Lost Chapter #2

102 10 0
                                    


TikTok


Austin's POV

Kakatapos lang naming mag lunch at meron pa kaming thirty minutes para sa susunod na klase, nang maisipan na naming bumalik ng classroom. At gaya nitong mga nakalipas na araw, kahit labing-isa lang kami sa room na 'to, daig pa din namin tatlumpong estudyante dahil sa dumi at kalat ng paligid. Magugulo ang mga upuan, ultimo ang teacher's table walang ligtas.

May naghahabulan, may natutulog sa sahig, yung iba nilalamayan na ang mga kaklase naming natutulog.

"Nevermind. I'll find somewhere else to stay." Dinig kong sambit ni

Crimson saka agad na naglakad paalis. Napasimangot naman tuloy ako.

"Austin tara, dali!", Nagulat ako nang bigla akong hilain ni Klyde papapsok ng room.

Si Klyde ang isa sa mga bagong nakilala ko matapos nung PE. Ewan ko nga pung pano nila nalaman ang pangalan ko nang hindi man lang ako nagpapakilala sa kanila. Basta bigla na lang siyang lumapit sa table namin saka nagpakilala. Hindi ko pa naman masasabing close kami dahil madalang lang naman kami magpansinan, plus mukhang close din sila nung Dos por dos na yun. Pero masasabi kong isa siya sa mga pinakamakulit dito--Hindi, erase! Siya lang ang pinakamakulit dito. Para syang elementary na nastuck sa katawan ng isang highschool sa kakulitan. Panoorin ko lang siya magtatakbo tuwing tuwing luch, pakiramdam ko nauubusan na 'ko ng lakas sa kanya.

"Bakit? Sa'n tayo pupunta?" Tanong ko. Napakunot naman ako nang makitang papalapit kami sa direksyon ni Forth na nakaharap sa cellphone niyang nakapatong sa ibabaw ng mababang shelf na nasa pinakalikurang bahagi ng clasroom.

"Tik-tok!" Maiksing sagot niya. Nang makarating sa gawi ni Forth ay agad nyang kinuha ang cellphone nito at may pinindot na kung ano. Agad namang nagreklamo ang isa.

"Hoy! Hindi pa nga 'ko tapos eh!" Sinubukan niya pang batukan si Klyde nang mapaupo naman ito. Napunta sa akin ang paningin niya at agad na napalitan ng ngiti ang halos lukot-lukot niyang itsura kanina.

"Uy, Austin! Nanjan ka pala!" Napatingin sa akin si Forth.

"Bigla n'ya na lang kasi akong hinila dito eh." Napakamot ako sa ulo ko. Nagulat naman ako nang biglang tumayo si Klyde. Napamura naman si Forth nang kamuntikan pang mauntog si Klyde sa baba niya, buti na lang at hindi siya ganun ka tangkad.

"Eto! Tara dali, tik-tok tayo!" Excited na giit ni Klyde saka muling isinandal sa pader ang cellphone at ipi-nlay ang video. "Yan! Gayahin mo lang yan Austin." nakangiting utos n'ya sa'kin. Napangiwi naman ako nang mapanood ang video.

[Playing: Big boy]

"Y-yan...y-yung gagayahin?" Tanong ko kay Klyde. Mabilis naman s'yang tumango.

"Wag ka mag alala Austin, madali lang yan!" Mas lalo akong napangiwi nang sang-ayunan din siya ni Forth. Napailing ako.

Hindi...Marami nang dignidad ko ang nawala sa'kin sa loob lang ng isang linggo. Hindi ko na afford pag naubos pa 'to.

Ang pasensya ko marami pa, pero ang dignidad ko Konting-konti na lang! T^T

"Ano ka ba, wag kang mahiya! Tayo-tayo lang naman nandito eh! Halika dito ka sa gitna!" paulit-ulit akong umiling habang pilit na itinutulak ni Klyde sa may gitna.

"Austin!" Napakunot ako nang huminto siya at tignan ako ng seryoso sa mata."Kaldag."

"Ano?"

"Kal-dag! Kal-dag! Kal-dag!" Nanlaki ang mga mata ko nang paulit ulit niyang pukpukin ang ibabaw ng shelf dahilan para magising ang iba sa mga natutulog. Ultimo na ang kanina pa nila ginagawan ng lamay na si Eros ay nagising at napatingin din sa'min.

"Kal-dag! Kal-dag! Kald-ag!" Sa huli ay nakisabay na din si Forth

"Kal-dag! Kal-dag! Kal-dag! Kal-dag!" di kalauna'y sumabay na din ang iba.

"Austin. Kailangan mo nang magpaka- 'big boy'." Napatingin ako kay Klyde at bahagyang nagulat nang makitang may suot na siyang shades at may iniabot pa sa aking isa, na hindi ko alam kung saang lupalop ng earth niya nakuha.

Sa huli ay napabuntong hininga ako at kinuha ang shades na iniabot niya sa'kin. Agad namang naghiyawan ang mga kaklase naming tukmol.

Sinuot ko ang iniabot sa'king shades saka humarap sa camera ng cellphone ni Forth. Sabay kaming tatlo na nagcross-arms dahilan para mas lalong lumakas ang hiyawan ng mga tukmol.

3

2

1

*Tung!


Goodbye Dignidad! T^T


[It's cuffing season~

And now we've got a reason~

To get a big boy, I need a big boy, give me a big boy~]


Ang lahat ay naghiyawan nang magsimula kaming magpataasan sa pagkaldag, pero syempre wala pa ring tatalo kay Klyde na dinaig pa ata tikpaklong sa taas tumalon. Pa-sexy nman ang ginawa ni Forth na napataas pa ng damit at nagpakita ng abs.

"Wohoooo! Kaldagan na yan!"

"Go klyde! Wohoooo! HAHAHA!"

"Putcha ka Klyde, pinaglihi ka ba sa tipaklong? HAHAHA!"

"Sexy ang fafa Forth! WHOOOO!"


Pero syempre dapat hindi ako magpakabog! Bago matapos ang tugtug ay lumuhod ako at nagpadulas sa maalikabok na tiles with matching lip bite pa, bago takpan ang mukha ko gamit ang kaliwang kamay at iwagayway sa baba ang kanan gaya nung nasa huling mga steps. Mas lalo namang lumakas ang hiyawan ng mga tukmol, at ang iba ay nagwawala na.


"Uy! G*go! Nagwawala na si Austin!"

"WAHAHAHA! Putchang*na, si Austin nagwa-wild! HAHAHA!"

"WOHOOOO GALENG!!!"

"ISA PAAA!"

"ISA PA! ISA PA! ISA PA!"


At yun na nga, ang araw na puno ng kaldagan. Halos kaliwa't kanan ang mga kumukuha sa'ming magwala sa dulo ng room, may iilang nakikisali pero hindi kinaya ang angas naming tatlo. May naghubad ng pantaas at hinagis sa kung saan---si Forth yon. May naghubad ng coat at pinaikot sa ere--si Klyde. Ako naman hubad na lahat--pero syempre charot lang yon! Tinanggal ko lang ang necktie ko at halos pati sahig ay kaldagan na namin. Kung kanina ay pataasan ng talon, ngayon naman ay pababa nang pababa kami habang nagpapasexyhan ng giling dahil sa paluhod-luhod na ginawa ko kanina.


Sige lang Austin, magpakag*ga ka ngayon. Wag na wag ka lang sana malintikan at mahuli ng delubyo! >.<

Boys Dormitory Presents: The lost (But Now Found) chapters Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon