Chapter 21- birthday gift

1K 39 24
                                    

WARNING⚠️: SLIGHT SPG CONTENT!!!!

Alam niyo na ang gagawin at alam ko rin na alam niyo kung ano ang tinutukoy ko. 

Kaya mga bata umalis mo na kayo ipaubaya niyo muna ito sa amin!! 

Sit back, relax and enjoy the ride~

_________________________________________________

"Ma'am saan ba tayo pupunta?" curious kong tanong sa kanya.

Nanginginig na din ang katawan ko dahil sa takot. Paano ba naman ay pumasok lang naman kami sa isang masukal na gubat at napakadilim pa. Yung sinag ng buwan ay hindi na makalusot sa loob ng gubat dahil sa mayayabong na mga puno.

"Basta." yun lang ang sinabi niya at hinila na ako sa kung saan.

"M-ma'am, are you sure na safe dito?" palingon lingon ako sa paligid baka kasi may bigla nalang sumulpot na kung anong halimaw at lapain kami ni Ma'am.

Napahinto ito saglit at lumingon sa akin.

"Do you trust me Aki?" Seryosong tanong nito.

Napalunok ako.

"Yes Ma'am, I do po"

"Then, shut your mouth and just follow me!" Strikta niyang palatak sa akin, binitawan nito ang aking kamay at nauna ng maglakad.

"Ma'am hintayin mo ako iiiihhhh!!!" parang wala lang itong narinig at diretso lang na naglakad ng mabilis.

Binilisan ko ang lakad at eventually ay tumakbo na papunta sa kanya kasi nakarinig ako ng kaluskos sa bandang likod ko.

"Ma'am saglit lan–WAG KA NAMANG TUMAKBO, PARANG AWA MO NA!!" mas binilisan ko ang takbo pero si Ma'am ay tumakbo din ng mabilis. Narinig ko pang nag echo ang tawa nito.

Naiinis ako kasi ang isip bata niya.

Alam niya na ngang natatakot ang tao eh.

"Ma'am naman eh!!"

Patuloy lang ito sa pagtakbo habang tumatawa.

"MA'AM!"

Naiiyak na talaga ako

"Ma'am!!"

Wala talaga. Hindi talaga lumingon.

"MOMMY" sigaw ko dito na nagpatigil sa kanya.

Kinuha ko ang opportunity na yun para tumakbo dito at kumapit ng mahigpit sa braso niya.

Hindi ito gumalaw at nakatingin lang sa harap.

"M-ma'am ano ba. Tara na!" yaya ko dito. Parang feeling ko may nakamasid kasi sa amin.

"Don't say that again kahit saan lang Aki ha?" nanginginig nitong sambit at huminga pa siya ng malalim. Mahigpit lang ang kapit ko sa braso niya habang naglalakad kami ng di gaano nagmamadali.

"Yung alin po Ma'am?" wala sa sarili kong tanong sa kanya. Hindi kasi sa kanya ang full attention ko kundi sa paligid namin. Mamaya may lumabas pang aswang sa kung saan at least ready ako.

"That word..." tumingin ako sa kanya dahil naghihintay ako ng isusunod niya pero wala itong sinabi. Hindi ko alam anong reaksiyon nito ngayon kasi nga madilim ang paligid.

"Yung ano Ma'am?" nakakunot kong tanong dito.

"That word..m-mommy.." hingal nitong saad sa akin.

"Po? Ayaw mo bang tinatawag kitang...—" napatigil ako sa pagsasalita ng makita ko ang reaksiyon nito ngayon.

Nasa isang malawak na kasi kaming damuhan at nakalabas na sa mga mayayabong na puno kaya dahil sa liwanag ng buwan ay nakikita ko ang nagdidilim nitong mukha. She was breathing heavily and parang namamawis.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 29 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Author's Crime Where stories live. Discover now