Chapter 4

169 28 23
                                    

Chapter 4:

Redion Axel's P.O.V


KANINA pa ako nakatayo rito sa aisle kung saan nakalagay ang mga sanitary pads.

Hindi ko alam kung ano ang bibilhin. Sa huli. Bumili na lang ako ng tatlong klase.

"Para ba 'to sa girlfriend mo?" tanong no'ng babae sa cashier. Girlfriend agad naisip? Hindi ba pwedeng para sa kakilala?

"Hindi," sagot ko.

May ilan sa likod ko na mga students sa ibang university ang nagbubulungan at nakatingin pa sa'kin. Nagsisikuhan pa sila nang mapatingin ako sa kanila.

Anong mali sa pagbili ko ng napkin?

Nang makabayad ay agad na akong bumalik sa kinaroroonan ni Aviel Shine. Nakaupo pa rin siya roon. Palinga-linga pa siya sa paligid at mukhang worried.

"Oh ito na." nilapag ko sa lamesa ang isang supot. Tinignan naman niya iyon bago ako ulit tignan.

"Ang dami mo naman binili!" Mahinang sabi niya. Umiwas ako ng tingin. Napahimas sa batok.

"Malay ko ba kung ano ang mas prefer mo gamitin." sagot ko.

Umirap siya bago tumayo. Pero napaupo rin agad. Ano na naman?

"Pabili ulit." sabi niya. Nagmamakaawa ang itsura. Parang iiyak na naman.

"Sige na, ano ba 'yon? Naluluha pa, mamaya sabihin na pinaiyak kita diyan." sagot ko saka umiwas ng tingin. Naknampucha naman.

Nagutom lang naman ako kanina kaya ako sumama, dahil libre, pero ito pala ang kapalit no'n!

"Pabili ako damit sa department store, please? Promise, libre kita sa susunod." Sabi niya.

Hindi na ako sumagot at pumunta na lang sa department store para bumili ng damit na gagamitin niya.

Bumili na lang ako ng gray sweat jogging pants at gray na plain t-shirt saka ako bumalik.

"Thank you ah." sabi niya. Naglalakad na kami ngayon palabas ng mall. Nakapagpalit na rin siya at maaliwalas na ang mukha niya. "Mabait ka naman pala." patuloy niya.

"Bakit, mukha ba akong kriminal?" nakakunot ang noong tanong ko. Agad naman siyang tumawa at sinagi ang balikat ko na parang magtropa kami.

"Hindi naman. Lagi kaya kitang nakikita sa guidance office." Sagot niya. Ayos ah. Sa lawak ng USLT, sa guidance pa talaga niya ako laging nakikita.

Hindi ako sumagot kaya nagsalita na naman siya. Ang daldal. Ang random ng mga sinasabi niya.

"Wala ka na bang klase ngayon?"

Umiling ako bilang sagot. Hindi naman ako maglalakad kasama niya ngayon dito kung mayroon.

"Sakto, samahan mo ako!" parang excited na sabi niya at hinawakan pa ang palapulsuhan ko at hinila na ako.

Hindi naman ako nakapag-react agad. Parang may kuryente na dumaloy sa buo kong katawan nang hawakan niya ako. Ano ba 'yon? Dahil ba sa lamig ng aircon sa mall 'yon?

"T— teka. Saan ba tayo pupunta?" nautal pa ako.

"Sa likod ng mall." sagot niya at humarap pa sa'kin na nakangiti. Nanlaki ang mata ko. Bakit kami pupunta sa likod ng mall?!

Tumawa siya sa naging reaksyon ko. Naknampucha. Kasiyahan niya ba ako?

"Ang dumi ng isip ah. May animal shelter kasi ro'n. Gusto kong bisitahin."

The Story of Us [COMPLETED]Where stories live. Discover now