Fall

1 0 0
                                    

ANAYA POV

Pagkadampi ng labi ni koen sa ilong ko ay agad s'yang lumayo sakin at kita sa mata at kilos n'ya na natataranta s'ya.

"S-sorry, Anaya" ani'ya at pinangpunas sa ilong ko ang damit n'ya habang namumula ang mukha nito.

"Ayos, ayos ka Koen"

"Sorry na nga e... Ikaw kasi bigla bigla ka na lang bubulong na parang demonyo sa tabi ko" sabi n'ya habang pinupunasan pa rin ang ilong ko.

Hinawakan ko ang kamay nya at binaba ang kamay n'ya. "Tama na, para kang timang. Parang yun lang, buti kung lips to lips. Dapat nga ikaw ang nagpupunas ng bibig d'yan sa pagiging oily ng ilong ko"

Hinawakan n'ya ang ilong ko at pinisil, pagkatapos tiningnan ang daliring pinangpisil n'ya. "Wala naman... Saka hindi kita nakikitang oily"

"Complimemt yun?"

"Ikaw bahala"
Kibit balikat n'yang sagot at agad na pumunta sa niluluto nya.

Pansin ko na tanging sa mukha ko lang talaga s'ya nakatingin.

Talagang bang b-bother s'ya sa suot ko? Buti kung nakahubad ako.

Napabuntong hininga ako. "Magpapalit lang ako, hihiramin ko yung damit mo ha. Ikaw nagsabi" di ko na hinintay na sumagot sya at naglakad na papunta sa kwarto n'ya.

Hindi pa ako nakakapsok sa kwarto n'ya maliban nung pinatulog n'ya ako rito dahil sa kalasingan ko nung araw na nag propose ako.

Syempre gaga ako e.

Agad kong binuksan ang closet n'ya at naghanap ng pwedeng suotin.

Kung krimen lang ang pag-amoy sa damit ng ibang tao higit sa isang minuto baka nasa kulungan na ako.

"Pero parang may kulang?" Bulong ko habang inaamoy ang damit. "Tama, si Koen ang kulang. Iba pa rin kapag nahaluan na ng amoy n'ya ang amoy ng damit n'ya" sabi ko at sinuot na ang t-shirt.

Sinara ko na ang closet at nilibot ang paningin, minsan lang ako makakapasok sa kwarto n'ya kaya i-g-grab ko na ang opportunity na manghalungkat.

Nakuha ng atensyon ko ang isang maliit na box na nakapatong sa tabi ng picture frame.

Nakalagay sa picture frame ang litrato ng batang sya at magulang n'ya.

Hindi maikakaila na ang gwapo at ganda ng mga magulang n'ya.

"Bakit wala kuya n'ya rito?" Tanong ko at kinuha ang litrato. "Bakit imbes na mamangha ako sa litrato nila parang nalulungkot pa ako sa paraan ng pag ngiti nya?"

Napansin ko na parang may litrato pa sa likod ng litrato sa picture frame kaya binuksan ko yun at nakita ang litrato naming magkasama nila Koen, Joana at jerome nung mga bata pa kami.

Pinagkumpara ko ang Koen sa litratong kasama ang pamilya n'ya at Koen na kasama ang dati n'yang kaibigan.

Mahahalatang iba talaga ang ngiti ng Koen sa dalawang litrato, ang isa ay tila pilit habang ang isa ay genuine at ngiti talaga ng mga musmos.

Agad ko nang binalik sa picture frame ang dalawang litrato at nilagay sa pinagpapatungan niyon.

Sunod ko namang tiningnan ang maliit na box at binuksan, bumungad sakin ang singsing na may diamond sa gitna— sa yaman ni Koen di na nakakagulat na kaya n'yang bumili ng tunay na diamond ring.

Kukunin ko sana ang singsing para sukatin kaso sumama ang foam na nilalagyan at may nakita akong papel na nakalagay sa baba ng foam kaya agad ko yun kinuha at binuklat.

LET'S GET MARRIED!Where stories live. Discover now