Chapter 6- Lunch

2.1K 75 14
                                    


"Wipe the bookshelf and also the books. Make sure walang alikabok na maiiwan."

"And also check the quiz papers of your classmates and make sure to finish it before going home."

Napaka swerte naman ni Ma'am. Matapos siyang nag leave ng 2 weeks ng walang pasabi eh tatambakan niya kami ng quizzes at projects? At hindi pa na kuntento, pinaiwan niya pa talaga ako kanina sa afterclass. Akala ko pa naman namiss niya ako yun pala ay uutusan lang pala akong maglinis ng office niya before going home daw kasi 2 weeks nang walang linis. May janitor naman kami sa school bakit ako pa talaga inutusan eh.

Pabida din to si ma'am minsan.

Kapag papansinin ko, ayaw naman akong kausapin. Pag di naman pinapansin, halos mamuti na ang mata sa kakairap tas lagi pa akong tinatawag sa klase at di pa na kuntento pinalinis pa ako ng office niya ngayon.

Tsk.

Mabuti nalang crush ko si ma'am at namiss ko rin kahit masama ugali nito, kung hindi baka kinurot ko na to gamit nail cutter. Pabida masyado eh. Kaya heto ako ngayon busy kakatingin sa kanya- I mean busy kakalinis ng bookshelf niya habang nakatingin sa kanya. Na ngayon ay busy sa kung ano man ang ginagawa niya sa computer niya.

Pagkatapos nung nangyaring kababalaghan dito sa school nag resume din ang klase kinabukasan. Pero ang nakakapagtataka ay tinigil ng pamilya nung biktima ang paghahanap sa kriminal. Basta kinabukasan nun ay wala na kaming narinig na balita at di na rin naman pinaguusapan dito sa school.

And at that time ay di rin mahagilap si Ma'am Viel dito sa school. Di rin naman siya pumasok sa subject namin. Sabi ng Substitute prof namin ay nag leave daw ito ng 2 weeks pero wala namang binigay na rason. Tinanong ko siya kanina anong reason kung bakit wala siya this past few days ay di rin naman ako sinagot. Saya naman kausap. Nakakakilig.

Matapos kung linisin ang bookshelf at iarrange ang mga books in chronological order( utos niya) ay dahan dahan akong lumapit kay ma'am at kinilabit siya.

Gagi di ako pinapansin kaya kinilabit ko siya ulit ng mga five ka beses.

"WHAT?!" galit na naman eh.

'What if gusto mo rin ako Ma'am pero ayaw mo lang mag first move kasi nahihiya ka?'

She looked at me with no emotion at binalik na ulit ang tingin sa computer niya. I smiled widely because of her no reaction face. Kinilabit ko siya ulit at ng di ako pinansin ay kinalabit ko ng isa pa, dalawa, tatlo

apat

lima

anim

pito

walop

GAGU winalop ako ni ma'am gamit libro.

Dahil sa di inaasahang atake ay na pabagsak ako sa sahig. Mabilis akong kumilos at pinalo siya sa kanyang kaliwang kamay. Di naman agad siya nag patalo, mabilis niyang ginalaw ang kanyang mga paa para patirin ako. Dahil nabasa ko ang galaw niya ay mabilis din akong tumalon paatras. Kinuha ko ang limang unan na nasa sofa ni Ma'am at isa isa itong itinapon sa kanya.

"OUCH! CAN YOU STOP?! BUSTON I SAID STOP THROWING THOSE DAMN PILLOWS!"

Di ako nakinig sa kanya. Kinuha ko ulit yung mga unan na tinapon ko sa kanya at mabilis lumayo para itapon ulit sa kanya isa isa. Boom head shot!

"OUCH! STOP IT YOU IDIOT!" anong itigil? Inumpisahan ko to kaya tatapusin ko to!

Pupulutin ko na sana ang mga unan na tinapon ko sa kanya ng di sa inaasahang nahuli ni ma'am viel ang kamay ko. Dahil na rin nasa game mode ang katawan ko ay hinila ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya kaya naman nawalan siya ng balanse at napahiga sa ibabaw ko.

The Author's Crime Where stories live. Discover now