at the event

0 0 0
                                    

ANAYA POV

"Wow Ms Aya! Even this dress are not that expensive, it still look expensive on you" Pagpuri sakin ni Luciana Collazo, sya yung kaninang kausap ni Mr fuego at sinabi sakin na big fan ko s'ya.

"Im disappointed... I didn't expect to see you here Ms Aya, at mararanasang piliian ka ng maisusuot. Edi sana dinala ko ang pinaka mamahalin kong dress para ma-justify manlang ang kagandahan mo..."

"That's okay girl, kahit ano namang suotin n'yan ni Boss Aya bagay sakanya. Nagmumukha pa ngang mamahalin kahit galing ukay ukay lang e" ngiting sabi ni Piyang.

Ang mga lalaking Chef ay nagbihis din ng tuxedo na pinadala ni Mr fuego at nauna nang tumungo sa main hall, talagang inaasahan ni Mr Fuego na makakasalo rin sya sa event.

"Ms Aya, can i put some make up on your goddess-like face?" Grabe naman yata pumuri ni Luciana? "Don't worry, my makeup are all expensive that definitely can justify your pretty face!"

"O-okay? Pero pwedeng parang natural lang?"

"Edi parang hindi ka rin nag make up nun, Ma'am Aya" sabi ni Piyang.

Umiling si Luciana. "No, that's okay" ika nya at masayang binuksan ang make up kit nya.

Mabilis lang sya natapos akong make-up-an at mukha nga talagang natural look lang ito.

Wala naman masyadong nabago e, tanging pagka shiny lang ng labi lang ata nag iba sakin tapos medyo na highlight ang mahaba kong pilik mata.

Agad na kaming lumabas at tumungo sa Centro Mansión de Regalías.

Bumungad samin ang maraming mga personalidad na nag s-socialize sa isa't isa, at mukhang magsisimula na rin ang introduction speech ng organizer ng event na ito.

Sinabi ni Luciana na may pupuntahan lang sya at iniwan kami, kaya naman pumunta na lang kami ni Piyang sa naka hilerang mga pagkain at hinanap sila Cassy dun.

"Ha? Ang daya ba't nakabihis kayo nang ganyan?"

"Gusto mo palit tayo?" Ngiti kong tanong kay Evelyn

Napahinto sya sa pag t-tantrum nya at tumingin sakin.

Nginitian ko lang sya at agad na hinila sa malapit na CR.

"Hah! Mas komportable talaga ang gantong suot kaysa sa mga dress" ngiti kong sabi at tumingin sa salamin, tinali ko ang buhok ko at kumindat. "Diba, Evelyn?"

"Pero baka magtampo si Ms. Luciana"

"Hindi, hindi naman. Sinabing dapat naka uniporme pa rin ang mga may ari ng mga Restaurant na narito o nag re-representa— paniguradong sinabihan na rin sya tungkol dun, na over excite lang sya kaya pinabayaan ko na lang sya"

Nang magsimula ang event ay inaantok akong nakinig sa sinasabi ng Emcee sa harapan.

Nasa Catering area kami nina Hans, Cassy at Mr Seiyu, habang nasa guests table ang iba.

Maraming naging kaganapan at may mga na special mention dahil sa mga parangal o kung ano ano.

"So now, let's begin the real party for all ladies and gentlemen out there!"

Ang kaninang tahimik na lugar ay napuno ng ingay at kasiyahan ng mga mayayamang tao.

May mga katulong o bodyguard din na kumukuha ng pagkain para ibigay sa mga amo nila.

Ang main goal ko lang naman dito ay madiscover ng mga mayayaman ang Restaurant namin at i-post nila sa social media account nila kung ga'no kasarap ang pagkaing hinahanda ng Menko restaurant, sa ganung paraang pwedeng maging mas lalong sumikat ang Menko kasama na run ang branch na hinahawakan ni Cassy.

Wala naman dapat akong dapat ikababahala dito patungkol sa kasikatan kung wala lang Lacky's Restaurant ang sumibol.

Napabuntong hininga na lang ako habang nakahalumbabang nakatingin sa mga taong nagkakasayahan sa di kalayuan.

"È, duìbùqǐ, nǚshì. Wǒ kěyǐ yào zhège, hái yǒu zhège ma?
(Uh, excuse, ma'am. can I have this, and this?)" Halos tumalbog ang puso ko sa biglang pagsulpot ng isang lalaki at may tinurong kung ano kaya agad akong tumayo.

Hindi sya mukhang butler o katulongang considerate naman ng mayamang chinong ito.

Pero ang pagsasalita ng sarili nyang wika ay so inconsiderate para sa hamak na gaya ko.

Ngumiti ako at kinuha ang hawak n'yang plato. "Ó, dāngrán! Děng yīxià—gěi nǐ (oh, of course! Wait a minute— here you go)" ngiti kong sabi pagkatapos kong i-serve sakanya ang mga tinuro nya.

Kinuha nya ang plato. "Xièxiè (thank you)" ngiti n'yang sabi, gwapo rin. Napapaligiran nga talaga ako ng mga anghel ngayon.

"Suíshí huānyíng nín (you are always welcome)" balik ko at ngumiti.

"Wǒ... Wǒ dé zǒule! (I... I have to go!)" nakahinga ako nang maluwag nang makaalis na ito.

"Ma'am Aya, oh" abot sakin ni Cassy ng tubig. "Galing mo mag Chinese, kaya idol kita e" dagdag pa nya.

"Hindi na ako pupunta pa ulit rito" mahina kong bulong.

Nang may lalaki na namang huminto sa harapan namin na mukhang taga ibang bansa rin.

"Xin lỗi, nhưng bạn có thể vui lòng nhảy cùng tôi được không? Tôi thực sự thấy bạn rất xinh đẹp (sorry, but could you please dance with me? I really find you very beautiful)" abay, malanding vietnamese na 'to ah

Sasagot na sana ako nang may lumapit sakanyang isang mukhang bodyguard at bumulong, medyo nagulat ang ekspreksyon ng mukha nya at agad humingi ng sorry sakin.

"Im really sorry Ms beautiful, I didn't know. Gotta go" sabi nya at agad umalis, nangunot naman panandalian ang noo ko pero pinabayaan ko na lang din.

Nyare kaya? Siguro sinabi ng bodyguard na di ako nakakaintindi ng lenggwahe nila, aba big NO— pero ayos na rin siguro yun, at least tatahimik buhay ko.

Tumingin sakin yung body guard at yinuko ang ulo ng kaunti bago umalis.

"Ano ba sinabi nung lalaki Ma'am Aya? Ba't parang sinita ng guard?" Tanong ni Hans.

"Kung gusto ko raw ba makipag sayaw sakanya, tapos siguro sinabihan sya ng guard na 'wag dukha lang yan di ka nyan naiintindihan' psh" walang gana kong sabi at kumuha ng isang dumpling.

Kinuha ko ang cellphone ko dahil wala na rin naman masyadong pumupunta sa Catering dahil busy na sila makipag socialize.

Pagkabukas ko ay bumungad ang random na text ni Keon, may dot, number, asterisk at kung ano ano pa.

"Akala nya siguro di ako marunong magbasa ng code— 'apaka pambata naman nitong code na ginagamit nya" bulong ko habang binabasa ang mga tinext nya

Koen-koning-ina:  -.- .- -.-- .-/-- ---/-... .- /.. - ---/ -... .- ... .- .... .. -.

Ayan ang nakalagay sa una n'yang text, kung i-t-translate ay magiging "kaya mo ba ito basahin" isa 'tong morse code.

Sunod na text ay.

Koen-koning-ina: KMIAN-AOTS-YBOA-AABH"

Na kung i-t-translate ay "KAYA MO BA ITO BASAHIN" ulit ang kalalabasan, isang Caesar shift.

"Kailan kaya makakainbento ang tao ng machine na kayang pumatay gamit lang isip" nakangiti kong tanong habang nag s-scroll sa pinag t-text ni Koen.

Anaya: Okay ka na?

Reply ko pagkatapos ay in-on ko ang airplane mode at nilagay sa bulsa ko ang cellphone.









LET'S GET MARRIED!Where stories live. Discover now