Tiningnan ko pa ang tatlong umaligid kay Ma'am Anaya kanina at sinenyasan na nakikita ko ang bawat galaw nila.

Pagkatapos ay sumunod na ako sa pagpasok sa private jet plane, na pagmamay-ari ni Sir Koen.

Pagkapasok ko sa loob ay agad na tinuro sakin ng isa sa Flight attendant kung nasan sila Sir Koen at nadatnan ko silang dalawa na natutulog na.

Hanggang sa makarating kami sa condo unit ni Sir Koen ay sine-secure talaga nito na hindi magigising si Ma'am Anaya.

Pagkalagay ni Sir Koen kay ma'am Anaya sa kwarto n'ya ay dumiretso sya sa sofa sa sala at dun humiga dahil tanging dalawa lamang ang kwarto nya sa condo nya at naroon sa isang kwarto ang kuya n'yang si Sir Yohan.

"Sara mo na lang ang pinto kung gusto mong umalis, Dermein" inaantok na sabi ni Sir Koen at tumagilid ng higa

"Sige po, magandang umaga" sabi ko at naglakad na papalabas.

Mag a-alas kwatro na at dinadapuan na rin ako ng antok.

Malapit lang naman ang bahay ng katrabaho ko rito kaya dun na lang ako magpapahinga.

ANAYA POV

Napabangon ako sa kama dahil sa naiihi ako.

Pagkabukas ko ng ilaw ay napansin kong nasa condo ulit ako ni Koen.

Napatingin ako sa maliit na orasang nakapatong sa lamesa at nakitang alas otso na ng umaga.

Lunes din ngayon, ibig sabihin late na ako sa trabaho ko....

Agad akong lumabas sa kwarto at hinanap na muna ang cr, pagkalabas ko sa cr ay dali dali akong naglakad papalabas ngunit napatigil ako nang mapansin ko sa sala si Koen na natutulog sa sofa.

Bumalik ako sa kwarto para kumuha ng kumot at nilagay iyon kay Koen.

Wala dito si Manang Claudia ibig sabihin walang magluluto sakanya ng almusal nya.

Kaya naman pumunta ako sa kusina nya at dun tumingin ng mga pwedeng lutuin pang almusal at pang tanghalian na rin nya.

Mukhang hindi na rin naman ako makakapasok dahil late na ako.

Wala rin akong valid reason para kapalan ang mukhang pumasok kahit anong oras na, di gaya nung bumisita ako kanila papa at nakapagpaalam na ako na baka hindi ako makakapasok, pero humabol pa rin ako nun dahil sa naalala kong tambak pala ang gawain ko.

Dalawang oras din ako nagluto ng mga ulam dahil sa di ko naman kaya maging sonic sa bilis, hanggang hapunan na rin ang niluto ko at mag n-notes na lang ako na tingnan sa ref nya ang ibang pagkaing niluto ko.

Niligpit ko na ang mga ginamit ko sa pagluluto at hinugasan ito.

"Tulungan na kita" sa gulat ay dumulas sa kamay ko ang isang babasaging bowl na naging dahilan para mahulog ito at mabasag sa lababo. "Anaya, ayos ka lang? Sorry, nagulat ka ba?" dama sa boses ni Koen na kinabahan sya at agad nya akong pinaharap sakanya.

Gulo pa ang buhok nito at ang kaninang paos n'yang boses ay naging normal na, siguro dahil nagising na sya tuluyan. "May masakit ba sayo? Sorry talaga" naaaligaga nyang kinuha ang kamay ko at tiningnan iyon.

Dahil sa hindi sya nagtigil kaka-"sorry" ay pinitik ko ang noo nya nang matauhan sya. "Wala akong sugat, walang masakit sakin. Kaya tumigil ka na kaka-'sorry'," suway ko. "Saka sino nagsabi sayong pwede mo akong hawakan?"

Para syang nabunutan ng tinik sa paraan ng paghinga nya kaya naman tumalikod na lang ako at ipagpapatuloy na sana ang paghuhugas nang igilid nya ako at kumuha sya ng plastic para dun ilagay ang bubog sa lababo

Di ko na sya pinigilan, pero wala pang ilang segundo ay may nakita na akong lumalabas na dugo sa daliri nya pero wala s'yang ingay na ginawa at mabilis na tinanggal ang mga bubog at binuksan ang gripo para dun paagusin ang dugo habang ang mga maliliit na bubog na parang alikabok ay pinadadaloy nya.

"Sir Yohan, san nakalagay medical kit n'yo?" Walang gana kong tanong sa kagigising pa lang na kapatid ni Koen at kukuha sana ng pagkain sa ref nila

Sinarado nya ang ref at dumiretso sa kabinet para kunin ang lalagyan ng medical supplies. "Miko na lang" ngiti nyang sabi at napatingin sa countertop. "Pwedeng makikain?" Tanong nya at ngumuso sa mga pagkain.

Tumango naman ako. "Oo, sainyo naman talaga yan" sabi ko at agad na lumapit kay koen na kakatapos lang ilagay sa trash bin ang bubog at tinalian ang plastic sa trash bin

"Bakit?" Tanong nya, nilahad ko naman ang kamay ko sa harap nya. "Ano yan? Gusto mong hawakan ang kamay k— hoy Miko ba't nauna ka pang kumain sa akin?" At akma na sana nyang lalapitan ang kuya nya nang pigilan ko ito sa pamamagitan ng pagpulupot sa leeg nya ng braso ko.

"Bitawan mo'ko Anaya, inunahan nya ako kumain ng niluto... Mo... Para... Sakin" unti unti syang huminahon at tumigil sa pag t-tantrums, kaya binitawan ko na sya at halos habol hininga sya dahil sa pagkakasakal sakanya.

Pero ilang minuto na ang nakalipas ay parang nahihirapan pa rin sya huminga na napaupo na lang sya habang hawak ang dibdib nya hanggang sa maalala kong may sakit nga pala sya sa puso dati at kahit na nakapag heart transplant sya maaari pa rin syang magka heart failure o ano.

Agad ko s'yang pinantayan ng upo at pinunasan ang pawis nya gamit kamay ko. "Koen, ayos ka lang? Pasensya na nakalimutan ko— Miko, tulungan mo naman ako" tingin ko sa kapatid nito na parang may sariling mundo at tanging sya at ang pagkain lang sa harap nya ang nasa mundong iyon

"Kaya nyo na yan, matatanda na kayo"

"G-gusto mo ng tubig?" Hirap syang umiling habang hirap pa rin sa paghinga. "E anong gagawin ko sayo?" Ramdam ko ang panginginit ng mata ko.

"S-saglit, tatawag lang ako ng Doctor— Miko, tulungan mo akon-" napatahimik ako ng hawakan ni Koen ang ulo ko at idikit yun sa dibdib nya.

Normal naman ang tibok ng puso nya?

Napatigil ako sa pag-iisip nang tumawa sya at niyakap ako nang mahigpit, pagkatapos sinubsob nya ang mukha nya sa balikat ko para bumulong. "Nag alala ka ba?"

Mabilis pa sa alas kwatro ko syang tinulak para makaalis at tumayo.

Nararamdaman ko ang panginginit ng pisnge at tenga ko kaya agad akong lumapit kay Miko at umupo sa tabi nya. "Tama ka, kaya na ni Koen ang sarili nya. Matanda na sya" sabi ko at nakisalo sa pagkain.

"Told 'ya"

Tumigil sa pangangasar si Koen at agad na tumayo't kumuha ng upuan at inusod ako palayo sa kuya nya at sya ang gumitna.

"Distance"





LET'S GET MARRIED!Where stories live. Discover now