Chapter 5

193 25 24
                                    

Chapter 5:

Redion Axel's P.O.V


HINDI ko alam kung bakit nakatayo ako ngayon dito sa animal shelter. Nakatayo lang ako sa entrance at hindi ko alam kung papasok ba ako o ano.

Ano ba kasi ang ginagawa ko rito? Naknampucha naman talaga, Axel!

"Hoy, anong ginawa mo rito?" Muntik na akong mapatalon sa gulat nang may magsalita sa likod ko. "Si gulat naman 'to." Si Aviel. Kunot ang noo niya dahil siguro sa sikat ng araw na tumatama sa mata niya.

Pumasok siya sa loob ng animal shelter. Sumunod naman ako agad.

"Pinuntahan mo ba rito si Lily?" Tanong niya habang nilalaro si Lulu. 'Yong aso na may sama ng loob sa'kin. Tumatahol na naman kasi habang nakatingin sa'kin.

"Hindi," sagot ko. Binuhat ko rin si Lily na agad na lumapit sa'kin. 'Buti pa 'tong si Lily mabait.

"Eh, anong ginagawa mo nga rito?" tumingin na siya sa'kin. Maayos naman na siya ngayon. Pero halata sa mata niya na hindi siya okay noong mga nakaraang araw dahil namumugto pa iyon.

Gusto kong magtanong kung okay na ba siya. Pero pinigilan ko na lang ang sarili ko na magtanong tungkol sa nangyari noong araw na 'yon. Baka ayaw niyang pag-usapan, isa pa, wala naman ako sa lugar para magtanong ng personal na bagay tungkol sa kan'ya.

"Wala. Baka lang naman makita kita rito. Sinabi mo noon na ilibre mo ako. Maniningil na ako." Umiwas ako ng tingin at nakangiting hinihimas ang ulo ni Lily.

"Ano? At talagang sinadya mo ako rito para sa libre ah?" Nang tignan ko siya ay kunot ang noo niyang naiiling.

"Syempre. Libre na 'yon, e." sagot ko nang hindi tumitingin sa kan'ya. Tumawa naman siya ng sarcastic. Ang sama pa ng tingin sa'kin. Tumawa na lang ako dahil sa reaksyon niya.

Tumambay ulit kami sa food court. Kumakain na kami ngayon ng sikat na pancit batil patong ng Tuguegarao City. Iyon ang dinadayo ng mga turista rito.

Habang kumakain kami ay nagtatanong siya ng kung ano-ano. Sinasagot ko lang naman ng tango at iling. Minsan sinasagot pero tipid lang.

Ang dami na naman niyang sinasabi na sobrang random. Hinayaan ko na lang.

"May girlfriend ka ba—" muntik na akong mabulunan dahil sa tanong niya. Napaubo ako dahil bumara yata 'yong pancit sa lalamunan ko. Naknampucha. Pabigla-biglang gano'n naman kasi ang tanong.

Agad naman niya akong binigyan ng bottled water na binili namin kanina.

Ano ba naman kasing tanong 'yon!

"Hulaan ko, wala kang girlfriend 'no? Hindi na ako magtataka." sabi niya nang makainom na ako.

Naknam. Parang sinabi niyang walang gustong maging boyfriend ako ah. Ayos.

"Sa tipid mo ba naman sumagot. Malamang ma-bo-boring 'yong mga babae." naiiling na sabi niya. Naka-cross arm pa siya na nakatingin sa'kin.

Alam ko naman na boring talaga ako kasama. Wala naman kasi akong interesting na sasabihin para maaliw sila.

"Wala rin naman akong balak magkaroon no'n." sagot ko na lang at umiwas na ng tingin sa kan'ya.

Wala sa isip ko na magkaroon ng girlfriend. Sarili ko nga hindi ko maintindihan, iintindi pa ako ng iba?

"Sinasabi mo lang 'yan kasi hindi mo pa nakikita 'yong katapat mo." sagot niya at tinuloy na ang pagkain.

"Nakita ko na nga, kumakain na nga kasama ko." Bored na sagot ko.

The Story of Us [COMPLETED]Where stories live. Discover now