Random Chapter

43 3 0
                                    


The Interview


Someone's POV

"Hi sir, good morning po." bati ko kay Mr. Dela Fuente, ang una naming interviewee.

"Morning." Tipid na sagot niya habang nakaupo sa harap ng camera. Pinilit kong ngumiti kahit kinakabahan sa kalalabasan ng interview na 'to.

"Rolling." nagthumbs up ang camera man, hudyat para simulan ko na ang pag-I-interview.

"Kindly introduce yourself sir."

"I'm Dos Maximilion Dela Fuente, eighteen. Heir of the Dela Fuente Clan, current owner of A.G.R.E. Enterprise, and will soon inherit this facility.", Napalunok ako sa sinabi ng binata.

Sa edad na eighteen may-ari na siya ng kumpanya?! At siya din ang magmamay-ari nitong school nila?

Nung eighteen ako, palamunin lang ako sa bahay namin eh.


"Miss po. Miss po ako." pagtatama sa'kin nung babae.

"Ay sorry miss. Please continue." nahihiyang tugon ko saka muling tinignan ang script.

"Hi! I'm Austin Louise Vermilion. I'm seventeen years old, pero mag e-eighteen na sa April hehe." nakangiting pakilala ng babae dahilan para medyo gumaan ang pakiramdam ko.


"My name is Crimson Kris Ochre. Nineteen." Napakurap ako.

Yun na 'yon?


"Hi! My name is Kent Drake Delmundo the third, but you can call me Tres for short! Eighteen, Single but not available to mingle." kumindat pa siya sa camera na para bang artista.

In fairness cute s'ya. Parang mala boy next door ang datingan. Yung sasali sa PBB.


"Yow wassup! Aze on the House!"

Napakunot ako habang hinahanap ang pangalan niya sa listahan.

"Sir, estudyante po ba kayo sa school na 'to?" tanong ko nang hindi mahanap ang profile niya sa mga papeles.

"Hindi." Mabilis na sagot niya dahilan para mapangiwi ako.

"I'm sorry sir, pero para lang po 'to sa mga students ng Maximilion High."

Agad niyang tinanggal ang suot na shades, nilalantad ang magagandang kulay abo niyang mga mata. "What?! Why? You should interview me too! I'm the favorite cousin of Dos Maximilion Dela Fuente, the future owner of this school!"

"Sa susunod po sir, tatawagan na lang namin kayo. Pasensya na po." paumanhin ko pero hindi hindi pa rin siya umawat, nagulat na lang kami nang biglang pumasok sa kwarto si Mr. Dela Fuente at Kinaladkad siya palabas.


"Uhm... so can you tell us more about yourself?" sinubukan kong magtunog normal, pero lumalabas pa din ang pagka-ilang sa boses ko.

"You wanna know more?" Tinaasan ako ni Mr. Dela Fuente ng isang kilay. Hindi agad ako nakasagot.


"Kahit ano lang?" tanong sa'kin nung babae na mukhang lalaki.

"Anything, hobbies, about your family or lovelife." nakangiting sagot ko sabay tango pa.

"Ah! Hehehe. Uh... marunong akong magbasketball, pero hobby kong tumambay at maging palamunin." Proud na sagot niya, mas lalong lumawak ang ngiti ko.

Same girl, same.

Boys Dormitory Presents: The lost (But Now Found) chapters Where stories live. Discover now