"Jill, Anne, this is Arvie." pakilala ni Yana.

Maganda siya at sexy pero parang may kakaiba sa kanya. Ngumiti na lang ako at nakipagbeso sa kanya, ganon din si Anne.

Bakit ganon parang 'di ko siya feel.

Di Bale na nga.

Dito pa lang kami sa paanan ng bundok. May bahay dito pinaka Rest House nila Jean.
Madalas kami ditong tatlo nagka-camping nong high school kami.

"Jillian, aakyat tayo?"

"Yes babe, sa likod ng bundok na yan may waterfalls at ilog."

Lumapit ako sa kanya saka ko siya hinalikan sa pisngi.

"Uyy nakita ko yon." bulong ni Jean sa akin saka niya pinalo yong pwet ko. Buti nakatalikod na si Anne. Hindi ko napansin nasa likod pala namin siya.

"Inggit ka lang."sabi ko sa kanya.

"Sus hindi 'no."sabi niya saka siya nagsimulang umakyat, inunahan na niya kami. Start na rin kaming umakyat ni Anne. Nasa likod niya ako habang nakaalalay sa kanya.

Kami ang nahuhuli, naku!

"Jillian?"

Pansin kong pagod na siya.

"Dito lang ako babe, pagod ka na ba?"

Tumango siya.

Pinunasan ko yong pawis niya saka ko hinawakan yong chin niya. Gusto ko siyang halikan.

"Tara na ulit."sabi niya sabay talikod na.

Asar! 'di man lang nagpahalik.

Akyat ulit. Nasa likuran pa rin niya ako. Nakatingala ako sa kanya.

"Babe kita ko pwet mo." gusto ko siyang asarin. Tumigil siya at lumingon sa akin, saka niya ako inirapan.

"Sunget!"

"Tse!"

"Manhid!" sigaw ko sa kanya.

Lumingon na naman siya sa akin pero umiwas din ng tingin. Akala ko hahampisin na niya ako. Manhid naman talaga siya, di ba?

"Jillian!!!'"

Sh*t!

Nadulas siya! Muntik nang matumba buti na lang nahawakan ko yong pwet niya. Saka ko siya tinulak para makahawak siya sa sanga.

"Thanks!" sabi niya.

Ako dapat ang magthanks kasi nahawakan ko yong pwet niya.

Sa wakas nakarating din kami! Umupo muna kami ni Anne. Nakasandal siya sa akin. Kinikilig ako.

Napansin ko si Arvie panay lingon sa amin. Ano kayang problema niya!

"Guys absent tayo sa Monday opening lang naman ng foundation day, eh" si Jean.

"Okay maganda yan!" sabi ng iba.

Tumingin sa akin si Anne.

"Jillian aabsent tayo?"

"Uhmmmm pwede, wala din gagawin tsaka wala naman kaming laro non, minsan lang 'to babe."

Tiningnan ko siya, hinihintay ko yong sagot niya.

"Hmm sige, pasalamat ka maganda rito."

"Kung hindi?"

"Sapol ka sa akin!"

"Aww!" natatawa tuloy ako. Ang taray talaga ng babe ko. Dito malapit sa ilog kami nagpatayo ng mga tent.

Rinig mo yong agos ng tubig isa pa may falls din dito na parang two storey building kataas. Ahm actually mababa lang siya.

Forbidden Flower (Jillian Fuentes Book 1) GXG ✔Where stories live. Discover now