Lost Chapter #12

50 5 0
                                    


Video Call

Austin's POV

Alas tres ng matapos kong gawin ang kalahati sa powerpoint presentation para sa research defense namin bukas. Kasalukuyan kaming nasa kwarto ng kahoy kasama sina Angela, Dionne ang iba sa mga tukmol na nakitambay lang.

Maswerte na 'ko at nakagrupo ko ang kahoy, pero mas tumaas pa ang pag-asa kong maka graduate ngayong nakasama ko sina Angela at Dionne na dalawa sa pinakamatalino sa klase.

Ang swerte ko talaga! Feel na feel ko ang love ni Lord! T^T

"Yown!"

"Timing gutom na 'ko!"

"Ehem!"

Napangiwi ako nang agad na nagsipagtayuan ang mga tukmol na nakahiga sa sofa at sahig matapos bumalik sina Dos at Crimson na may dalang pagkain.

"Kapal ng mukha n'yo! Para sa grupo lang namin 'to! Kagrupo ba namin kayo?" agad na niyakap ni Klyde ang mg supot ng pagkain na inilapag nila Dos sa lamesa bago pa kuyugin ng iba.

"Hoy! Kagrupo namin si Crimson, may parte kami jan!" apila ni Rent na siya namang tinutulan ni Crimson.

"Wala ka ngang inambag sa research natin."

"Oh tamo!"

"Nyaay! Kapal!"

"Boom bagsak!"

"Hoy! May inambag akong tatlong pancit canton ah!" depensa niya dahilan para mapangiwi ako.

"Tara, kain muna tayo." aya ko kanila Angela at Dionne na parehong parang wala nang balak iwanan ang mga laptop nila sa sobrang busy kaka-type.

"Diet ako." ani ni Angela nang hindi tumitingin sa'kin.

"Kakakain lang natin kanina diba?" sumunod naman si Dionne na parang nagulat sa pag-aya ko.

"Kanina pa yun. Alas tres na." sagot ko.

"We just had 2 bags of chips kaninang 2pm. What's the difference?" takang tanong n'ya. Napangiwi ako.

"Hindi naman nakakabusog yun eh."

"Oh my gosh. Pass. I can't eat anymore." napahawak pa siya sa magkabilang gilid ng noo niya na animo'y mas na-stress pa siya sa sinabi ko kumpara sa ginagawa naming research kanina. Napanguso ako.

Ganito ba talaga pag matalino? Hindi masyadong kumakain? Pero matalino din naman ang kahoy at kumakain din siya ng marami.

Hmm... kaya siguro hindi ako ganun ka talino kasi kahit babae ako marami ako kung kumain.

Nang hindi makumbinsi ang dalawa ay nagkibit balikat na lang ako at patakbong pumunta sa may kusina para saluhan ang mga tukmol, pero halos malaglag ang panga ko nang makitang ubos agad ang tatlong box ng pizza at ang apat na bote ng root beer.

Agad na natigilan ang mga tukmol na masayang kumakain at gulat na napatingin sa'kin.

"Mga walang hi--" bago ko pa man sila mamura ay isang plato na may dalawang slice ng pizza at fries ang tumambad sa harapan ko.

"Calm down, I saved you some." agad kong naitikom ang bibig ko nang I-abot sa'kin ng kahoy ang itinabing pagkain at isang coke float.

"Hehe, thank you." Nakangiti pero hindi makatinging pasalamat ko sa kahoy. Mas lalo pa 'kong nakaramdam ng hiya nang halikan niya ang ulo ko.

Boys Dormitory Presents: The lost (But Now Found) chapters Where stories live. Discover now