Chapter 28: Her POV 10

70 2 0
                                    

Chapter 28:

Aviel Shine's POV

Days passed smoothly. Tapos na ang lahat ng kalbaryo ko sa pag-aaral! Finally! Ga-graduate na rin ako!

Mygad! Akala ko talaga hindi na ako makakaabot ng fourth year, pero kita mo naman at ga-graduate pa akong may latin honor!

"Congrats, future Solinas." Agad kong sinuntok sa braso si Zack nang sabihin niya 'yon. Parang sira.

Agad naman silang nagtawanan. Tapos na rin ang graduation nila, bukas naman ang sa mga nursing. Nandito rin si Rio na fourth year na rin next school year.

Nagpaalam muna ako sa kanila nang makita ko si Daddy. Agad akong lumapit sa kan'ya.

"Congrats, anak." Sabi niya at inabot sa'kin 'yong hawak niyang bouquet of flowers. Napangiti ako at niyakap siya.

"Thanks, dad."

Nakita ko rin kanina sa Mommy. Hindi ko lang siya nilapitan dahil kasama niya ang bago niyang asawa. Ang tatay ni Redion Axel.

Wala naman na akong galit sa kan'ya. Pero hindi pa ako handa na kausapin siya gaya dati. Siguro darating naman doon na totally tanggap ko na, pero hindi pa sa ngayon.

Bumalik ulit ako sa mga kaibigan ko nang magpaalam si Dad. Mauuna na raw siya sa bahay at sumunod na lang ako. Bukas lang daw niya ako ililibre sa labas.

Nandito rin si Faith. Kaibigan ko na taga La Union. Ngayon ang unang pagkikita namin after how many years naming pagkakaibigan through online, dahil sa SB19.

"Nasaan dito si Redion Axel?" Tanong niya. Tinignan pa niya ang tatlong Solinas na kasama namin. Si Zack, Dave at Rio lang ang nandito.

"Wala." Sagot ko. Malabo na pupunta or pumunta 'yon. Sa campus nga hindi ko na nahagilap noon, e.

"Kends!" Kumaway ako kay Kennedy nang makita ko siya. Agad naman siyang ngumiti at lumapit sa'kin nang makita niya ako.

Pinakilala ko muna siya kay Faith bago ako nagpaalam saglit sa kanila para kausapin si Kennedy.

"Buti nakapunta ka?" Sabi ko. Busy na rin kasi 'to. After ng graduation niya sa pre-law ay agad din siyang nag enroll sa Law school.

"Of course. Congrats." Nakangiting sabi niya at binigyan pa niya ako ng dalawang paper bag. "Bigay ni Fiona ang isa, congrats din daw." He added.

Ngumiti ako at inabot 'yon, "thank you." Nakangiting sabi ko.

Years na rin ang lumipas. We are both happy now. Tinanggap na rin talaga namin na hindi talaga kami ang para sa isa't isa. Mas pinili na lang namin na maging magkaibigan na lang.

"Pumunta ba?" Tanong niya. Nakangisi pa, napairap tuloy ako.

"Hindi," lumabi ako. Tumawa naman siya. "Umiiwas nga paanong pupunta." Patuloy ko. Mas lalo siyang natawa.

"Ikaw na kasi mag first move." Sabi niya. Pabiro niya pa akong tinulak kaya iyon din ang ginawa ko.

"Sige, bukas." Sagot ko. "Magandang pang-first move ang 'congrats'." Sagot ko.

Nagpaalam din siya agad. May date pa raw sila ni Fiona. Sana all na lang talaga.

KINABUKASAN.

Sinundo kami ni Rio dito sa may condo. Kasama ko na ngayon dito si Faith since may nabiling business ang parents niya rito.

"Bakit kasi hindi na kayo nagpapansinan? Hindi mo nakwento sa'kin 'to ah." Sabi niya habang pababa kami.

"Ni-friendzone ko nga siya." Sagot ko. Agad naman siyang napatingin sa'kin. Tinaasan ko siya ng kilay dahil nakatingin lang siya sa'kin, hanggang sa bigla siyang tumawa.

The Story of Us [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon