Chapter 19-Lunch

1.6K 58 30
                                    

Ilang araw na ang lumipas malapit na ang pasko at malapit narin ang 18th birthday ko. 

Hindi talaga ako excited sa birthday ko pero nangungulit kasi sila Tobs na mag outing kami kaya nagsusumikap ako makahanap ng trabaho kasi ayaw ko naman na sila ang gumastos.

Sa ilang araw na lumipas ay nagkaroon ako ng dalawang part time job maliban pa sa gig kasama ang banda. Every friday and saturday kasi ang gig at ang part time ko naman ay sunday hanggang thursday.

Isa sa cafe at ang isa sa convenience store.

So bali 8:30AM to 3:00PM ay nasa school ako tapos 3:30PM to 8:30PM ay nasa cafe ako at 9:00PM to 2:00AM naman ay cashier sa isang convenience store.

Kaunti lang ang tulog ko kaya minsan ay inaantok ako sa klase.

Kahit sa klase ni Ma'am ay inaantok ako minsan nga nakakatulog pa pero laking pasasalamat ko ng hinahayaan niya lang ako.

Lagi niya rin akong pinapapunta sa office niya pero hindi para utusan kundi patulugin tas gigisingin para kumain.

Minsan nga nagrereklamo ako sa kanya kasi parang hindi niya kasi ako scholar dahil never niya naman akong pinacheck ng kanyang mga papers or di kaya ay utusan ng kung ano. Mas nag mumukha nga akong sugar baby niya.

Everyday ba naman free meal sa kanya tas minsan pag wala siyang work ay hinahatid niya ako sa trinatrabahuan ko. 

May time dati na gusto niya akong tumigil sa part time ko at siya na lang daw ang magpapasahod sa akin triple sa kong magkano ang sahod ko pero tumanggi ako kasi masasayang lang yung pera niya.

Hindi niya naman kasi ako hinahayaan na tulungan siya sa trabaho niya. Lagi niyang sinasabi na I'm too stupid to help her kaya pinapatulog niya lang ako at pinapaubos niya pa ang pagkain sa ref para di daw mapanis. 

Weekly pa naman siya kung maggrocery tas ako lang nakakaubos. Hindi ko siya pinansin ng ilang araw kaya ayun hinayaan niya lang ako magtrabaho.

Wala pang customer kaya naman ay sinubukan kong mag advance study sa lahat ng subject ko.

Natrauma na kasi ako sa score kong zero noong nagpa long quiz si Ma'am Viel. Biruin niyo, hindi ba naman ako pinapasok sa klase ng ilang araw at pinalinis sa akin ang likod na bahagi ng building.

Since ako lang mag-isa ang nakakuha ng mababang marka ay ako lang din ang naglilinis sa likod ng building.

Napakacreepy pa naman ng lugar na yun at everytime na nandoon ako ay tumatayo talaga balahibo ko. Kaya nag-aaral na talaga ako for real kasi ayaw kong maglinis doon. nakakatakot.

Habang seryosong sinasagutan ang textbooks ko may kumalabit sa akin. Pagkaharap ko sa kanya ay nagulat ako.

"Ate Noel! Bakit ka nandito?" niyakap ko ito at ganun din siya.

Malaki ang kanyang ngiti habang nakatingin sa akin.

"Baby Aki! Grabe! Dito ka rin pala nagtatrabaho? Ikaw pala yung kapalitan ko dito! Napansin ko lang lagi tayo pinagtatagpo Baby. Una sa Cafe ngayon dito sa Store!" Excited nitong sabi sa akin.

Magkatrabaho din kasi kami sa Cafe tapos ngayon dito sa Convenience Store. Pati nga ako nagulat noong nakita ko siya. Simula kasi noong nailipat ng kulungan si Honey ay hindi na kami nag kita nila Kuya Hero at Ate Noel. Naging busy din kasi ako sa sarili kong buhay.

"Oo nga ate. Ngayon ko lang nalaman na dito karin nagtatrabaho! Pero Ate sobrang maaga pa naman 11:30 palang, mamayang 2AM pa ang shift mo" she sat beside me dito sa counter at naghalukipkip.

"Wala na akong gagawin eh kaya dumeretso na ako dito" kaya pala. 

Nag usap lang kami ni Ate Noel at tinuruan niya din ako sa mga subjects ko kaya mas mapadali ang pagrereview ko. Syempre magaling talaga si ate Noel kasi naman running for suma cumlaude siya sa kanilang Uni.

The Author's Crime Where stories live. Discover now