"Uulitin ko, ayoko nang idawit ang aking lehiyon sa digmaan ng iba. Pero hindi ko sinabi na hindi ako tutulong. Tipunin mo ang mga Engkanto at Malignong dating naglingkod kay Jasper. Sila ang isasama ko para tulungan ang dati nilang pinuno. Ilan ba sila?"

Nakangiting tumunghay di Ador.  Tuwang-tuwa ito. "Hindi po masyadong marami, mga pitong daan lamang ngunit kalahati lamang noon ang mga bihasang mandirigma.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2019, All rights reserved.

"Isasama ko na lahat." Sabi ko.

"Kayo po mismo ang sasama sa amin?"

"Di ba kasasabi ko lang?" pagsusungit ko.

Kumamot ito sa ulo, "p-pasensya na po, Panginoon. 

***

"Ikaw na muna ang bahala rito," Pag-uutos ko kay Alejo. "Kapag dumating ang mag-ina at wala pa ako rito, sabihin mo na lang kung saan ako ang nagtungo."

"Masusunod po, Panginoon."

Nakahakbang na ako ng ilang beses nang muli kong nilingon si Alejo, "maiba nga tayo. May balak ka bang pakasalan ang anak ko?"

Bumakas sa mukha nito ang pagkagulat, "p-po? O-opo, pero..."

Tinaasan ko ito ng kilay, "pero?"

"Hindi pa raw po siya handa kaya..."

"Kaya?"

"Maghihintay po ako.  Handa naman po akong maghintay."

Tumango, "mabuti lang ang malinaw." 

***

Mukhang nahuli kami ng dating dahil nagkalat na ang hindi mabilang na mga bangkay nag dumating kami sa kuta ni Marietta. Ang karamihan sa mga ito ay mga Aswang. Mababakas sa kapaligiran na isang matinding digmaan at karahasan ang naganap doon.

"Panginoon, may tatlo ritong buhay pa!" Pagtawag sa akin ni Ador.  Agad naman akong lumapit sa kinaroroonan ng mga ito.

"Kaninong pangkat kayo?" agad kong tanong sa isa sa mga duguang nakaligtas. "Anong nangyari rito?"

"M-mula po k-kami sa nagkakaisang pangkat ni Alfonso ng Mashuria at Alondra ng Biringan."  Sagot ng isa sa tatlo, "ngunit masyado pong marami kumpara sa amin ang hukbo ni Marietta kaya't nabihag po nito ang aming mga pinuno at a-ang kaibigan nitong Aswang."

"Si Manuel ba ang tinutukoy mo?" Nag-aalalang tanong ni Ador sa sugatang Engkanto.

"O-Opo, si Manuel nga p—" biglang nanlaki ang mga mata nito na tila may nakita itong nagpasindak rito sa 'di kalayuan. "Nandito pa sila!" Itinuturo nito ang direksiyon sa aming bandang likuran. Doo'y nakita namin ang hindi mabilang na dami ng mga Aswang, Demonyo, at mga Maligno. Nasa unahan ng mga ito ang impakta, buhat-buhat nito ang isang batang lalaki, habang kinakaladkad nila si Manuel, Alfonso, at Alondra sa pamamagitan ng makakapal na lubid na nakatali sa mga kamay at leeg ng mga ito.

"O, mukhang may makikisali pa sa ating kasiyahan!" Anunsyo ng impakta sa kanyang mga kasamahan habang umaabante papunta sa kinaroroonan namin.

"Maghanda kayo," bulong ko kay Ador.

"P-panginoon, ang dami nila.  H-hindi lamang yata sila sampung-libo, samantalang wala pang isanlibo ang mga kasama natin." Sagot ni Ador sa akin.

"Alam ko, hindi ako bulag!" Singhal ko rito, "Huli na para umatras kaya humanda na kayo!"

***

Ano nga bang laban ng wala pang walong daan, sa mahigit pa sa sampunglibong mandirigma, siyempre, wala. Kaya upang hindi ko naman madala sa tiyak na pagpapakamatay ang mga isinama naming dating mandirigma ni Jasper ay pinatakbo na lamang namin ang kalahating hindi masyadong bihasa  pauwi sa Edenus bago namin kusang isinuko ang aming mga sarili. At tulad ng inaasahan, sinamantala naman ng impakta ang pagkakataon upang muli akong pahirapan at saktan habang nakagapos, sa pagkadating na pagkadating pa lamang namin sa kanyang kampong may malawak na talampas.

My Guardian DevilWhere stories live. Discover now