Chapter 3

308 31 27
                                    

Chapter 3:

Redion Axel's P.O.V

Sabado. Six AM. Sabay-sabay kami nila Rio at ate Alta pauwing Ilagan.

Dito kaming lima sa Tuguegarao nag-aaral. Ako, si ate Alta, Rio, Dave at Zack. Sa USL lahat kami nag-aaral.

Si Rio mula junior high school siya sa Tuguegarao na talaga siya nag-aral.

Ang reason bakit ako rito nag-aral ay dahil hinila lang din ako ni Zack at Dave. Pumayag na lang din ako dahil may offer din na scholarship noon sa varsity. Sayang din naman 'yon.

Pagkarating namin sa bahay nila Rio ay may inuman na naman. Si Vito na naman siguro may pakana. Malamang ay kahapon pa 'tong inuman na 'to. Umagang-umaga alak agad. May mga bisita ba yata siya. Hindi ko na lang pinansin kung sino mga 'yon.

"Naknampucha, umalis kami na nag-iinuman kayo tapos hanggang pag-uwi inuman pa rin?" bungad ni ate Alta.

Napailing na lang si Rio at dumeretyo sa loob ng bahay nila. Ako naman ay nagpaalam na uuwi na rin.

Nakasalubong ko pa si Kuya Ricky— I mean Ricky. Ayaw niya na tinatawag namin siyang Kuya. Pati si ate Alta ayaw din magpatawag ng ate, e. Nagmumukha raw silang matanda. E, totoo namang mas matanda sila.

"Uy kaps, may nomi pa rin ba do'n?" tanong niya. Tinutukoy ang sa bahay nila Rio.

"Oo, kailan ba nawalan ng inuman do'n?" napailing na sagot ko. Tumawa naman siya at sumang-ayon sa sinabi ko.

"Balita ko maraming chix na dinala si Vito, galing Cauayan." tawa niya. Iyon nga siguro 'yong mga nakita ko kanina. Marami talagang kakilala si Vito.

"Wala akong alam do'n." sagot ko. Tumawa ulit siya.

Itong si Ricky, pinaghalong Rio at Gio. Minsan tahimik, minsan maingay parang bunganga ni Gio. Buti nga at wala— speaking of.

Nakangising lumapit sa'min si Gio. Umuwi rin pala siya. Same sila ng university ni Ricky. Sa Santiago naman sila. Isa ring catholic school.

Ewan ko ba at halos kami ay nasa catholic school. Para siguro mawala ang kademonyohan namin sa katawan. Naknampucha.

Si Vito lang ang hindi. Sa ISU Cauayan 'yon nag-aaral. Baka masunog kasi siya kapag sa catholic school, e.

Inakbayan pa ako ni Gio nang makalapit siya kaya agad ko siyang siniko. Napabitaw agad siya sa'kin na natatawa.

Kompleto pa nga ang mga sira ulong Solinas ngayon. Paniguradong ang gulo na naman ng buhay ko.

"Kumusta Axel babes?" Hindi ko siya pinansin. Manggagago na naman 'tong si Gio panigurado.

Mukhang galing siya sa basketball court dahil pawis na pawis siya. O, baka nag-jogging.

Nagpaalam na ako sa kanila nang makita ko si Mama palabas ng bahay. May duty siya ngayon.

Isa siyang Doctor. Kaya rin ako nag-nursing dahil gusto ko rin maging Doctor gaya niya. Gaya nila ni Ate Freya. Pero mukhang hindi ko na mapaninindigan maging doctor. Ang sakit na nga sa utak 'tong pre-med, e.

"Balik ka mamaya rito, Axel babes! Irereto kita sa mga chix ni Vito!" narinig ko pang sigaw ni Gio.

Pinakyuhan ko siya na siya namang kinatawa niya. Gago talaga.

"Ma," lumapit ako kay Mama at nagmano.

"May naluto na ako sa loob, papasok na ako." sabi niya. Tumango ako. May dala naman siyang kotse na ibibigay sana niya sa'kin. Pero hindi ko tinanggap kasi sumasabay naman ako kila Rio pauwi minsan.

The Story of Us [COMPLETED]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum