Normal

1 0 0
                                    


ANAYA POV

Nasa tabi ko si Koen pero isang metro ang pagitan namin, nasa magkabilang sulok kami ng kotse.

Habang si Mr Dermein naman ang nagmamaneho at may isang kotse ang nasa unahan namin na sinasakyan ng mga tauhan ni Koen.

Tiningnan ko si Koen at nakasimangot lang sya habang nakatingin sa labas.

Napalingon sya sakin at parang batang nagtatampo sa nanay.

Nginitian ko lang sya at agad na kinuha ang cellphone ko para tawagan si Cassy.

"Uh Mr Dermein, may Airpods ka ba?" Kalabit ko rito habang nagmamaneho sya.

Ilang sgalit lang ay inabot nya sakin ang lalagyan ng Airpods at agad ko na kinuha sa lalagyan ang Airpods at kinonnect sa cellphone ko.

Pagkatapos ay sinuot ko na't dinial ang numero ni Cassy.

Nag r-ring ito hanggang sa sagutin na ni Cassy.

["Nasan ka, Ma'am Aya? Kanina ka pa namin hinahanap, wala ka rin dito sa labas"] agad na sabi ni Cassy mula sa kabilang linya.

["Uh, pasensya na. Nauna na akong umuwi, may kakilala kasi akong inaya akong sumabay sakanya. Hindi ako maka-hindi—"]

["Pero dapat nagpaalam ka pa rin samin, Boss Aya"] si Mr Fuego.

"Kakilala? Ganun lang? Hindi ka maka-hindi? Sabihin mo lang ibabalik ka namin sa Mansyon" napatingin ako kay koen na bumubulong-bulong habang naka dungaw sa bintana.

["Hindi, ayos lang naman. Di naman 'to masamang tao, Mr Fuego. Pakisuyo na lang ng gamit ko bukas sa cond-"]

"Dermein, balik tayo sa Mansyon, kukunin natin naiwan na ga-" agad kong tinakpan ang bibig ni Koen sa kaingayan nya.

["Lalaki ang kasama mo, Boss Aya?!"] Napa buntong hininga na lang ako sa reaksyon ni Mr fuego, ganun din dahil kay Koen.

Sinenyasan ko si Mr dermein na huwag na lang intindihin si Koen at dumiretso lang sa Airport.

Kinuha ko sa kabilang tenga ang Airpods at nilagay sa tenga ni Koen para manahimik sya at makinig na lang.

["Ha ano yun? May lalaking kasama si Ms Anaya? Akin na nga 'yang cellphone— hello Ms Anaya, bakit sumasama ka na lang sa kung sino. Patay kami kay Sir Jio kapag nalaman na may kasama kang hindi namin kilala"] sabi ni Hans sa kabilang linya.

Kinausap ko na lang sila na huwag na masyadong maging nerbyosa(o) at umuwi na kaagad kapag natapos na ang party, at tatawag ako kinaumagahan kung nasan sila isa isa.

["Sige na, ibababa ko na 'to. Mag ingat kayo sa pag-uwi"] sabi ko at binaba na ang tawag pagkatapos ay humikab.

Tumingin ako kay Koen na tahimik na nakatingin sa labas habang nakikinig, kaya nag play ako ng kanta at sinandal ang ulo ko.

Di ko na kinuha ang Airpods sakanya dahil baka magsalita na naman sya o ano, at least alam nya anong pinapakinggan ko o ginagawa sa cellphone.

Sa muling pagkakataon ay napahikab ako kaya naman sinara ko na ang talukap ng mata ko.

DERMEIN POV

Napatingin ako sa salamin at nakitang nakatulog na si Ma'am Anaya.

Napatingin ako kay Sir Koen na sumenyas na huwag maingay at sinabing "shh" habang nasa balikat nya ang ulo nito at natutulog

Napabuntong hininga ako at pinabayaan na lang sila.

Ilang saglit lang ay nasa Airport na kami.

Pinamaneho ko sa isang tauhan ni Sir Koen ang kotseng minaneho ko kanina at pinaalalahanan sila.

LET'S GET MARRIED!Where stories live. Discover now