Lost Chapter #11:

46 6 0
                                    


His most embarrassing experience

Drake's POV

Nasa cafeteria kami nang mapagtripan namin nila Forth ang soft drinks ni Wes. Nauna nang inalog ni Forth ang naka seal na coke pero binawi ko 'yon at mas inalog pa. Natawa sila.

"Gigil na gigil ah."

"Uy tama na! Baka pumutok na yan!"

Nakita naming pabalik na si Wes mula sa counter kaya dali-dali kong inilapag sa lamesa ang softdrinks n'ya. Sakto namang kakarting lang ni Dos galing CR.

"Uy! Teka--" Nagulat ako nang kunin niya ang soft drinks sa lamesa at buksan ito.

"Shi--" Muntik na siyang masabugan sa mukha ng laman ng softdrinks, mabuti na lang at nailayo niya agad iyon.

Nabasa ang manggas ng damit n'ya dahil sa umapaw na softdrinks, pero mas napuruhan si Austin na napunan mismo ng softdrinks pagdaan niya. Natahimik kaming lahat nang dahil sa nangyari. Dahan dahan akong napabalik sa pagkakaulo at napasulyap kay Forth na gulat ding napatingin sa'kin.

Akala ko ay hihingi ng sorry si Dos sa kanya, pero sa halip ay tinawanan niya pa ito nang makita ang mukha ni Austin na nabasa at may mga bula pa galing sa sumabog sa coke. Di kalauna'y nakisabay din ang ibang mga estudyante kay Dos na tinawanan siya. Unti-unting lumingon si Austin sa kanya at tinignan siya nang masama.

Oh no...

Pabagsak na inilapag ni Austin ang dalang tray ng pagkain sa table namin at kinuha ang isa pang coke na dapat sana ay kay Dos kung hindi lang sana siya nagkamali ng nakuha.

Napatingin lang kaming lahat sa kanya, pati na rin si Dos nang mabilis niyang buksan ang bote ng softdrinks at inumin ang laman nito. Inipon niya ang softdrinks sa loob ng bunganga at sa isang iglap ay ibinuga 'yon sa muka ni Dos. Agad na napatakbo sina Crimson at Eros papunta sa Direksyon namin nang makita ang ginawa ng kasama. Ang kaninang tawanan ng mga estudyante ay napalitan ng halakhak mula kay Austin.

"Oh? Ba't hindi kayo tumatawa? Nakakatawa yun diba?" Sarkastikong tanong niya sa mga estudyanteng nanonood sa'min. Agad silang umiwas ng tingin, halatang na-guilty sa ginawa.

"You son of a--"

"Uy Sh*t!" Agad akong napatayo at niyakap si Dos nang bigla niyang kwelyohan si Austin at ambahan ng suntok. Agad ding pumagitna si Crimson para protektahan si Austin.

"F*ck*ng let go Tres!" Mariing bulyaw sa'kin ni Dos na hindi ko pinakinggan.

"Ano napikon ka? Eh mas malala pa nga pinagga-ga-gawa mo sa'kin kumpara d'yan eh!"

"Austin tama na!"

"Wag mo nang galitin Aus."

"Please stop."

Sabay sabay namin siyang inawat sa takot na baka hindi ko na mapigilan si Dos at talagang matuluyan siya.

"Bakit akong pinapatigil n'yo? 'Yang isa ang pagsabihan n'yo! Namumuro na eh!"

"That was an accident you f*cking idiot!" Inis na tinabig ni Dos ang kamay ko nang iharang ko iyon sa harapan niya.

"Wag mo kong ma paking paking jan! Sinadya mo 'yon, g*go ka!" akmang susugod na si Austin at ganun din sana si Dos nang awating nanaman ulit namin silang dalawa ni Crimson.

Bakit ba ang tapang masyado ng babaeng 'to?

"Aksidente 'yon Austin, kami may kasalanan." Tumayo na Forth para pigilan ang dalawa.

"It was my fault too, I'm sorry." pag-amin ko. Sandaling natahimik si Austin saka inis na napabuntong hininga.

Napailing pa siya bago inis na umalis. Panandalian akong nakahinga ng maluwag pero agad na nagulat nang muling hatakin ni Dos ang kwelyo niya pagkadaan niya sa tabi namin.

"Where do you think you're going huh?"

"Bitiwan mo ko!"

"Uy!"

"Tol utang na loob tama na!" Kulang na lang ay lumuhod na ko sa tabi niya para maki-usap na tumigil na siya

"Let go Dos." may halong pagbabantang awat sa kanya ni Crimson, pero hindi niya ito pinansin at diretso pa rin ang tingin kay Austin na nilabanan din ang tingin niya.

"You spat of my face." mariing sambit niya.

"Para yun sa pagtawa mo sa'kin." maangas na sagot naman ni Austin saka agad ding hinawakan sa kwelyo si Dos at Sipain ang ibabang parte nito.

"Argh! F*ck!" Nanlaki ang mga mata namin kasabay ng pagbitaw ni Dos kay Austin at pagluhod dahil sa sakit.

"At yan, para sa iba mo pang atraso sa'kin." dagdag niya bago dali daling naglakad palabas ng cafeteria. Nakanganga namin siyang sinundan ng tingin habang naglalakad palaba, sumunod naman sa kanya sina Crimson, Eros at Rent.

"You F*cking Gay! I'll kill you!" may parte sa'king gustong matawa nang marinig ang namimilipit sa sakit na sigaw ni Dos kay Austin, pero hindi ko magawa. Mas lamang ang guilt sa'kin dahil isa ako sa dahilan kung bakit nangyari 'to.

Boys Dormitory Presents: The lost (But Now Found) chapters Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon