The next day

0 0 0
                                    

ANAYA POV

Napa dighay ako pagkatapos ko uminom ng softdrink matapos kong kumain.

"Ang sarap talaga ng luto n'yo, Mama Eliya" ngiti kong sabi.

"A. NA. YA" madiing pagkakabigkas ni Mama Eliya sakin.

"Teka Ate Anaya, parang namumukhaan ko sya e. Di ko lang alam kung kailan at saan— pero hanga ako sayo, ang bilis mong makakuha ng papakasalan" sabi ni Noah.

"Oo naman, 'sing bilis mo magpalit ng girlfriend" ngiti kong sabi at kumindat.

Napangiwi naman si Noah.

"Koen Niko Gelves, po" pagpapakilala ni Koen kanila Mama at papa, ganundin kay Noah.

"Koen Niko Gelves...?" Seryosong tanong ni papa, parang biglang nagkatensyon ang buong bahay sa tono ni papa. "Welcome Koen! Ikaw na bahala sa anak kong 'yan!"

"Ngayong natitigan kita nang matagalan ay naging pamilyar na sakin ang pangalan mo, ikaw siguro yung pinakilala sakin ni Anaya noon na batang naka confine sa high class na hospital na laging tumatakas para makipaglaro sakanila. Tama ako hindi ba?" Sabi ni mama.

"Opo" ngiting sagot ni Koen.

"Ikaw Anaya ha, hindi mo sinasabing may boyfriend ka na. Kaya ba sinabi mong patay na ang batang 'to kasi ayaw mong malaman namin na gagawin mong boyfriend at asawa sya paglaki mo?" Baling ni Papa sakin, sinamaan ko na lamang sya ng tingin.

Mata sa mata, ngipin sa ngipin.

"Oo nga, ikaw nga yun! Naalala mo ako? Ako yung minsang kasama ni Ate Anaya noon" turo ni Noah sa sarili.

"Oo. Noah Xian, diba? Ang laki mo na" ngiting sabi ni koen at ginulo ang buhok ni Noah.

"Oo nga, ang laking babaero" sabi ko.

Tiningnan ako ng masama ni Noah pero walang gana akong nag peace sign sakanya.

"So kailan ang kasal nyo? O baka naman nagpakasal na kayo nang hindi namin nalalaman, ha Anaya?"

Kinuha ko ang kamay ni Koen.. "Already married" ngising sagot ko kay Mama Eliya at tinaas ang kamay namin ni Koen na may singsing at tumayo. "Sige na po, aalis na ang may asawa nyong anak kasama ang ASAWA nya" ngisi kong sabi at hinila na si Koen paalis.

"'San mo na balak pumunta?" Napahinto ako at tiningnan si Koen.

"San pa ba? Edi uuwi sa condo ko" walang gana kong sabi at himikab habang pinapaikot sa daliri ko ang susi ng kotse.

Nang hablutin ni Koen ang susi at mabilis na pumunta sa driver's seat at sunod na binuksan mula sa loob ang kabilang pintuan.

"Ako na magmamaneho"

Wala sa sa mood akong pumasok at umupo.

Mukhang nagustuhan nya ang sasakyan ko ah, siguro cheap lang kanya? Umangat na ba ako kahit unti sakanya.

Mahina akong napatawa sa kaisipang iyon.

Napahinto ako nang bigla syang lumapit sakin, kaunti na lang at magdidikit na ang mukha namin.

"A-anong g-ginagawa mo?
Kahalayan yan Koen... Ha ha ha ha" umayos ang pagtibok ng puso ko nang lumayo na s'ya.

"Pagpatuloy mo na tawa mo, nilagyan lang kita ng seatbelt baka makalimutan mo kakatawa. Kasalanan ko pa kung bigla tayong maaksidente tapos ikaw unang mamatay"

Napahiya ba ako? No, big NO.

"Niko, ito genuine na tanong ha. Bakit parang palati kang nagkikimkim ng galit sakin?"

LET'S GET MARRIED!Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang