Chapter 17- Date

1.7K 63 53
                                    



Nawili ako dito sa library at di ko namalayang malapit ng gumabi. Kanina kasi pagkatapos ng last subject ko sa hapon ay dumeretso ako ng library para mag advance study sa subject ni Ma'am Viel. 

Magkakaroon kasi kami ng pre-test bukas at recorded pa kaya dapat hindi ako magpa petiks petiks lang. Isinara ko ang libro na binabasa ko kanina at inayos na ang ibang gamit para makauwi na.

Pumunta muna ako sa counter dito sa library upang humiram ng ilang libro. Plano ko kasing basahin ito bago matulog.

Hindi pa naman ako masyadong busy ngayon kasi bukas pa naman ang start ng trabaho ko kay Ate Xi at wala din naman kaming gig ngayong week.

Nandito ako ngayon sa labas ng school, nag-aantay ng masasakyan pero mag dadalawang oras wala paring dumadaan.

Hindi naman ako nakasabay kina Ulan kanina kasi maaga itong umuwi at ako naman ay may plano talagang tumambay ng library. 

At tsaka pumunta silang lahat sa isang party kasama rin si Heaven na kakauwi lang kanina. Party daw yun para sa mga business people, politicians at may umattend ding mga kilalang tao. 

Gusto sana nila ako sumama kanina pero ayaw ko. Di ako mahilig umaattend sa mga event na ganyan. Mas gusto ko pang matulog o di kaya mag basa ng libro.

Habang nakaupo dito sa may waitingshed sa harap lang ng campus namin ay may na aninag akong paparating na isang jet black mica Mazda MX-5 2023 car.

Huminto ito mismo sa harap ng gate.

I sipped my sterilized milk while looking intently at the car.

Sino kaya yun?


gandang sasakyan ah! pangarap ko din na magkaroon ng ganyang sasakyan.


Pag madami na akong pera bibili ako ng madaming sasakyan para araw araw ay iba iba ang ipang susundo ko kay Ma'am.


Binalik ko ang atensiyon ko sa sasakyan, hindi naman lumalabas ang tao sa loob.

May hinihintay kaya siya sa loob?

Mga ilang minuto din akong nakatingin sa sasakyan ng mapansin kong may papalabas na babae mula sa gate ng school.

Kita ko kung paano siya kumislap gawa ng sinag ng buwan. She is wearing a gray off shoulder long slit gown na kitang kita ko kung gaano kakinis ang kanyang mga legs kahit na malayo ako sa kanya. Her sexy shoulder and collarbone are also showing and glowing under the moonlight.

Pinusod niya ang kanyang buhok into a bun kaya naman ay kitang kita ko ang makinis at mahaba nitong leeg. Kahit na light make up lang ang nilagay niya sa kanyang mukha ay napaka ganda pa rin niya.

Siguro ay aattend din siya ng party na dinaluhan nila Ulan. sana pala ay sumama nalang ako kanina. Sayang naman. Di ko kasi naisip na pupunta din Ma'am Viel doon.

Viel's Outfit:

Viel's Outfit:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
The Author's Crime Where stories live. Discover now