Chapter 7- IG post

2.2K 73 53
                                    


Pabagsak akong humiga sa aking kama pag kauwi ko ng bahay.

Parang binugbog yung katawan ko pati utak ko sa sobrang daming ginawa sa school kanina. Recitations, quizzes, reporting and di pa nakontento binigyan pa kami ng sandamakmak na assignments. Di ba pwedeng ienjoy ko weekends ko bukas?

Tumayo na ako para maligo at mag bihis. Naalala ko kasi na sasamahan ko si Marie mamaya sa arcade. I looked at the wall clock, 4:30 palang. Ang usapan namin ay susunduin niya ako dito sa bahay mamayang 5:30.

Pagkatapos kung naligo at magpatuyo ng buhok ay nagbihis na ako at bumaba sa sala para doon na hintayin si Marie.

I was sitting in the sofa while being busy with my phone ng makarinig ako ng halakhak sa sa 2nd floor. Nakita kung pababa ng hagdan si Mommy pati narin si Tita El. Binubuhat ni Tita El si Mommy parang katulad ng napapanood ko sa tv na binuhat ng Groom yung Bride niya pagkaalis nila ng church.

Nagulat sila ng makita nila akong nakaupo sa sofa.

Bababa na sana si Mommy sa bisig ni Tita El pero hinigpitan niya lang ang hawak niya dito. Dahan dahan siyang naglakad sa kaharap ko na sofa yung pang isahan lang at umupo habang si Mommy naman ay nakaupo rin sa lap ni Tita El. Ngumiti ng napakatamis si Tita El sa akin habang si Mommy naman ay tahimik lang na nakayuko.

"Kala namin mamaya pa ang uwi mo. Usually, 5pm ka pa umuuwi dito sa bahay kasi ayaw mo makihalubilo sa mga student na nag sisiuwian ng 4pm. At mukhang may lakad ka."

Malambing na sabi ni Tita El habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.

Wala naman kasi akong choice kanina, kundi ang umuwi ako ng maaga kasi nga may lakad ako with Marie.

Di ko siya sinagot at patuloy lang akong nakatingin sa kamay niya, na ngayon ang nakahawak sa bewang ni Mommy habang wala paring kibo at nakayuko.

Kinakabahang tumawa si Tita habang inaalis ang kamay sa bewang ni Mommy and she cleared her throat.

" Masakit kasi paa ng Mommy mo kanina at di makalakad kaya binuhat ko siya pababa dito. Bigat nga niya eh." pigil tawa ni Tita habang may mapang asar na ngiting nakatingin kay Mommy.

Hinampas ni Mommy sa balikat si Tita at kinurot sa tagiliran. Tumawa lang ito ng malakas habang iniiwasan ang mapanakit na kamay ni Mommy.

Naguguluhan ako.

Ganito ba talaga ang mag bestfriend? I didn't experience having one, yun yung alam ko. Wala naman siguro akong bestfriend dati kasi wala pa ni isang kaibigan ang bumisita sa aking or nag pakita matapos yung aksidente. I smiled at them lovingly. They are so happy with each other. Sana magkaroon din ako ng bestfriend, I want to have this kind of relationship with someone.

Tumigil si Mommy kakakurot kay Tita. siguro ay napagod din ito. They looked at me kaya naman ay kinausap ko sila.

'I want to have a bestfriend like tita in the future too. I think having a bestfriend is a good feeling right?'

nagkatinginan silang dalawa at ngumiting nakatingin sa akin habang sabay na napatango.

'Sa sobrang ganda ng relationship niyo po ay iisipin ko nga mag jowa kayo e. I saw you kissing in the garden. Is that normal between bestfriends?'

inosenteng tanong ko sa kanila. Nawala bigla ang mga ngiti sa kanilang mga labi at agad na namula ang kanilang mukha. Mabilis na umalis si Mommy patungong kusina. Kala ko ba masakit paa nun? Tumingin ako kay Tita na hanggang ngayon ay namummula pa rin.

"B-baby Aki, a-ano kasi-" di na nito natuloy ang kanyang sasabihin ng may nag doorbell.

Baka si Marie nayun. Narinig ko ang malakas na pag buntunghininga ni tita pero di ko na yun pinansin.

The Author's Crime Where stories live. Discover now