Chapter 22: Her POV 4

64 7 5
                                    

Chapter 22:


Aviel Shine's P.O.V





Naging busy kami ngayong week na 'to dahil malapit na ang exam. Minsan na nga rin kami magkita ni Kennedy. Miss na naman ako no'n. Miss ko rin naman na siya. Same lang.

Nagyaya ang mga kasama ko rito sa SC sa food court. Sumama na ako since wala ako kasamang kumain ngayon.

Napatigil kaming lahat sa pag-uusap nang biglang dumating si Rio. Napakunot pa ang noo ko dahil kasama niya si Redion na seryoso ang mukha. May binulong pa kay Rio.

Hindi ko na lang siya pinansin at nakipag-usap na ulit sa mga kasama namin.

"Ganda ng lahi niyo, Maurio. Palahi naman." Sabi ni Sienna. Nagtawanan kami. Wala naman pakialam itong si Redion. Totoo naman. Gwapo rin talaga sila. Lakas makapogi pa 'yong white na uniform ni Redion.

"'Yan si Redion walang jowa 'yan, sa kan'ya ka na magpalahi." Sagot ni Rio. Doon lang siya napatingin sa pinsan at sa amin.

Nang kumain kami ay hindi tinigilan ni Sienna si Redion na panay tango at iling lang ang sagot. Natawa tuloy ako. Halatang walang pakialam, e. Kawawa naman itong si Sienna.

Matapos kumain ay nagsipaalam na sila. Hindi naman ako makatayo dahil masakit ang puson ko. Shit na 'yan, mayroon pa ata ako huhu. Mayroon nga!

Ano gagawin ko?! Si Redion na lang ang nandito!

"Uy Redion." Napatingin siya sa'kin nang kalabitin ko siya. Kakapalan ko na lang ulit ang mukha ko.

"Bakit?" Tanong niya at umiwas ng tingin. Parang nailang pa siya.

"P'wede magpabili sa'yo?" Mahinang sagot ko. Nakakahiya, pero siya na lang ang nandito! Kumunot ang noo niya na tumingin sa'kin.

"Ano ba 'yon?"

Nag-aalangan ako, pero... "Ano kasi..." Hindi ako makatingin sa kan'ya ng diretyo. Nahihiya nga kasi ako!

"Ano?" Parang nawawalan na siya ng pasensya.

Huminga ako ng malalim. "Pabiling ano," napasandal siya sa upuan at tumingin sa akin. Mariin akong napapikit. "sanitary pads." Mahinang patuloy ko.

Napaayos siya ng upo. Napatakip tuloy ako sa mukha ko dahil sa kahihiyan. Sumubsob na lang ako sa lamesa para itago ang mukha ko. Nang tumingala ako para tignan ang reaksyon niya ay nahuli ko pa siyang nakangiti, pero agad ding nawala 'yon. Tinatawanan ba niya ako? Naiiyak na ako rito, e!

"Sige na, huhu."

Pumayag naman siya. Pero kanina pa siya hanggang ngayon wala pa rin siya! Nagpa-panic na naman tuloy ako. Baka iniwan na ako no'n dito!

Kanina pa ako palinga-linga sa paligid baka sakaling makita ko siya. Naman! Babatukan ko talaga siya kapag hindi niya ako balikan dito!

"Oh ito na." Nilapag niya sa mesa iyong isang supot ng sanitary pads. Napatingin ako sa kan'ya. Ang dami naman!

"Ang dami mo naman binili!" Mahinang sabi ko sa kan'ya. Umiwas lang siya ng tingin at napahimas pa siya sa batok niya. Namumula ang tenga.

"Malay ko na kung ano ang mas prefer mo gamitin." Sagot niya.

Umirap na lang ako bago tumayo. Pero na-realize ko wala akong pamalit na damit!

Tinignan niya ako nang umupo ulit ako. "Pabili ulit." Pagmamakaawa ko. Naiiyak na naman.

"Sige na, ano ba 'yon? Naluluha pa, mamaya sabihin na pinaiyak kita diyan." Sabi niya saka umiwas ng tingin. Ihhh kasi naman!

"Pabili ako damit sa department store, please? Promise, libre kita sa sunod." Sabi ko pa pero hindi na siya sumagot at umalis sa harap ko. Napangiti na lang tuloy ako. Mukhang napilitan lang, e pero pumunta pa rin.

The Story of Us [COMPLETED]Where stories live. Discover now