51: A Deal with Avie

Comincia dall'inizio
                                    

 "Mommy <3 Daddy na?" Nasa Ipad ni Avie.

Boom! Baby naman wala namang ganyanan. Pero sige, basta kumain lang baby ko.

"Deal, basta you'll eat food 3 times a day? Hindi pa kasama yung regular snacks and mamam" Natigilan si Avie at parang nag-iisip.

"Deal =) Kiss mommy daddy b4 eat baby?" Ay nako ang hirap ng may matalinong baby!!!

"Sige baby mamaya, kenny's tayo kakain ha? You'll eat mashed potatoes" Sabi ko, baka kasi malimutan pa ni Avie at makalusot pako.

"NOW" All caps talaga yung sulat ni Avie. Ha? Grabe! Hindi ko nililingon si Dave dahil hindi ko rin alam yung magiging reaction ko sa ginagawa ni Avie.

"Baby later before mageat, kapag nasa harap mo na yung food" Waah sana pumayag naman.

"Baby don't want to eat na" Nasa Ipad. Wah! Nakakainis naman!

"Baby sige na, basta kakain ha?" Tumingala si Avie samin ni Dave. She's waiting.

Haay.. I leaned forward kay Dave. Wala narin akong kinailangang gawing pag-lapit na mashado dahil sumunggab na agad si loko. Sabik lang?!

"Daddy, sa kenny's tayo" sabi ko kay Dave.

"S-sige" Nagkukumahog na bumaba si Dave at lumipat sa side namin ni Avie. He opened the door for us at pinalipat kami sa front, lumipat siya agad at lumabas kami ng parking lot. Mejo malayo layo rin yung Kenny Rogers. Pero worth the drive naman dahil sa wakas! Kakain na ang baby ko! Yey!

Akala ko magpapaka-demure si Avie. Bonggang order ang ginawa ni bagets. Nagturo ng nagturo sige naman order and daddy niya.

"Kapag yan hindi niyo naubos ha?" Saway ko sa dalawa. Kahit gaano pa ka-yaman si Dave hindi parin excuse yon para magsayang ng pagkain.

"Beh minsan lang kakain si Avie, pag-bigyan na natin." May pag-akbay effect pa ha? Pasalamat ka anjan si Avie!!

At inupakan nga ni Avie yung lahat ng pagkain, "Baby slowly, hindi ka naman aagawan" I wiped her lips na puno ng gravy.

Kasing lamon naman yung ama na akala mo uubusan din. "Dave, umayos ka nga, ginagaya ka ni Avie" nagtinginan lang yung mag-ama. Natawa tuloy ako, parehong pareho kasi sila ng ichura sa pagkain.

"Hay bahala kayo, baby dahan dahan lang ha?" I reminded Avie. Baka kasi sumakit ang tummy niya kapag nasobrahan ng food.

Avie nodded and continued eating. Ayaw ayaw pa kunyari ah? Hahahaha

We went back sa school after kumain. Mabilis lang naman pala yung performance ni Avie. Kering keri ng baby ko. Kaya lang gusto na niyang bumalik sa car dahil nga mainit ang katanghaliang tapat.

 Busog + warm atmosphere + Cold air sa aircon = "Baby, sleepy ka na?" Hindi na kasi umiimik si Avie.

Hindi na sumagot si Avie. Tulog na tulog na pala, she's smiling on her sleep. Ang cute cute ng baby ko. I kissed her.

"Dave may recital si Avie, hindi ko lang alam kung kelan exactly pero part ng foundation day activity, pero she'll lead the orchestra" proud na proud ako sa baby ko. 

"Really? Ang galing galing talaga ni Avie." Nakangiti si Dave when I looked at him.

"Kung hindi ka busy, pwede bang sumama ka para manood?" I asked him.

"OO naman!" he smiled again. Ayan eh, ayang ganyang ngiti yung hindi mo matiis noon, ayan, nasaktan ka tuloy ngayon. "Beh, pwede bang manligaw ulit ako?"

"Hindi ka pa ba nauumay?" Ang haba na ng run ng kwento naming umikot lang sa panliligaw niya.

"Bakit beh? Sinasagot mo na ako agad para hindi na ako manligaw?" Nakangiting tanong niya.

My Genetically Modified LoveDove le storie prendono vita. Scoprilo ora