Lost Chapter #5.2

71 6 1
                                    


Drunk


Austin's POV

"Hi boys! Mind if we join you?"

Nasa gitna kami ng pagkukwentuhan at inuman nang may grupo ng mga kababaehan ang lumapit sa'min. Hindi ko naman sila pinansin at nagpatuloy lang sa pagkain ng pulutan.

Hanggang tubig at pulutan lang ako eh!

"Sure!" Dinig kong sagot ni Wes.

Agad akong umusog sa tabi ni Crimson para makaupo pa ang iba nang biglang sumingit ang isang babae sa gitna namin para kausapin siya, pero sa kasamaang palad hindi siya nito pinansin at nagpaalam pang mag C-CR.

"Hi Cutie, what's your name?" Biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko nang may isang babae ang tumabi sa'kin at ginpang ang isang daliri sa mukha ko.

Amoy na amoy ko sa hininga niya ang msangsang na amoy ng alak. Sinubukang kong umusog pero nasa tabi ko pa rin ang isang babae na gusto sanang kumausap kay Crimson kanina. Ngayon ay kausap niya na si Matthew na nasa katapat na upuan lang namin.

"Is this your first time?" tanong ulit nung babae sa mapang akit na tono, pinilit kong ngumiti na sa tingin ko ay nauwi lang sa ngiwi.

Jusq ate hindi tayo talo! Umalis ka ngayon sa tabi kundi baka hindi ako makapagpigil dadakmain ko talaga yang mukha mo para ilayo sa'kin.

"Nako Miss, wag mo nang sayangin oras mo dyan, hindi kayo talo nyan!" Pareho kaming napalingon nung babae kay Rent, saka ko lang napansin na pinagtitinginan at pinagtatawanan na pala kami ng ibang mga tukmol.

Bwiset talaga! Gusto ko nang umuwiiiii! >_<

"What do you--oh my! You're gay?!" Napalakas ang pagkakasabi nya ng 'you're gay' dahilan para matigilan ang lahat ng mga tukmol at humagupak ng tawa.

Agad na nag-init ang pisngi ko dahil sa hiya. Hindi hiya dahil nasabihan akong bakla, kundi hiya sa mga nakakaalam na babae ko pero naakusahan pa ding bakla. Bonus pa na pati kabilang table at ibang napapadaan ay napatingin din sa'min. >_<

"Heck yeah, he's gay! HAHAHA!" gatong pa ni Wes para kumpirmahin ang tanong nung babae at mapalakas ang tawanan nilang lahat.

"Hindi nga sabi ako bakla!", sigaw ko sa kahihiyan pero imbis na pakinggan ay mas lalo lang silang natawa, ngayon pati ang mga babaeng kasma namin ay natawa na din.

"Well you look gay."singit nung isang babaeng katabi ko, halatang nang-aasar.

"Nahiya naman ako sa make-up mo, ikaw nga mukhang drag queen eh!" pambabara ko sa kanya dahilan para mapa 'ohh!' ang mga tukmol.

"Well atleaset ako, tunay na babae." bigla akong napakunot sa sagot nya.

Ginag*go mo ba 'ko?!

"Oo, at kapag binuntis kita tignan natin kung hindi mo ikahiya yan." Stay in character Austin! Lalaki ka! Barahin mo 'tong babaeng to bilang lalaki!

"OHHHl!!"

"Woah!"

"Yun oh!"

"Naiiyak ako, binata na ang Austin natin!"

"Uy pre chill lang, babae yan!"

Babae din naman ako! T^T

"As if you can."

Hindi talaga! Wala naman akong sperm eh!

Boys Dormitory Presents: The lost (But Now Found) chapters Where stories live. Discover now