaki.

Ngunit naging dahilan yun para maalimpungatan din si Anaya.

"Gising ka na pala, kupidang stupida" bungad ng lalaki pagkadilat ni Anaya.

ANAYA POV

Bakit ba parang ang tigas ng higaan ko?

Tatagilid na sana ako nang bigla kong maramdaman na may humawak sakin.

Dahan dahan kong binuksan ang mata ko at una kong nakita ay ang masilaw na ilaw ng poste.

"Gising ka na pala, kupidang stupida"

Agad dumako ang tingin ko sa nagsalita at nakitang nakayuko itong nakatingin sakin kaya agad akong tumayo.

Dun ko lang napagtanto na nasa labas pala ako at may coat pang nasa sakin.

"Akin yan" kuha ng lalaki sa coat.

Tiningnan ko ang lalaking nasa tabi ko at inusisa, pero agad ko rin'g tiningnan ang sarili ko at chineck ang damit ko.

"Ikaw ha, anong ginawa mo sakin?" Inosenteng mukha lang ang tinugon nya. "Di naman ako magagalit kung sasabihin mo ang totoo" natamis na ngiti kong sabi.

Tiningnan nya lang ako na para ba akong werdo.

"Wala akong ginagawa sayo, baka ikaw pa nga ang magtangka sakin e"

"Wow, coming from stranger hotty boy ha" ningkit kong sabi at napahawak sa ulo ko dahil sa sobrang sakit.

"Bago mo ako i-compliment, uminom ka muna ng gamot. Bago pa magbago ang isip ko at dalhin ka sa police station" sabi nya at inabutan ako ng tubig at gamot.

Pagkakuha ko ng gamot ay napatingin ako sakanya at hawak hawak nya na ang cellphone nya habang tutok na tutok dun.

"Pag 'to lason, ikaw isusunod ko sa libingan ko"

"...."

Ngek?

"Anaya, sigurado ka sa sinabi mo kanina?" Agad akong napatingin sakanya matapos kong uminom ng tubig dahil unang una sa lahat pano nya nalaman pangalan ko? Pangalawa anong sinabi ko?

"Ha?" Papikit pikit pa ako dahil hindi ko talaga maalala, naamoy ko rin sa bibig ko ang amoy ng beer at sa kabilang tabi ng lalaki ay dalawang lata na bukas na beer. "W-wag mong sabihing, may ginawa talaga tayong kababalaghan? Ay jusko lord, di pa ako kasal pero nakagawa na ako ng kasalanan, patawarin nawa ako" sabi ko at nag sign of the cross.

Nang pitikan ako sa noo ng lalaki.

"Pinagsasabi mong stupida ka?" Walang gana nyang tanong at binalik muli ang tingin sa cellphone.

Nginitian ko lang sya, nangangalaiting ngiti habang hawak ang noo ko.

"Pero saglit, nilait mo ba buo kong pagkatao kanina? Ako? Stupida?"

"Oo, kasing tunog kasi ng self proclamation name mo. Kupida"

"Kupida... Stupida.... Ano yun?" Tanong ko sakanya.

Napabuntong hininga sya at umiling.

Kaya naman napaisip ako.

"Maiwan na kita" napatingin ako sa lalaki

LET'S GET MARRIED!Where stories live. Discover now