Bonus Chapter

108 3 2
                                    

Bonus chapter from the original version.

"What? Binuksan mo ulit ang kaso ni Freya?" Seryosong tanong ni Roberto Ojeda sa anak niya. 

Seryoso rin ang tingin ni Kennedy sa ama niya, "Yes. Alam mo naman Dad na she's the reason why I pursue Law. For her to get the justice she deserves." Matapang na sagot niya. Alam naman na kasi niyang hindi papayag ang Daddy niya na buksan ulit ang kaso dahil may pinagtatakpan silang dalawa ng Tito Rigor niya na Daddy nila Redion Axel at Freya.

"Hindi ako papayag, Kennedy Vincent. Kaibigan namin ng Tito mo ang kalalabanin mo!" Sigaw ng Daddy niya, pero hindi nagpatinag si Kennedy. Sa isip niya, ito na ang oras na suwayin niya ang Ama niya.

"But ate Freya is your family, Dad!" Hindi na rin niya napigilan na tumaas ang boses. Hindi lang siya makapaniwala na mas pinapahalagahan nilang magkapatid ang Politika kaysa sa pamilya nila. "Ano? Politics over family pa rin? Kung kayo nasisimukra niyo ang gan'on, ako hindi Dad." Patuloy niya saka umalis sa harap ng ama dahi baka kung ano pa ang masabi niya.

Hindi malapit si Kennedy kay Redion na pinsan niya, pero ang kapatid nito na si Freya ay itinuring na ni Kennedy na parang kapatid kaya naman hindi niya matanggap ang nangyari sa kan'ya sa kamay ng anak ng kapanalig ng pamilya nila sa politika.

Matagal niyang pinag-isipan ang gagawin niyang pagbukas ulit ng kaso ng pinsan niya. Sisiguraduhin niyang pagbabayaran ng lalaking 'yon ang ginawa niya sa Ate nila.

---

"Upon careful consideration of the evidence presented in the case, and in light of arguments made by both the prosecution and the defense, this court has reached a decision. The defendant, has been found to be guilty beyond a reasonable doubt. Court adjourned."

"Pagbabayaran mo 'to, Ojeda. Hindi mo kilala ang binabangga mo!" 

Seryoso lang ang tingin ni Kennedy sa lalaking inaakay na ngayon ng mga pulis papunta sa kulungan, pero nagpupumiglas ito at masama ang tingin sa kanya.

"Hindi mo rin ako kilala. Huwag mong ipagmayabang ang posisyon ng tatay mo sa politika." 

"Walang hiya ka! Bitawan niyo ako! Wala akong kasalanan!" Sabi pa niya habang kinakaladkad na siya ng mga pulis.

"Kennedy," Napalingon siya nang tawagin siya ni Redion. Napangiti siya nang makita kung sino ang kasama ng pinsan niya. Si Shine. Ang babaeng minsan niyang minahal.

"Like what I've promised, Redion. Nakamit na natin ang hustisya para sa Ate natin."

"Thank you."

Tinapik niya ang balikat ng pinsan.

"By the way, congrats sa inyo. Balita ko engage na kayo?" Ngumiti siya sa mga ito. Tumango naman si Redion Axel. Natawa pa siya dahil nakita niya ang pagpula ng tenga nito. "Kailan ang kasal?" Tanong pa niya.

"Kung gusto mo ngayon na, ikaw na magkasal sa'min." Sagot ni Shine. Bigla namang nasamid si Redion Axel sa sinabi ng fiance niya.

"Masyado mo naman ginugulat ang pinsan ko, Shine. Pero kung papayag si insan, aayusin ko na ngayon ang kasal niyo." Sagot naman ni Kennedy. Naiiling na lang si Redion Axel dahil nagkakampihan pa ang dalawa sa pang-aasar sa kan'ya.

"Hon," 

Sabay-sabay na napalingon ang tatlo kay Fiona, asawa ni Kennedy. Lumapit ito sa kanila, pero napatigil siya nang makita ang mga kausap ni Kennedy.

Agad naman na napansin ni Kennedy ang pagtigil ng asawa kaya agad niyang nilapitan ito at hinawakan sa kamay.

"Hi, Fiona!" Nakangiting sabi ni Shine. Napansin niya rin kasi na ilag sa kanya ang babae. Dahil na rin siguro sa mga nakaraan nila.

"Ilang buwan na lang manganganak na si Fio, invited kayo sa binyag." Nakangiting sabi ni Kennedy. Napangiti rin sa kan'ya. 

"Ninang ako, ah?" Nakangiting sabi ni Shine. She's genuinely happy. Hinawakan pa niya ang kamay ni Fiona na halatang nahihiya sa kan'ya.

"O-of course ." Sagot ni Fiona.

"Nakakainggit naman," Sabi ni Shine at napalabi, "Redion Axel tara pakasal na tayo at gumawa na rin ng baby-"

"Aviel Shine!"

Sabay-sabay silang natawa. Masaya si Kennedy na makitang masaya si Shine. Panatag na ang loob niya ngayon dahil alam niyang nasa mabuting kamay na ito.

Redion Axel found love he deserves.

Aviel Shine is now genuinely happy with Axel.

And Kenney found the courage to fight for his freedom. Freedom from his Dad.









____________________

hello! aly here, also known as loreiiii_ gusto ko lang mag-thank you sa mga umabot hanggang dito.

i-ku-kuwento ko lang kung paano ko nasulat ang The Story of Us.

July 2023. Nagkasakit ako kaya tumigil ako sa pagsusulat dahil bawal muna ako sa gadgets. Sa sobrang bored ko, nakapag-isip ako ng plot. Dapat may sakit ang bidang babae, tapos sa hospital niya makikilala ang bidang lalaki. iyon ang original plot ng The Story of Us. Pero ayaw kong magsulat ng heavy angst na story, gusto ko 'yong light lang. So, pinalitan ko.

Ang character ni Redion Axel ay based sa kapatid ko na nursing student at volleyball player. Ang kaibahan lang talaga ay ang ugali nila hahaha. OA po ang kapatid ko charing.

Ang basehan ko naman kay Aviel Shine ay hindi ko po alam. char, syempre reflection ng kung ano ako. Fan ng SB19, ng ppop/opm at dating Marketing student.

Hindi ko plano na magiging series ito. Pero napamahal ako sa magpipinsang Solinas. Para ko na silang mga anak, kaya naman gusto kong magkaroon din sila ng kan'ya-kan'yang istorya.

iyon lang naman. thank you ulit sa mga umabot dito sa dulo! muahhhh!

The Story of Us [COMPLETED]Where stories live. Discover now