"My what? My husband?!"

Magsimula sa umpisa
                                    

Saka marami na akong ginagawa sa araw araw, bukod sa pagiging empleyado dito sa kompanya ay may hinahandle rin akong restaurant na may limang branch dito sa pilipinas.

Ang restaurant na yun ay family business ng lola at lolo ko sa side ni papa, ang alam ko ang pamilya ni papa ay nagsimulang magtatag ng maliit na kainan sa japan dahil sa, si lolo ay japanese at si lola ay half filipino at chinese. Ang nanay nila lola ay filipino at chino naman ang tatay. Kaya naisip nilang ipagsama ang dish ng mga hapon, chino at pinoy sa iisang menu lang.

Malay ko ba pano nagkakilala ninuno ko. Pagkatapos, dun sila nanirahan sa japan at ilang taon ang nakalipas unti unting nakikilala ang kainan na yun at paunti unting dumami ang branch ng restaurant na yun hanggang sa napunta na rin sa pilipinas ang kainan.

At ayon sa last will testament ng lolo at lola ko, ang panganay na anak ng mag asawang Shimen ay ang magmamana ng hacienda ng pamilya na orihinal na pagmamay-ari ng pamilya nila lola.

Ang pangalawamg anak naman ang magmamana ng japan branch ng Menko restaurant, alam ko nakuha nila ang pangalan ng restaurant na "menko" dahil sa pinagsama nila ang apelyido nilang "shimen" at "ko".

At ang bunsong anak na si papa ang nagmana ng branch nila rito sa pinas.

Pero dahil suwail ang tatay ko at hindi pinagtuunan ng pansin ang negosyo at mas piniling maging sundalo at pakasalan si mama napilitan sina lolo at lola na ilagay sa pangalan ng panganay na anak ni papa ang restaurant nila sa pinas at ako yun.

Galing 'no?

Kaya pagkatungtong ko ng bente sinko anyos ay nagulat na lang ako na may restaurant na ako at ang tatay ko ay peace sign at bungisngis na mukha lang ang binandera sakin.

Buong pagkabata ko akala ko simpleng sundalo at house wife lang ang magulang ko, at isa lang kaming ordinaryong pamilya. Yun pala mga bigatin at anak mayaman sila na tinakasan ang responsibilidad dahil sa pagmamahalan nila sa isa't isa.

So gross.

"Ms Shimen, tama na muna yang trabaho. Kumain ka muna" napatingin ako kay Liam nang may iabot syang lunch box at canned juice sakin.

Liam Pascual, sya ang sinabi kong ipalit sakin sa posisyon ng vice president. Dahil maganda rin naman ang pinapakita nyang performance at nalaman ko rin na may malubhang sakin ang nanay nya at kasalukuyang nakaratay sa hospital- nalaman ko yun kasi narinig ko syang humihikbi habang lasing nung nagkaayaan kaming magkaron ng party ng buong team, tinanong ko sya ba't sya umiiyak at sinagot nya naman na dahil sa problema sa pera na pambayad ng bill ng mama nya sa hospital.

Kinuha ko ang launch box at juice at ngumiti. "Salamat, nag abala ka pa"

"U-uh wala yun, pasasalamat ko lang yan sayo. Sobra sobra na rin kasi ang tulong na ginawa mo sakin... k-kaya, kung may kailangan ka tawagan mo lang ako" ani'ya at umalis na.

"O-okay?"

Binuksan ko ang launch box at halatang homemade ang pagkakaluto. "Husband material talaga ang isang yun" iling kong sabi at sumubo.

Mula nung tinulungan ko sya sa money problem nya lagi nya na akong binibigyan ng pagkain, at nung hindi ako pumasok sa trabaho dahil sobra akong na stress nung nagka issue sa isang restaurant at nahirapan akong ayusin yun ay pinuntahan nya ako sa condo at kinamusta habang may dalang pagkain.

"Siguro gusto nya talaga akong patabain" mahina kong bulong habang nakatingin kay Liam.

Maputi, matangkad, medyo gwapo rin, friendly, mama's boy at magaling din magluto- bakit kaya di ko naisip na sya ayain maging asawa?

LET'S GET MARRIED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon