Chapter 1

882 48 43
                                    

note//: some name of businesses, places and universities that mentioned are fiction unless otherwise stated. thank you.

Chapter 1:

Redion Axel's P.O.V

"Kaps, broken ka ba?" 'Yan ang bungad ni Vito nang makaupo ako sa tabi nila dahilan para magtawanan sila.

Hindi ko sinagot ang pang-aasar ng mga sira ulo kong mga pinsan. Hindi ko rin alam kasi at bakit sumama pa ako pauwi rito. Mabu-bwesit lang din naman ako sa kanila.

"Hayaan niyo na 'yan si Axel, mukhang kinakain na ang sinasabi niyang malaking joke lang ang love." hindi ko alam kung matutuwa ako sa sinabi ni Gio o maiinis dahil nagtawanan sila. Naknampucha talaga. Ako na naman ang nakita nila. Partida, hindi pa sila kompleto.

Nakakapangsisi na pumunta ako rito. Birthday kasi bukas ni Vito. Birthday salubong daw. Ang daming alam, e. P'wede namang bukas na lang ako pupunta.

Pero hindi na ako magtataka. Inuman ang pinunta nilang lahat dito. Nahila lang talaga ako nitong si Dave at Zack na kasama ko sa apartment.

Wala pang mga bisita. Baka bukas pa sila darating. Kami-kami pa lang na magpipinsang Solinas ang nandito.

"Hayaan mo Kaps Axel, marami akong inimbita na chix. Makalilimutan mo rin 'yang iniiyakan mo." sabi ni Vito. Nagtawanan na naman sila. Hayop. Hindi naman ako umiiyak dahil sa isang babae.

At hindi ako interisado sa sinasabi niyang chix.

Nag-inuman lang sila. Pinipilit nila akong uminom, pero masakit na ang ulo ko. Ayaw ko na dagdagan.

Walang pasabi akong tumayo at umalis. Wala rin naman nakapansin sa'kin dahil focus na focus sila sa paglalaro ng lucky nine.

Wala namang pustahan 'yon, hampasan lang ng plastic bottle sa ulo ang matatalo.

Gusto ko na matulog. Ang dami kong iniisip ngayon at nakakapagod na. Baka kapag hindi ko naitulog 'to ay masisiraan na ako ng bait.

"Matutulog ka na?" tanong ni Ate Alta nang makasalubong ko siya sa sala. May hawak siyang pulutan.

Tumango ako.

"Sa kwarto ka na lang ni Rio." sabi niya, "ikaw lang din naman may karapatang pumasok doon." patuloy niya saka napailing.

Si Ate Alta, Vito at Rio ay magkakapatid. Mga pinsan ko sa Mother side. Marami pa kaming magpipinsan, sa sipag ba naman magkalat ng lahi ang mga kapatid ni Mama.

Tinungo ko ang kwarto ni Rio na nasa pinakadulong kwarto sa second floor ng bahay nila.

Kaming dalawa ni Rio ang masasabi kong medyo matino sa aming magpipinsan. Parehas kaming introvert kaya magkasundo kami sa lahat ng bagay.

Kaya ako lang ang nakakapasok sa kwarto niya ay dahil alam niyang hindi ako pakialamero, hindi gaya sa iba naming pinsan na pinapakialaman lahat. Sa likot ba naman nila. Masyadong maligalig.

Nang mahiga ako sa kama ay tumulala lang din naman ako sa kisame. Parang nawala 'yong antok ko.

Inaalala ko pa rin 'yong nangyari kanina.

Ayaw kong magkaroon ng galit kay Kennedy. Ayaw kong idamay siya sa galit ko sa mga Ojeda. Hindi ko lang talaga matanggal sa isip ko na isa siyang Ojeda at pare-parehas lang sila. Pero Ojeda rin ang dugong dumadaloy sa'kin na kailan man ay hindi ko matatanggap.

Kennedy is my cousin. Sa father side. Matagal nang hiwalay si Mama sa hayop na tatay ko, at matagal na rin na kinalimutan kong may ama pa ako.

Natigil ako sa pag-iisip nang may kumatok. Paglingon ko ay bumukas ang pinto at pumasok si Ate Alta.

The Story of Us [COMPLETED]Where stories live. Discover now