Menko Restaurant (part 2)

0 0 0
                                    

ANAYA POV

"Pasensya na talaga Ma'am Aya, ako ang manager pero wala talaga kaming magawa sa paunti-unting bilang ng costumer namin kada araw" mababakas ang kalungkutan at takot nitong ma disappoint ako sakanya habang nasa tabi ko sya at tinutulungan akong maghiwa ng ingredients.

"Ayos lang, Cassy. Wala naman kayong kasalanan" ngiti kong sabi, im so humble talaga. "Kung ang strategy nila para lapitan ng costumer ang kainan nila ay pasikatin ang pangalan ng Restaurant nila sa pamamagitan ng influencer at pagpapamura sa mga paninda nila at pagbibigay curiosity sa mga tao kung ano bang lasa ng mga bago nilang paninda sa menu na mula pa sa iabng bansa ang dish— syempre tayo rin, may strategy" ngiti kong sabi at kumindat.

"O-opo" namumulang sabi nya.

Napabungisngis na lang ako.

Hindi ko alam, pero kapag nginingitian ko ang mga tao ay natutulala na lang sila bigla o di kaya namumula.

Dahil siguro sa ngiti ko kaya maraming talent agency mula sa entertainment industry ang lumalapit samin at kinakausap si Papa tuwing may nakakakita sakin.

May isang beses na nadiskubre ako ng isang sikat na talent agency dahil sa video ko na nag p-perform sa isang school program na ipinost sa social media at nakakuha ng maraming likes at comment.

At ang nasabing sikat na talent agency na iyon na naka focus sa pag arte ay saktong kailangan ng batang extra sa kanilang ipapalabas na pelikula, na agad ko ring tinanggap dahil saktong nagkasakit si Noah ng mga panahong iyon at kinakailangan namin ng pera pang bayad ng bill sa hospital.

Simula nun, naging extra ako sa mga palabas sa edad kong pito.

May isang beses na inalok ako na maging batang bersyon ng main character ng drama pero hindi ko iyon tinanggap, na ginalang naman ng Papa at Mama Eliya ko ang desisyon na yun at sinabihan ang  agency.

Nung panahong yun akala ko dahil  sa ayaw ko lang gumanap at nahihiya lang ako at tumatakbo sa isip kong baka ma disappoint sila sakin kapag ako ang gumanap.

Kaya pinagpatuloy ko na lang ang pagiging extra, minsan na h-highlight ako sa mga article at pinag uusapang kesyo dapat daw ako na lang gumanap sa main character na bata dahil nakakahinayang ang itsura ko at talent sa pag arte

Dahil din dun ay mas minabuti ko na lang na ihinto ang pagiging extra at sumali na lang sa mga pambatang pageants, dahil ayokong magkaroon ng mga debatehan patungkol sakin.

Pero pagkatapos kong mag siyam na taong gulang ay huminto rin ako sa pagpapageant dahil matapos kong mahimatay sa kalagitnaan ng pageant ko ay nalaman na mayroon akong Scopophobia.

Na nagiging dahilan para manginig at matakot ako kapag napapansin kong may mga matang nakatingin sakin tuwing umaarte ako sa isang scene o rumarampa sa entablado, at ang dahilan kaya huminto ako sa anumang trabahong may kinalaman sa entablado.

(Scopophobia is excessive fear of being stared at. It is often associated with other society anxieties.)

Ang phobia ko rin ang dahilan kung bakit hindi ako masyado nag aayos at pinapabayaan na lang ang sarili kong maging simple, para hindi maging agaw pansin.

Naalala ko dati nung bago lang ako sa kompanya ay grabeng tingin ang pinupukol sakin ng mga empleyado kaya sinubukuan kong mag face mask pero napagkamalan lang akong may malubhang sakit ng manager at pinag day off agad ako— ayaw ata akong makahawa, nagmukha tuloy akong malaking virus.

Pero iba kapag mga ka-close ko ang kaharap ko, ginagawa ko pa ngang pang asar sakanila ang pagmumukha ko e— ang cute kasi nila kapag namumula

Kung usapang magulang, well maraming beses ko na rin silang na trap sa bitag ko kaya nga di ko na ulit binalak na ulitin ang pangangasar dahil pambabatok lang ang nakukuha ko

LET'S GET MARRIED!Where stories live. Discover now