Chapter 14- A cry of despair

2K 47 60
                                    


"Kuya Hero ano pong meron?"


Nakakapagtaka na anong oras na pero di parin bukas ang CAFElink.


Nandito rin ang mga ibang empleyado sa harap ng coffee shop pero di ko nakikita si Miss Honey.


"Oh Aki, nandito ka na pala!" ginulo nito an g aking buhok at niyaya akong umupo sa isang upuan ng shop dito sa labas.


"Aki..ano kasi.." bumuntong hininga ito at tumingin sa akin. Mukhang problemado ito.


" Ano ba kasi yun kuya? Sabihin muna " bagot na bagot kung sabi habang nakahalumbaba dahil sa kanina ko pa hinihintay yung sagot niya.


"W-wala na ang CA-"


"Hero!!" nilingon namin kung sino ang tumawag kay Kuya Hero. nakita namin si Ate Noel na humihingal sa sobrang pagod kakatakbo papunta sa amin.

"Bakit Ate Noel? Anong problema?" nag aalalang tanong ni Kuya Hero.

"S-si Honey... kinuha ng mga pulis!" mangiyak ngiyak nitong sabi. ANO DAW? Bakit?

"Huh?! Bakit daw?" gulat na tanong ni Kuya Hero.

"Ang sabi nung pulis ay marami daw na investors ni Honey ang nagreklamo sa kanyang pagnanakaw. Kaya kinasuhan siya ng estafa!"

"Hindi ba pwedeng bayaran para mapiyansahan nalang siya?" tanong ko dito.

."Sa pagkakaalam ko ay 12 years mahigit yung pataw sa kasong ito pero hindi pwedeng magbayad para makapagpiyansa siya. At kung sakaling pwede nga ay wala ng maipambabayad si Honey." malungkot na saad ni Ate Noel.

"Huh? Bakit naman?"

" Narinig ko kasi sa ibang employees na may naghack daw ng mga bank account ni Honey at ninakaw ang lahat ng laman nito, ni kahit piso ay walang natira. At yung ibang mga business niya naman pati yung sa mga magulang niya ay nag pull out na ang mga investors sa hindi malamang kadahilanan. Kaya naman lahat ng business nito ay bankrupt na!! Yung mga magulang niya ay di rin mahagilap."

So ibig sabihin lang nito ay mahirap na ang buhay ni Honey? Tapos nakulong pa siya. Estafa? Mabigat na parusa yan at hindi ako naniniwala na tama ang paratang nila. At sino naman ang nagnakaw ng pera nito sa bangko at sino ang naging dahilan kung bakit nagpullout ang mga investors nito? Ano kaya dahilan nila bakit siraan niya ng ganito si Honey?

Naawa ako sa kanya. Napakabuting tao ni Honey at napakamasiyahin pero sa isang iglap lang ay nasira ito ng mga taong walang ibang ginawa kundi ang manira ng kapwa nila.

Sana naman makonsensiya sila.

______________________________________

"Sorry talaga.. Ng dahil sa akin nawalan pa kayo ng trabaho" umiiyak na saad ni Honey.


Nandito ako ngayon sa police station kasama si ate Noel at kuya Hero. Napagpasiyahan kasi namin kanina na bisitahin si Honey dito para alamin ang kanyang lagay.

"Ano ka ba Honey. Okay lang yun. Makakahanap rin naman kami ng trabaho eh. Kung kailangan mo ng tulong magsabi ka lang sa amin para matulungan ka namin"

"S-salamat kuya Hero."

"Oo nga Honey. Magsabi ka lang kung kailangan mo ng tulong promise papahiramin kita ng pera" hinaplos ko ang kanyang kamay para patahanin siya sa pag iyak.

The Author's Crime Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin