At the company

0 0 0
                                    


ANAYA POV

"Sheila, nandito na raw yung bagong manager natin sabi ng kaibigan ko dun sa Finance department. Nililibot raw kasi ng manager ng department natin ang ibang department kaya ayun. Sabi pa nya sobrang gwapo raw, shocks!" Napatingin ako sa magkaibigang palagi kong nakukunan ng chismis dahil sa lakas nila mag chismisan.

"Talaga? Totoo!? Gwapo? Can't... Wait" Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan ng mga katrabaho ko, dahil na rin sa bigla silang tumahimik.

Speaking of the devil.

Ah kaya pala... dumating na pala s'ya, at talagang naka shades pa s'ya. Damang dama n'ya ang grand entrance n'yang late ng walong minuto?

"Is this the Marketing department?"

"Y-yes, Sir!" Agad na sagot ni Angela, kaibigan ni Sheila

Tumango si koen. "Good"

linibot nito ang mata n'ya at huminto sa direksyon ko. "Then, nice meeting you all. Im Koen Vergara, your new marketing manager. I hope to get to know you all thoroughly as soon as possible" ngiti n'yang sabi sabay tanggal ng shades at kumindat.

Hindi ko na lang s'ya pinansin at tinuon na lang ang atensyon ko sa laptop, halatang nangangasar ang ngiti at kindat nya.

"O'sya, let's start working na!" palakpak n'ya pa at dumiretso sa desk ng Manager.

Nang dumating ang break time ay inaya ko si Ayesha na sa cafeteria na lang kumain.

"Himala ata at kakain ka sa cafeteria, kadalasan nandito ka lang sa opisina kumakain ah" sabi n'ya habang may kinukuha sa bag n'ya.

"Uh, Anaya... Pasensya na ito lang naluto ko, inaasikaso ko na kasi si mama nakalabas na sya nung isang araw" napatingin ako kay Liam habang may hawak na lunch box.

"Ano ka ba Liam ayos lang, saka hindi naman ako humihingi ng kahit ano kapalit mula sayo. Maliit na bagay lang yung tinulong ko sayo kaysa sa paglaban ng mama mo sa sakit n'ya" ngiti kong sabi at naalalang dapat din pala ako mag sorry sakanya. "Oo nga pala, kaninang umaga ko lang nabasa yung text mo. Pasensya na kung naghintay ka para lang bigyan ako ng pagkain. Wag kang mag alala wala akong sakit o ano kahapon namili lang ako" dagdag ko pa at kinuha ang baunan.

"Salamat dito. Pero sa totoo lang di mo naman na kailangan ako bigyan ng pagkain araw araw, malaman ko lang na magaling at nakalabas na ng hospital ang mama mo masaya na ako" ngiti kong sabi.

"Oo nga naman Liam, tama si Anaya- gusto mo sabay tayong kumain na tatlo sa cafeteria?" Alok ni Ayesha.

"Sige"

"Teka, sama ako!" Habol ni Piolo.

"W-wait, Mr. Pascual" napahinto kami sa paglalakad habang si Liam ay agad na lumingon sa tumawag sakanya, si koen.

"Bakit po Sir Vergara?"

"Tatanungin ko lang sana kung pwede akong makisabay sainyo kumain?"

"Syempre naman po- right Liam?" Agad na sagot ni Ayesha at tumingin kay Liam.

"Oo naman po" napangiti si Koen at agad na naglakad papalapit samin.

Ang genuine ng ngiti nya. "Maraming salamat Ms. Ramos" nakangiti n'yang sabi kay Ayesha pagkalapit nito samin.

Ano kayang nangyare at ganto ang ngiti ng isang 'to?

Nasa unahan sina Ayesha at Koen habang masayang nag uusap, habang nasa likuran nila kami nina Piolo at Liam.

"Sa palagay ko, may gusto si Sir Koen kay Ayesha" lutang kong sabi kanila Liam at Piolo.

Di ko alam kung narinig din ba ni Koen dahil napatingin s'ya saglit sakin, kaya nginitian ko na lang s'ya.

LET'S GET MARRIED!Where stories live. Discover now