Chapter 20- Confession

1.1K 46 42
                                    


"Talaga? Hahaha that's epic!" tawang tawa ako sa kwento ni Heaven tungkol sa bago niyang investor.

Nandito kami sa Prada store para magshopping. 

Ayaw ko pa noong una pero pinilit niya ako. Gusto niya kasi akong bilhan ng kung ano ang maisip niya kasi I deserved it daw.

And she want to spend time with me kasi lately napapadalas na ang pangingibang bansa niya. Hindi na ako tumutol at hinayaan lang siya sa gusto niyang gawin.

Mukhang mapapalitan na si Ma'am sa pagiging sugar mommy ko ah. hahaha

And plano ko rin sanang bumili ng damit para sa birthday ko. Regalo ko na rin para sa sarili ko. Sabi ni Ulan na sa isang resort daw kami magcecelebrate. Actually siya na ang nag asikaso sa lahat. Sa venue, food, and others na kailangan for my birthday. Binigay ko nga yung naipon ko sa pagtatrabaho para pandagdag sa gastos. Ayaw niya sanang tanggapin pero I convinced her kaya wala na itong nagawa kundi ang tanggapin.

Sabi ko naman kasi sa kanya na gusto kong simple lang ang birthday ko eh. Sapat na sa akin na nandiyan silang mga kaibigan ko at syempre pati na si Ma'am. Pero yung isa mapilit talaga. kesyo 18th birthday ko daw dapat bongga kasi debut ko yun. Ewan ko nalang basta ayaw ko nung may sayaw sayaw thingy with boys. Baka masukahan ko pa sila.

"Let's eat na muna Baby. I'm hungry na eh" inilagay ko sa isang malaking cart ang lahat ng paper bag ng pinagbilhan namin ng mga damit. Kung bibitbitin ko kasi ay di ko kaya. Sa dami ba naman ng binili ni Heaven ay baka masmabigat pa sa akin ang lahat ng binili namin.

"Sige nagutom din ako sa kakashopping eh" pagod kong sabi sa kanya.

Masaya kaming pumunta sa isang fastfood dito lang din sa loob ng mall.

Habang masayang kumakain ay naka received ito ng phone call. Kita ko ang pagkunot ng noo nito. Nag paalam muna ito sa akin para sagutin ang tawag.

"Aki stay here. I have to go to the bathroom." nagmamadaling umalis ito at hindi na hinantay ang sagot ko.

Hinayaan ko nalang siya at pinapatuloy ang pagkain. Pero mag-iisang oras ng hindi nakakabalik si Heaven kaya nakaramdam ako ng pag-aalala. Niligpit ko na ang aming mga gamit at tinawagan siya pero hindi siya sumasagot.

Napagdesisyunan ko na sundan ito sa banyo.

Hindi ko siya mahanap kaya maslalong nadagdagan ang pag-aalala ko. Baka may masama ng nangyari sa kanya.

"Heaven asan kana?"

Nilibot ko ang aking paningin. Sinubukan kong puntahan ang lahat ng pwede niyang puntahan dito sa mall.

Hanggang sa nakita ko ito malapit sa isang fire exit dito sa mall may kasama siya.

"Ate Xi?" mahina kong tanong sa sarili ko. Malayo ako sa kanila pero kitang kita ko rito at nakasigurado akong sila yun.

Mukhang nagkakainitan sila. May pinagtatalunan ata. Kita ko kasi na parang galit na galit si Heaven kay Ate Xi.

Lalapit na sana ako sa kanila ng makita kong may isa pa silang kasama.

Noong una ay napakunot ang aking noo ng makita ko ang isa pa nilang kasama.

Biglang namuo ang pawis sa aking kamay at nanindig ang aking balahibo ng aking mapagtanto.

Gulat ang rumihistro sa aking mukha na napalitan din ng paglukot nito.

"A-arayy" napahawak ako sa aking ulo na ngayon ay sumasakit ng sobra. Parang unti unti binibiyak ang aking ulo sa sobrang sakit. Feeling ko ay mahihilo ako dahil sa hindi ko na kinakaya ang kirot na nararamdaman ko kasabay ng pagtulo ng aking luha ay ang paglinaw ng kanyang mukha sa aking alaala.

The Author's Crime Where stories live. Discover now