Part 5- Pain

2.2K 84 18
                                    

Trigger Warning! ⚠️

This chapter contains violence, traumas, death and gore that may be upsetting or triggering to the readers. Feel free to skip this chapter.

____________________


Ilang araw nadin na di ko pinapansin si Ma'am Viel.
Aba! ang swerte niya naman para ako yung unang pumansin sa kanya, kahit na crush ko siya at future asawa dapat alam niya rin yung mga boundaries between us.

Pero pag bubuka siya sa harap ko why not diba? Grasya yan dapat wag sayangin, halina't kumain, tikman at sisirin. Sa langit ay papaliparin, kaligyahan ang dalangin. Chariz! Kamanyakan na naman!

Well parang di naman nakaramdam si Ma'am na nagtatampo ako sa kanya. Di man lang nag effort na suyuin ako. Palagi nalang akong binibigyan ng masamang tingin sa tuwing nagkakatinginan kami at parati ko rin siyang iniirapan kaso ayun lagi akong tinatawag sa klase para tanungin ng lesson namin.

Ay putek kala niya di masakit mag explain gamit kamay?
Tapos ayaw niya pa kapag maikling explanation yung gawin, gusto niya talaga yung pang essay na sagutan eh.
Tapos papasulatin niya rin kami ng sandamakmak na lesson, eh pwede namang iprint nalang namin.
Ayan tuloy feeling ko di ko na maramdaman ang mga kamay ko shet! Nagmamanhid na parang siya sobrang manhid.

Gusto ata na ako yung mag sorry kahit kasalanan niya naman eh. Tapos yung magic sarap ko di parin sinasauli matapos kung itapon sa kanya nung nakaraang araw. Tssk. Kala niya siguro mag sosorry ako sa kanya, ang swerte niya naman. Ano siya gold?

Kaya heto ako ngayon sa labas ng office niya, mukhang tangang nakatayo tas may hawak na teddy bear, flowers at chocolate. I sigh for the 3rd time. Kailangan ko siyang suyuin kahit di naman kami.

Di ko alam kung kakatok ako or something kasi naman po yung pride ko naapakan na eh. Ayaw kung nanunuyo ng tao kasi kahit ako may kasalanan dapat ako yung suyuin. Pero heto ako breaking my life rules. I exhaled those remaining nervousness in my body at pinihit ang pinto.

Shit nalimutan ko na namang kumatok ang bastos lang pero i-go ko na to na buksan na eh. Papasok na sana ako ng marinig ko ang kanyang mabining tawa.

"Ofcourse Love, I'm always free for you." rinig kung sabi ni Ma'am.

Humigpit ang hawak ko sa doorknob ng pinto kasi feeling ko matutumba na ako anytime.

Love? May boyfriend na siya? Girlfriend?

Bago ko pa marinig ang susunod niyang sasabihin ang dahan dahan kung sinira ang pinto kahit nanginginig yung kamay ko at mabilis na akong umalis roon.
Fuck. Ano to? Sakit naman sa heart. Ayaw ba ni Ma'am sa akin? Mali ba approach ko sa kanya nung first met namin kaya pinagpalait niya ako or maybe matagal na siyang may jowa?

Tinapon ko sa basurahan lahat ng dala ko para sa kanya.
May boyfriend na pala yun bakit niyang hinayaan na halikan ko siya?

Ay tanga. Napakatanga ko. Syempre hindi niya gusto na halikan ko siya. Napilitan lang yun kasi pinilit ko. Mali ba pagkakaintindi ko? Eh diba ganun naman yung sa mga movies diba? And I know girls will like it if someone is a bit aggressive like that right? Pero sino naman ang gugustuhing halikan ng ibang tao kung may boyfriend na ito? Tanga ka Akiyah.

Hindi ka niya gusto Akiyah. Sadyang pilit mo lang pinagsiksikan ang gusto mong mangyari sa reyalidad kung nasaan ka.

Pigil luha akong naglalakad sa hallway. Pinagtitinginan narin ako ng ibang estudyante at guro. It's lunch time kaya sobrang daming tao ang nagkalat.

Dali dali akong naglakad ngunit sa di inaasahan ay may nakabunggo ako.

"What the fuck dude?! Are you blind?!"

The Author's Crime Where stories live. Discover now