Chapter 16- First day of school

2.2K 52 72
                                    

Parang maiihi ako  sa aking pantalon sa sobrang kaba.

Nasa labas ako ng VTIT Campus at ngayon ang first day ng klase.

I know I've been here before pero iba na ngayon. I will definitely deal with those noisy people unlike my previous classmates na sobrang tahimik at may mga sariling mundo (maliban nalang kay Marie syempre).

Tsk. 

Kila Tobs palang nga nag iinit na ang ulo ko, paano nalang pagmadami na akong nakakasalamuha na masmaiingay sa kanila? Kakayanin ko kaya?

Hayyss.

Tapos ngayon paniguradong normal classes na ang meron ako, so basically mas magiging busy na ako each subjects. 

Iniisip ko palang kung gaano ka busy ang magiging schedule ko sa araw araw ay parang gusto ko nalang umuuwi at matulog.

“BEEEEEEKSSSS!! YOHOOOOOO!!HAHHAAHHAHAHAHAHAH”

Nakita kong kumakaway si Tobs sa direksyon ko at patakbong papalapit dito. Kasama niya naman si Levo at si Yanni na nakasunod lang sa kanya.

Umiiling iling nalang si Yanni at kumaway sa akin bago lumihis ng landas. Parehas siguro kami na ayaw makasama ang dalawang toh.

At dahil sa pag sigaw ni Tobs ay nakatingin na ang mga estudyanteng dumadaan malapit sa amin.

Madami dami narin ang mga taong nandito kasi first day of school at may orientation ang mga first year college, transferee at ang mga grade 11 tulad ko ngayon. 

Grade 12 na sana ako ngayon katulad nila Tobs at Levo ang kaso ay hindi pa pwedeng magproceed kasi I spend my last school year in a special school program kaya may mga subject talaga akong kailangang kunin muna para maging grade 12 ako.

And there is a ton of them. 

Ano lang naman kasi ang napag-aralan namin sa special program nayun?

Mostly kasi for the convenient ng mga may special needs ang mga subjects namin. 

Like sign language, self defense, rights ng mga may special needs, basic skills and learning and etc. kaya kailangan kung maging grade 11 muna. Pero may mga advance subjects naman akong kinuha kaya may pagkakataong magkakaklase kami nila Tobs sa iisang subject. 

Si Marie naman ay nanatili sa special program ng school kasi syempre bingi parin yung isang yun. Walang pinagbago, gumagamit lang talaga siya ng hearing aide.

Si Yanni naman at Ulan ay magkablockmate din sa college. Mga graduating na ngayon.

Dahil sa nahihiya ako sa ginawa ni Tobs ay patakbong akong umalis mula doon.

“HOOOOY BEKS BAKIT KA TUMATAKBO? HAHAHAHA GUSTO MO BA MAGLARO NG HABULAN? LEV TARA HABULIN NATIN HAHAHAHA” Pagsigaw na sabi ni Tobs. Bwisit talaga nakakahiya na siya!

“SIGE TOB!! KUNG SINO UNA MAKAKADAKIP SA KANYA AY BABAYARAN NG 10K”

“GAME HAHAHAHA!”

At pinagpustahan pa nga ako. Mga walang magawa sa buhay!

Maslalo kung binilisan ang takbo ko para di nila ako mahabol. 

Kailangan kung pumunta agad ng gymnasium dahil doon gaganapin ang orientation. 8am ang start at 7:45 na kaya dapat kung bilisan.

Lumusot ako sa teachers’ building at tumakbo papuntang likod.

Doon ko na nga nakita ang pagkalaki laking gym na eskwelahan. Nakita ko narin ang building ng senior high na di ko akalain na nandito pala sa pinakalikod ng school.

The Author's Crime Where stories live. Discover now