Chapter 25: Truth behind a person's demise

Bắt đầu từ đầu
                                    

I sighed.

Is it really true? Pinatay nga ba talaga ni daddy ang mother ni Archie? How? Bakit?

Mga tanong na pa-ulit ulit na umiikot sa isipan ko at ni isa hindi ko alam ang sagot.

Habang ako'y nakahiga at sinusubukang ipikit ang aking mata ay may biglang bumukas ng pinto ko. Iminulat ko ang aking mata at nakita ko naman si Mommy nakatayo sa aking harapan dala-dala ang isang maliit na box.

"Are you okay?" She asked as she saw my puffy and red eyes.

"Opo..." I lied.

No, Mom... I'm not okay. I'm not fucking alright. I want to hug you and dad tightly and cry like a baby.

I want to be held and told that everything's going to be okay, but I know it won't be...

I want to cry and rage and scream, and tell you just how hurt I am, but I know it's pointless.

"You sure?" I just nodded my heads two times.

"May kailangan ka mommy? " I asked lazily.

"Pwede mo bang ilagay 'to sa basement? May niluluto pa kasi ako at walang mag babantay." Ani Mommy at napa-upo naman ako sa kaba at gulat. Basement!? Sa lahat ng pinaka-ayaw kong pasukan ay ang basement pa talaga.

I swear, I hate basements. Basements always freaked me out! It's like the perfect hiding place for some creepy ghost or demonic creature... I had seen so many horror movies about evil spirits lurking in dark and dingy basements, just waiting for them to attack unsuspecting victims.

I would always avoid the basement at all costs. The thought of even stepping foot down there made my skin crawl.

Humiga muli ako at itinabon ko naman sa aking mukha ang kumot ko.

"Ayoko po!" Ani ko kay Mommy at sinusubukan niya namang tanggalin ang kumot sa aking mukha.

"Sige na, sweetie–"

"Ako nalang po ang magbabantay ng niluluto mo at kayo nalang mommy ang mag lagay n'yan sa basement."

"Hindi pupwede. Nung ikaw ang nagbantay ng niluluto ko dati ay nasunog at malapit ng masunog ang bahay natin."

Right, inutusan ako dati ni Mommy na bantayan ko raw ang kaniyang niluluto dahil may bibilhin daw muna siya sa tindahan. Ginawa ko naman ang inutos niya. Biglang nag ring ang phone ko kaya sinagot ko muna ito. Ilang minutong nakalipas ay may naamoy akong baho at may napansin naman akong mga usok na nanggaling sa kusina kaya ibinaba ko ang phone at tumakbo patungong kitchen at nakita ko namang nasusunog na ang niluluto ni Mommy.

Tsk, hindi ko naman 'yon kasalanan eh.

"But, Mom–"

"Allison, please." She pleaded at napabuntong-hininga naman ako.

"Mom, ayoko po talaga" never. I will never go inside the basement. Never ever. No. Uh-uh. Ayoko!

**

Nakatayo ako ngayon sa harap ng pinto papasok sa basement at nagdadalawang-isip kung papasok ba ako o hindi. Should I or no? Argh!

Dandelions in the WindNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ