Chapter 27: Her POV 9

55 5 0
                                    

Chapter 27:

Aviel Shine Peres Rios' POV


"Okay. Kaibigan."

Napabuntong hininga ako nang maalala na naman ang huli naming pag-uusap ni Redion Axel.

Nandito ako sa SC office at nakatulala lang habang pahigang nakasandal sa upuan.

Nagulat ako nang may bumagsak na folder sa mesa at umupo sa harap ko si Rio.

"Inutos ni President na ayusin na ang mga files na 'yan. Hindi raw i-a-approve 'yan kapag gan'yan kagulo." Sabi niya. Nagulo ko na lang buhok ko. Stress na stress pa nga ako sa subject naming Taxation at sa business research, e!

"Ipagawa mo sa President, hindi naman ako 'yong President." Bulong ko. Representative lang naman ako ng Business Administration and Accountancy department!

"Sira ka ba? Para sa activity ng department niyo 'yan, at si presi nag-utos tapos siya rin gagawa?." Napapadyak na lang ako dahil sa inis. Oo nga pala, may pinapa-approve ang Dean namin na activity for our department. Ano ba naman!

"Sige na, lumayas ka na rito." Sabi ko at kinuha iyong mga files na nilapag niya kanina sa harap ko. Para matapos na, gagawin ko na!

"Pupunta ako sa gym para manood ng laro ni Axel ngayon, sama ka?" Ngisi niya. Inihampas ko tuloy sa kan'ya ang hawak kong folder.

"Siraulo ka ba?! Kita mong iniiwasan niya ako!" Mahinang sigaw ko sa kan'ya.

"Malamang, nasaktan siya." Sagot niya kaya inirapan ko siya.

"At ako hindi?"

"Wala naman akong sinabi, sige na alis na ako." Sabi niya saka tumayo.

"Wait lang, sasama ako." Tumayo rin ako. Kinuha ko rin iyong folder. Babasahin ko ulit saka ko ayusin pag-uwi ko.

Tawa nang tawa si Rio sa tabi ko dahil sinisikap ko talaga na hindi ako makita ng pinsan niya.

"Bakit ka pa kasi pumunta rito kung magtatago ka lang?" Sabi niya. Nakangisi na naman. Inaasar niya talaga ako.

"Gusto ko lang manood!" Siniko ko siya. Agad akong yumuko nang mapatingin dito sa kinauupuan namin si Redion Axel.

"Umamin ka nga, gusto mo ba si Kaps?"

Napatingin ako sa kan'ya na kunot ang noo. Saan na naman nanggagaling ang mga tanong na 'yan? Ma-issue talaga mga tao ngayon, jusko!

"Nanood lang ng game niya, gusto na agad?"

"Oo at hindi lang naman ang sagot sa tanong ko, defensive ka masyado." Hahampasin ko sana siya, pero agad siyang tumayo at lumapit sa kinaroroonan ni Redion Axel. Bwesit na bata!

Nanatili lang ako sa kinauupuan ko. Sanay naman ako sa cold aura niya, pero masasabi ko na maraming nagbago sa kan'ya.

Bilib din talaga ako sa kan'ya, e. Akalain mo 'yon, sobrang hirap ng course niya tapos naisaasabay pa niya ang pagiging volleyball player niya. Siya na rin ngayon ang team captain ng volleyball varsity team.

According to Rio, sumali siya sa varsity team dahil sa scholarship. Gusto na rin daw niyang umalis sa team dahil sa course niya, pero nasasayangan siya sa scholarship.

Tumayo ako at sumabay sa mga nanood ng game nila ngayon. Iniwan ko na roon si Rio.

---

Mabilis akong naglakad dahil late na ako sa klase ko sa Taxation. Nasa may gate na ako nang makakasalubong ko si Redion Axel. Ano ba 'yan!

Agad akong nagtago sa likod ng guard na mukhang nagulat at nagtataka pa.

Nang makalampas siya sa akin ay napatingin ako sa kan'ya. Hindi lang pala siya mag-isa, may mga kasama siya at nakikipagtawanan siya sa mga 'yon.

The Story of Us [COMPLETED]Место, где живут истории. Откройте их для себя